STOLEN #15


Pain. Iyon ang nakikita niya kay Haje habang kini-kwento niya ang nakaraan ng mga magulang.
Hindi alam ni Threia kung ano ang isipin kay Henderson. Ayaw niyang magpadalos-dalos na husgasan agad ang ama. Gusto niyang maging patas sa pagitan nila Haje at Henderson.
Somehow in those past few days with Haje, naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang galit ng binata sa ama.
Haje Defuente is full of hatred. Kaya niya pa kayang tunawin ang galit na iyon?
Naaawa siya sa binata. He needs comfort from her. Pero paano niya gagawin ‘yun nang hindi siya nakakaramdam ng kaba?
“Uhmm, Haje.” sabi niya kay Haje nang datnan niya ito sa labas ng bahay habang nagsisigarilyo.
“Get ready, darating mamaya sila Vin. Babalik tayo ng Metro.”
Nataranta siya bigla. Babalik na sila? Bakit parang hindi niya pa gustong bumalik? She wants to stay here… with him.
“Ibabalik mo na ako?”
Binuga ni Haje ang usok ng sigarilyo at tumingin sa kanya.
“Oo. ‘Yun naman ang gusto mo, di ba?”
Imbes magtatalon siya sa tuwa dahil sa wakas makakalaya na siya pero hindi. Naguluhan lang siya. Akala niya magsisimula na siyang gagawin lahat ang gusto ng binata para sa ama… pero bakit ganito?
“But… how about my father? Pumapayag na akong gagawin ko ang lahat ng iuutos mo mapatawad mo lang ang ama ko.”
“Ibabalik na kita sa mansyon niyo. But you still follow my order.” ani ng binata.
“Huh?”
“Gagawin mo ang lahat ng gusto ko, di ba? Sige. I want you to break up with your damn boyfriend, Threia.” walang paligoy-ligoy na sabi ng binata.
NAKITAAN NI HAJE si Threia ng pagkabigla nang sabihin niya iyon.
Pagkatapos niyang umalis sa harap ng dalaga kagabi ay bumaba siya. Laking gulat niya nung tumabi sa kanya si Tessa. Nag-aalab pa rin sa galit ang nararamdaman niya pagkatapos makita si Threia nang akmang may tatawagan gamit ang cellphone niya.
“Alam kong may problema ka, Apo. Nandito lang kami ng Lola Gardo mo para makinig.” ani ng kanyang Lola Tessa habang hinahaplos ang kanyang likod.
Unti-unting kumalma ang nararamdaman niya sa haplos ng kanyang Lola.
“Bakit ganoon, Lola? Ang hirap maging masaya. Ginawa ko naman lahat. Pero bakit tila binabalik pa rin ako ng nakaraan.”
“Haje, huwag mong hayaan na lukubin ng galit ang damdamin mo. Alam kong nasasaktan ka...


pa rin sa nangyari sa mga magulang mo. Pero, Apo, matagal na ‘yun. Kalimutan mo na ‘yun at hayaan mo ang sarili mong maging masaya.”
Nilingon niya ang matanda. “Paano ko gagawin, Lola. Ngayo’y nakikita kong malaya ang gumawa no’n sa mga magulang ko. Gusto kong maghiganti, Lola.”
Malungkot na ngumiti ang matanda kay Haje. “Huwag mong dumihan ang kamay mo dahil lang sa galit. Hayaan mong Siya ang magparusa sa taong gumawa no’n sa mga magulang mo. Kalimutan mo na ang nangyari at patawarin mo ang taong ‘yun… Magsimula kang muli… siguradong sasamahan ka ni Threia na simulan ang bagong kabanata ng buhay mo.”
Napatigil siya sa sinabi ni Tessa. Hindi pa rin pala nila alam ang totoong pagkatao ni Threia, na siya ang anak ng taong dahilan kung bakit siya nawalan ng taong mahahalaga sa kanya.
“Paano kayo nakakasigurong sasamahan nga ako ni Threia, La?”
“Nakikita ko kung paano ka niya tignan tuwing nakatingin siya sa’yo. Hindi mo man nakikita pero ako nakikita ko. Puno iyon ng pagmamahal, Apo. Ganoon ako tignan ng Lola Gardo mo.” Nakangiting sabi ng matanda. “At nakikita ko rin naman na ganoon ka tumingin sa kanya. Dapat lang kasi magkasintahan kayo at nagmamahalan.”
Nagmamahalan? Mahal siya ni Threia? Mahal niya ang dalaga? Sa kung paano ka tumingin, doon ba nababase na makakapagsabing mahal mo ang isang tao? Possible ba ‘yun?
Hindi pa siya kahit kailan nagmahal ng isang babae, bukod kay Lola Tessa at sa mama niya.
Yes, he admit. Kakaiba ang nararamdaman niya kay Threia sa mga babaeng dumaan sa buhay niya.
Sa tuwing nasa tabi niya ang dalaga, tila ayaw na niyang mawala ito sa paningin niya. Ang pader na matagal na niyang itinayo sa pagitan nila ng dalaga ay kay tila walang kahirap-hirap na giniba iyon ni Threia sa hindi niya inaasahang pagkakataon.
And… he let that happened.
Makakaya niya kayang mapapatawad si Henderson dahil sa nararamdaman niya kay Threia?
Hindi pa man niya isiniwalat ang totoong nararamdaman niya ay alam niya sa sarili niyang totoo ang nakikita ng matanda sa kanya.
Bago siya makatulog no’ng gabing ‘yun. May nabuo siya sa kanyang isip. Or maybe change of plan.
Tama ang Lola Tessa niya. Kung gusto niyang maging masaya sa piling ng taong mahal niya kailangan muna niyang magpatawad at alisin ang galit sa dibdib niya.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Please delete my stories here! Magnanakaw ka!
    STOLEN. TWO HEARTS BENEATH THE MOON. SAINT DEFUENTE.
    LAHAT ‘YAN, I-DELETE MO KASI HINDI SA’YO ‘YAN! MAGNANAKAW KA!

Leave a Reply


top