PUSONG SINUNGALING PART 2


– Sa panulat ni: Rocel P. Cheche
🌹KABANATA 9🌹
( Ang PagSayaw nila Rolly at Rea).
” Daddy , anong totoo? Mayroon po ba akong dapat malaman? Ano po ang pinag-uusapan nyo ni Sir. Rolly? Parang seryosong seryoso kasi kayong dalawa.” Urirat ni Rollyson.
Nagkatinginan ang dalawa ni Edward at Rolly…
Magsasalita na sana si Edward ng biglang dumating si Rea.
” Halina na kayo, naghihintay na ang pagkain, mamaya na lang ang kuwentuhan nyo pagkatapos natin na kumain…” yaya ni Rea.
” Sige na Rea, mauna na kayo ni Rollyson, susunod na lang kami ni Rolly .” wika ni Edward.
” Ma, halika na nga po, mauna na tayo sa kanila, kanina pa sila, ayaw nilang magpaawat parang seryosong seryoso ang pinag-uusapan nila.”wika ni Rollyson.
Bumalik na sila Rea at Rollyson sa puwesto nila.
Nagpatuloy sa pag- uusap sila Edward at Rolly.
” Rolly, panahon na para sabihin mo kay Rollyson ang totoo, kaya siguro hindi ko agad nasabi sa kanya kanina kasi ikaw ang dapat magsabi sa kanya dahil ikaw ang kanyang Ama.” wika ni Edward.
Habang nagsasalita si Edward naramdaman niya na parang nahihilo siya at napansin ito ni Rolly.
” Sir, Edward, ok ka lang ba?.” nag-aalalang si Rolly.
” Ayos lang ako huwag kang mag- aalala, sige na bumalik kana doon, samahan mo na ang ka -date- mong si Rosana, tapos pakisabi na lang kay Rea na mag-si CR lang ako tapos susunod na rin ako pagpunta doon.” wika ni Edward.
Mga ilan saglit pa ay bumalik na si Rolly sa puwesto niya katabi si Rosana.
Matapos nilang makakain ay nagkaroon ng koonting sayawan, pinatugtog ang mga sweet at nakaka-inlove na musika.
” Ok, lahat po ng mga mag-asawa, mag-sweetheart, mga loveteam ng taong ito ay maaari na po pumunta sa gitna para sa sayawan.” Wika ng isang announcer at host.
Nagmamadali si Rosana sa pagbatak kay Rolly papunta sa gitna para makapag- sayaw sila at isayaw siya ni Rolly.
Samantala hindi na tumayo mula sa pagkakaupo ang mag-inang Rea at Rollyson dahil nag- aalala sila kay Edward.
” Rollyson, bakit ang tagal ng Daddy mo?.” wika ni Rea.
” Ma, diba sabi ni Sir. Rolly nasa CR lang si Daddy at susunod...


na rin daw ito.” wika naman ni Rollyson.
“Sundan ko na kaya baka kasi kung ano na nangyari sa Daddy mo.” wika ng nag-aalalang si Rea.
” Ma, ako na lang po ang pupunta doon sa CR, susunduin ko na si Daddy.” wika naman ni Rollyson.
Agad na pinuntahan ni Rollyson ang kanyang Daddy Edward.
Samantala, hinahanap ng tingin ni Rolly si Rea habang kasayaw niya at nakayakap sa kanya si Rosana.
” Rolly, ano ka ba? Kung saan saan na naman nakatingin ang mga mata mo, sa akin ka lang dapat tumingin, ako lang ang tingnan mo…” wika ni Rosana.
Hindi umiimik si Rolly para tuloy nakikipagsayaw si Rosana sa isang istatwa na di man lang gumagalaw.
Hanggang nainis na si Rosana at bumalik na lang ito sa puwesto niya at nanahimik na lang sa isang tabi, Akala niya ay susundan siya ni Rolly at susuyuin para magsayaw uli pero nagkamali siya, agad hinanap ni Rolly si Rea at niyaya niya itong magsayaw.
” Rea, nasaan si Rollyson?.” Tanong ni Rolly.
” Sinundan lang niya ang Daddy niya sa CR.” wika naman ni Rea.
” Parang kanina pa siya nasa CR, Napansin ko na parang nahihilo siya tapos sabi niya ok lang daw siya, nag- aalala nga ako sa kanya.” wika ni Rolly.
” Ganun ba, nahihilo siya?.” wika ng nag-aalala parin na si Rea.
“Maaari ba kitang isayaw?.” Nakangiting yaya ni Rolly.
” Naku Rolly, wala ang isip ko sa pagsasayaw o anuman kasi iniisip ko si Edward.” wika ni Rea.
” Ok lang si Sir. Edward, huwag ka mag-alala, halika na sayaw tayo kahit saglit lang
please! .” wika ng nakiki-usap na si Rolly.
” Sige na nga pero andun si Rosana, iniintay ka niya.” wika ng napipilitang si Rea.
Tumayo na si Rea at nagsayaw sila ni Rolly, sobrang pagsimangot naman ang makikita sa mukha ni Rosana, nakatingin lang siya sa dalawa.
Ramdam nila Rolly at Rea ang isa’t isa, ang tamis, ang sarap at ang pagmamahalang tila walang katapusan habang sila’y magkayakap na nagsasayaw.
Sa kasagsagan ng pag-sasayaw ng lahat ay biglang…
” Dad-d-d-d-d-d…” isang malakas na sigaw ang narinig ng lahat tila ang boses na iyon ang nagmamay-ari ay si Rollyson.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top