TOO MUCH LOVE


by: Gail Montenegro
“Chelsie ibarra ,right?” Nakangiting sambit ni jade sa babaing nasa harap nya ngayun
“Y-yes po mam!” Nahihiyang tango ni chelsie ,nagaalala sya dahil ito ang unang beses na ipinatawag sya sa private office na ang may ari pa talaga ng company na pinagtatrabahuan nya ang nagpatawag sakanya
Mariing tinitigan ni jade ang dalaga at walang mintis na talagang napakaganda nito ,ang malalalim na dimples nito ay sobrang nakakaattract ang mapupula nitong labi ,kagat ang ibabang labi syang napasandig sa sariling upuan saka ngpakawala ng isang malalim na buntong hininga “aahmm.. gusto mo daw makapagtapos ng pagaaral?” Umpisa nya dito
Nagtatakang napatitig si chelsie sa amo, ng makita kung paano sya nito titigan ng malagkit ay mabilis syang nagbaba ng tingin at kinakabahang napapikit na lamang “yes po mam.” Mahina nyang sagot
“Nakwento din ng kaibigan mong si magie nasa hospital daw ang papa mo ,nagdadialysis.” Muli nyang tanong na nagpaawang sa mga labi ng dalaga
“Po..” gulat nyang sambit “pasensya na ,chismosa po talaga yung kaibigan kong iyun nakakahiya po.” Namumula ang mukhang saad nya dito at napapapikit nalang sa sobrang hiya ,daldalero’t pahamak talaga ang kaibigan nya kahit kaylan
Tumawa ng mahina si jade saka nailing ,may kinuha syang sobre mula sa kanyang bag saka iniabot dito “tanggapin mo ito makakatulong para sa papa mo ,alam kong hindi sapat ang sinasahod mo dahil marami kayung magkakapatid–”
“Paano nyu po nalaman, tyaka hindi ko po matatanggap ang perang yan mam lalo nat hindi ko naman po pinaghirapan..” putol nito sa mga sasabihin nya
Ngumiti si jade at tumango “ok sige ,pero kapag may kailangan ka pwede kang lumapit dito sa office hanggat nandito ako pwede ko kayung tulungan ok…, you may go...


now ,salamat sa oras mo.” Lumanay nyang wika ,pinanuod nya itong maglakad palabas hanggang sa mawala ito sa paningin nya ,ibinalik nya ang pera sa dating kinalalagyan nito saka kinuha ang kanyang.celpon at doon ay dinial ang kakilalang doctor upang humingi ng isang pabor.
“Jade ,uuwi na tayu bukas ng maaga wag mong kakalimutan.” Paalala ni kaye sa kaibigan
“Mauna kanang umuwi bukas magistay pa ako dito kahit ilang araw pa.” Sagot ni jade habang umiinom ng wine
“What!!! Baka naroon na si ace at hanapin ka saakin anu naman ang sasabihin ko aber!!” Pagtataray ni kaye ,na tumabi pa sa kinauupuan ni jade saka nag indian seat sa harapan nito “alam kong ginagawa mo ang lahat ng paraan makuha lang ang babaing iyun ,magmadali ka jade dahil baka si ace na mismo ang sumundo sayu dito..” seryoso nyang hayag sa kaibigan
Hinarap ni jade ang kaibigan saka napaisip sa lahat ng mga sinabi nito ,humigpit ang pagkakahawak nya sa wine glass saka sumandig at itinuon ang paningin sa ceiling “maisasama ko sya sa maynila ,madadala at maibabahay ko sya doon kagaya ng gusto ko kaye.. makukuha ko sya watch me!” Buntong hininga nyang saad sa kaibigan bago tumayu at tuluyan itong iniwan ,naligo lamang sya bago natulog.
“Po…” naiiyak na sambit ni chelsie sa doctor ng kanyang ama “mga magkano po?” Tanong nya dito
“530k miss..” sagot nito
Halos maglupasay si chelsie dahil sa laki ng bill na dapat nilang bayaran at ang palugit ay dalawang araw lamang kundi palalabasin na ng hospital ang kanyang ama kahit na dipa lubusang magaling at hindi pa naooperahan ng kidney transplan dahil hindi sila makahanap ng donor, naluha na lamang sya dahil sa sobrang hirap na sitwasyon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top