THE STORY OF US CHAPTER 13


Kasalukuyan silang nakapalibot sa bonfire na ginawa nila kanina. Alas siyete na ng gabi at katatapos lang nila kumain. Nag boodle fight sila kanina. Naligo din sila kanina sa dagat matapos manood ng sunset.
Napangiti sya ng maalala na talagang tinupad ni Lyna ang pangako sa kanya kanina na hindi ito lalayo sa tabi nya. Kulang na lang dukutin nya ang mata ng mga lalaking nahuhuli nyang tumititig dito. Lalo na ang asungot na si Burn. Konti na lang talaga ay masasapak nya na ito.
Di pwedeng titigan ng ganun ng kahit sino ang Lyna nya. Buong oras ng paliligo nila sa dagat ay nakakapit lang ito sa kanya. Hindi kasi ito marunong lumangoy. At kada dadalhin nya ito sa malapit ay todo kapit naman ito sa kanya sa takot na malunod. Natatawa sya sa ka cutan nito.
Sobrang bumibilis ang tibok ng puso nya kapag magkakalapit sila ng todo. Lalo na pag natatakot ito napapakapit ng todo sa leeg nya at napapahawak naman sya sa bewang nito. Para syang palaging may nararamdamang kuryente kada magdidikit ang balat nila. At isang beses ay aksidenteng tumama ang dibdib nito sa dibdib nya may kakaiba syang naramdaman sa katawan nya.
Hindi naman na sya bata. Aware na sya sa ganung mga bagay. Niyaya na nya si Lyna umahon. Nirerespeto nya ang bestfriend nya. Ayaw nyang samantalahin ang kainosentehan nito.
Nag aya ang iba na magkantahan sila.Sakto naman na may dala si Chrys na gitara kaya nagsimula na ito mag strum. Nakisabay naman silang lahat ng pagkanta sa tinutugtog nito na Magbalik ng Callalily.
Napalingon sya sa katabi nyang si Lyna na busyng busy kumaen ng mallows na nasa stick at tinatapat sa apoy. Natawa sya kasi ang cute tignan nito.
“Nana kakakain lang natin. Nakain ka na naman?” natatawang puna nya dito. Nakasuot na to ng tshirt nya. Pinasuot nya ito ng Tshirt nya namay nakalagay na Villamayor sa likod.
Oo.Minarkahan na. Siguro naman maiintindihan na ng ibang lalaki sa paligid na may nag mamay ari sa babaeng to?
“Ang sarap kaya Babs! Try mo ohh.” sinubuan pa sya nito at wala naman sya nagawa kundi tanggapin ito.
“Truth or Dare tayo guys!” naagaw naman ni Tony ang atensyon nilang lahat. May hawak na ito na bote ng softdrinks. Walang alak. Bawal pa sila. Lahat sila dito ay minor pa.
Sumang ayon naman ang iba. At inumpisahan naman agad ni Tony paikutin ang bote na sakto naman tumapat kay Angela.
“Truth or Dare?” tanong ni Tony dito.
“Truth.” sagot naman agad ni Angela.
“Ako magtatanong! Ako dali!” volunteer ni Mira may pagtaas pa ng kamay.
“Sige si My loves na magtatanong.”
” Angela. Meron ka bang crush dito?” nakangising tanong ni Mira kay Angela. Namutla naman si Angela.
Narinig naman nya ang pagtawa ni Lyna. Panigurado may alam to.
“Anu ba yang tanong mo Mira pang grade 1.” kunyareng lusot pa ni Angela.
“Pag di mu sinagot hahalikan mo sa pisngi yung crush mo. Ano mamili ka? Sasabihin mo o ikikiss mo na lang ung crush mo?” banta pa ni Mira dito.
“Hala!Si ano. Si. Si Ahm. Si Chrys.” pahina ng pahina na sagot ni Angela at napayuko pa.
Hiyawan naman ang ibang kalalakihan at inaasar pa si Chrys. Napangisi pa si Chrys sa narinig.
“Next na!” sigaw ni Angela para mawala atensyon sa kanila. Pinaikot na nya ang bote at kay Rico naman tumutok.
“Dare.” sagot agad nito kahit wala pang nagtatanong.
“Lumingon lingon naman si Angela sa paligid.
” Ahm Rico lapit ka dun sa mga lalaking nakatambay dun oh! tapos hingiin mo number ng pinaka gwapo dun.” natatawang sabi nito kay Rico habang tinuturo yung grupo ng mga lalaki na bisita siguro sa katabi nilang beach house. Yun yung mga lalaki na kanina pa nya nakikitang nakatitig kay Lyna.
“Easy!” mayabang na sabi ni Rico tapos ay tumayo at confident na lumakad sa mga lalaki. Maya maya lang ay nakabalik na agad to.
“Taray. Ang bilis. Panu mu nakuha agad?” mangha na tanong ni Mira.
“Simple lang.Sabi ko hinihingi ni Pres yung number nung naka blue. hahahaa bigay agad eh” natatawang sagot nito.
Napasimangot naman sya.
“Oy...


bakit ako nadamay!” reklamo ni Lyna.
“Sorry na Jax.” hinging paumanhin naman ni Rico sa kanya.
“Bakit sa kanya ka nagsosorry? pangalan ko kaya binigay mo dun.”
” Diba kasi magkadugtong na kayo. LynaJax JaxLyna. Kaya sa kanya na ko magsosorry. Tutal lagi naman kayo magkadikit malapit na kayo magkapalit ng muka.” sagot nito. Natawa na din sya at nawala ang asar dito.
“Pre. Wag ka naman pahalata na kinikilig ka.” bulong ni Tony na nasa kanan nya.
“B*liw!” bulong din nya at siniko pa to.
Napatingin sya kay Lyna at nakasimangot pa din to. Hinawakan nya ang kamay nito at tumingin naman ito sa muka nya.
“Ako na bahala.” sabi nya dito. para di na sumimangot. Ngumiti naman na ito.
“Sige! Alam ko naman di mo ko pababayaan Babs.” nakangiti ng sagot nito.
“Oh diba may sarili na naman silang Earth.” napalingon sya sa mga kasama at nakita ang nang aasar na tingin ng mga to.
“Game na ulit!” sigaw ni Lyna kaya natawa na lang sya.
Inikot na ni Rico ang bote at kay Mira ito tumutok.
“Dare.” sagot nito.
“Wow tapang.” sabi naman ni Angela.
“Titigan mo si Tony sa mata ng 10 seconds!” sabi agad ni Lyna. Natawa sya. Si Tony naman ay abot tenga na ang ngiti.
“Bat naman yun!” reklamo ni Mira. nakasimangot pa.
“Pag umayaw ka magiging 20 seconds na.” pananakot ni Lyna. Talino talaga ng cute na to.
“Eto na.!” napipilitan na sunod naman ni Mira. Humarap na sya kay Tony. At si Tony naman todo ngiti habang nakikipagtitigan kay Mira. Inaasar naman sila ng iba kasi ang bagal pa magbilang ng 10seconds.
Pagkatapos ng bilang ng matagal na 10seconds ay pinaikot agad ni Mira ang bote na sakto namang tumutok saken.
“Truth or Dare?” nakataas ang kilay na tanong ni Mira sa kanya.
“Truth.” sagot nya. tinatamad syang gumawa ng dare.
“Nililigawan mo pa ba si May.” hindi nya inaasahan ang tanong ni Mira.
Napalingon sya kay Lyna at nag aabang din ito ng sagot nya. Wala na sya nagawa kundi sumagot.
“Hindi na. Matagal ng hindi.” sinsero nyang sagot. Napangisi si Mira sagot nya.
Paglingon nya kay Lyna ay gulat ang muka nito.
“Ang daya mo Babs. Nagsesecret ka na saken.” nakasimangot na sabi nito sa kanya. Patay nagtampo na.
“Hindi. Hindi ako nagsecret sayo. Nakakalimutan ko lang talaga sayong sabihin.” paliwanag nya dito.
“Kelan pa?” dagdag tanong nito.
“Matagal na. 3rd year pa tau.”
“Mula ng marealize kong ikaw talaga ang gusto ko.” gusto sana nya idagdag yun. kaso wala pa syang lakas ng loob.
“Ok. Basta wag ka magsesecret hah.”
“Yup. Promise.” pangako nya dito.
“Napako na kagad. Sorry Nana. Pero di pa ko handang umamin sayo.” sabi nya sa sarili habang nakatingin dito.
Humarap na ulit sya sa gitna at pinaikot ang bote na tumutok naman kay Burn.
“Kayo na magtanong.” sabi nya sa mga kasama. Wala naman syang interes sa lalaki.
“Ako na! Sino crush mo?” tanong agad ni Mira.
“Si Lyna.” walang kagatol gatol na sagot ni Burn. Hiyawan naman mga kasama nya. Napasimangot naman sya. At tinignan ang reaction ni Lyna. Nung una ay nagulat ito at unti unting sumama ang tingin kay Burn.
Haha ganyan ang ugali nyan. Ayaw nya na may nagsasabi sa kanya na may crush sa kanya. Nandidiri na sya lumapit. Isa sa reason kung bakit di sya maka amin. Takot syang layuan nito.
Tawatawa lang din si Burn kahit samaan sya ng tingin ni Lyna.
“Hah! Tignan ko lang kung makatawa ka pa pag nilayuan ka na ng Lyna ko!” sabi nya sa isip.
Pinaikot na ni Burn ang bote at kay Lyna na ito tumama.
“Truth or Dare Baby?” nangasim ang muka nya sa narinig.
” Dare.” sagot naman ni Lyna.
“Ok halikan mo sa pisngi ang kung sino man lalaki dito na gusto mo halikan.” maangas na sabi ni Burn.
Nasa kanang side nya si Burn. At nasa kaliwa nya naman si Lyna. Nakatingin sya sa lalaki nung magsalita ito. Gumalaw si Lyna sa kaliwa nya kaya napalingon sya dito.
Saktong pagharap nya ay pagsalubong ng labi nito sa labi nya.
Tug Dug. Tug Dug.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top