~dedicated sa lahat ng sinaktan, pinaasa, pinaluha, nabigo at sawi sa pag-ibig~
“Happy birthday, Bessy ko!”
Nandito ako ngayon sa isang party. Birthday kasi ng best friend kong si Chelsea and she invited me here in their house.
“Diyan ka muna bes ha, may pupuntahan lang ako. I’ll be right back,”paalam ng best friend ko.
“Okay, bessy.”
Nakaupo lamang ako rito sa isang table kasama ang iba ko ring kaibigan. Umiinom ako ng wine nang mapako ang tingin ko sa isang table ‘di kalayuan sa table namin.
There he is. My ex-boyfriend. Matamis ang kanyang ngiti habang kausap ang katabi niyang babae. Agad na kumirot ang puso ko nang makita ang kamay nila sa ibabaw ng mesa. They were holding each other’s hands.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila. Akala ko kaya ko na. Akala ko kaya ko nang makita siya kasama ang iba. Akala ko kaya ko nang makita na masaya siya kapiling ang iba. Masaya nga siya ngunit hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan niya. Akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko okay na ako. Pero akala ko lang pala.
Kung noon ako ang kasama niya sa mga ganitong okasyon, ngayon iba na.
Tumayo ako sapagkat ramdam ko nang tutulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko.
“Oh? Where are you going, Anne?”tanong ng kaibigan kong si Eva.
“Ah…cr lang ako.”
Pagkarating ko sa cr ay agad kong hinarap ang sarili ko sa salamin. Kita ko mula sa salamin ang hitsura kong unti-unting tumutulo ang luha mula sa nasasaktan kong mga mata.
Ako sana ‘yon e. Ako sana ang kasama niya ngayon. Ako sana ang nakahawak sa kamay niya. Ako sana…at hindi ang babaeng ‘yon.
“That should be me holding your hands…Bryan.”
After kong tahimik na umiyak sa cr, umuwi na ako. Hindi na ako nakagpaalam pa sa best friend kong si Cheska. Pumara agad ako ng taxi at diretsong umuwi ng bahay.
Lumipas ang maraming araw hanggang sa sumapit ang araw ng sabado, inutusan ako ng nanay kong bumili ng groceries at iba pang kailangan sa bahay.
Papasok pa lamang ako sa grocery store nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha. It is him again, Bryan.
Napatigil ako sa paglalakad nang makitang hindi siya nag-iisa. Kasama na naman niya ang babaeng ‘yon. Nakahawak sila sa kamay ng isa’t-isa habang naglalakad papasok rin sa grocery store.
Muli ko na namang naramdaman ang sakit na ayaw ko nang maramdaman pa. Pero imbes na umalis ako, pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit nakita ko na lamang ang sarili ko na sinusundan sila. Kung saan sila pumupunta, doon rin ako.
Kahit wala naman akong bibilhin sa part na pinupuntahan nila, nandoon pa rin ako, nagpapanggap na may bibilhin. Napunta sila sa part kung saan ang mga chocolate at iba pang sweets.
Pipigilan ko sana sila dahil bawal sa sweets si Bryan. Kaso ayaw ko namang maging epal, ayaw ko ring malaman nila na sinusundan ko sila.
Nakatingin lang ako sa candies na nasa harapan ko at nagpapanggap na pumipili kahit wala naman akong balak bumili ng candies. Nasa right ko naman sila at nasa tatlong metro ang layo nila sa ‘kin.
“Mahal, alam mo namang bawal ka sa sweets because of diabetes, right?”rinig kong sabi ng babae kay Bryan.
Mahal? E ayan rin ang endearment namin a! Hindi man lang sila humanap ng ibang endearment?! ‘yong endearment pa talaga namin ang endearment rin nila!
Napabuntong-hininga ako sa aking narinig, ako sana ‘yon e. That should be me prohibiting him from eating sweets. That should be me beside him. But here I am, three meters aways from him.
Hindi ako tumingin sa kanila at nanatili lamang sa mga candy ang mga mata ko pero ang buong atensyon ko ay nasa kanilang dalawa.
“It’s okay, mahal. Konti lang naman, promise.”
Doon na ako napalingon sa kanilang direksyon nang marinig ko ang boses niya. Ang boses niyang miss na miss ko na ng sobra. Ang boses na palagi kong naririnig noon ngunit ngayon hindi na.
And there, I saw him. Smiling sweetly towards her. How I badly wish I was her. But hanggang hiling na lamang ako.
Muling nanumbalik sa alaala ko ang moment namin noon kung saan nagpapaawa siya sa ‘kin para bilhan ko siya ng chocolates na bawal sa kanya. Lalambingin niya pa ako at yayakapin para lang pumayag ako.
And hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago. Mapilit pa rin siya sa mga bagay na bawal sa kanya. Isa lang naman ang nagbago e, ‘yon ay ang katotohanan na hindi na ako ang kasama niyang bumibili ng sweets. Hindi na ako ang pinapakiusapan niyang bilhan siya ng chocolates. Hindi na ako ang babaeng kasama niya.
“Mahal, hindi nga pwede e.”
“Mahal naman…please…kahit ngayon lang.”
Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang makitang malambing niyang niyakap ang babaeng kasama niya at hinalikan niya pa ito sa pisngi.
Nagulat ako nang aksidente kong nahulog ang hawak kong garapon na may lamang candies kung kaya’t naagaw ko ang atensyon ng ibang tao na malapit sa ‘kin.
Dali-dali ko namang pinulot ang garapon at muli itong binalik sa lagayan at mabilis na umalis roon.
Diretso na akong umuwi sa bahay at sinabi ko na lamang kay nanay na biglang sumama ang pakiramdam ko kaya bukas na lang ako bibili ng mga pinabibili niya.
Nagkulong ako sa kwarto ko at doon umiyak nang umiyak habang yakap-yakap ko ang teddy bear na binigay sa akin ni Bryan noong first anniversary namin.
Me and Bryan are in a relationship for already ten years. Sampung taon ko siyang nakasama, naging katuwang sa lahat ng bagay at higit sa lahat, sampung taon ko siyang minahal ng sobra.
Ngunit ang sampung taon na iyon ay bigla na lamang nagunaw na parang yelo. Sa isang iglap lang, wala nang siya at ako. Wala nang ‘kami’. Sobrang sakit.
After that day ay sinubukan ko na lamang i-focus ang sarili ko sa trabaho ko bilang isang accountant.
Isang araw, wala akong trabaho kaya I decided to unwind, relax and rest kaya pumunta ako sa isang beach resort. I wear my bikini and sunglasses bago pumunta sa dalampasigan. Masaya akong lumalangoy nang makita ko ‘di kalayuan sa akin ang tumpok ng mga tao.
Mukhang may pinapanood sila at naghihiyawan pa. Na-curious naman ako kaya agad akong lumapit at nakipagsiksikan sa mga tao para makita ko rin ang pinapanood nila.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang tuluyan ko nang makita ang pinapanood nila. Pinapanood nila ang isang lalaking nakaluhod sa harap ng isang babae at may hawak itong singsing. Marami ring roses sa paligid nila na nakahugis-puso. May tumutugtog pa ng romantic song na bagay sa romantic nilang scene.
Lahat ay kinikilig sa kanilang dalawa. Isa rin sana ako sa kikiligin kung hindi ko lang sila kilalang dalawa.
Sila lang naman ang ex-boyfriend ko at ang bago niya. Wow, what a great surprise! Dito pa talaga sila sa lugar kung saan narito rin ako. Saklap naman.
Narito ako para mag-unwind, mag-relax at magpahinga. Ngunit ang sama naman sa ‘kin ng tadhana. Kabaligtaran pala ang mararamdaman ko.
Ba’t ganun? Ba’t kailangan ko pang masaksihan ‘to? Ba’t kailangan pang masaksihan ng mismong dalawang mata ko kung gaano niya ipagsigawan at ipakita sa lahat na mahal na mahal niya siya?
“Will you marry me?”
Agad na nanubig ang dalawang mata ko sa tanong niya.
Ako sana ‘yan e. Ako sana ang tinatanong niya ng ganyan. Ako sana ang nasa harap niya ngayon at natutuwa nang sobra.
Napunta sa babae ang mga mata ko. I stared at her face in front of him. Nakita kong naiiyak rin siya kagaya ko. We are both in tears pero malayong-malayo ang rason nang pagluha namin. Ako, naiiyak dahil sa labis na sakit samantalang siya, naiiyak dahil sa labis na tuwa.
“Yes!”she shouted.
Agad na napuno nang hiyawan ang paligid sa isinagot niya sa lalaking minamahal ko. Agad naman siyang niyakap ni Bryan nang napakahigpit at sinigaw sa gitna ng maraming tao ang pangalan niya kadugtong ng salitang ‘I love you’.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Buti na lamang at naka-shades ako kaya hindi pansin ng mga taong nasa tabi ko ngayon na umiiyak ako.
In this crowd full of joy and excitement, here I am standing, the only person who’s in pain of what’s happening.
Dahan-dahan akong lumayo roon at pinipigilan ko ang sarili ko na huwag matumba. My knees weaken of what happened but luckily, I still managed to go to my room.
Pagkarating ko sa room ko, doon ko na binuhos lahat ng sama ng loob ko. Tinapon ko lahat ng bagay na makikita ko kasabay nang malakas kong sigaw.
“Ahhh! Ako sana ‘yon e! Ako sana ‘yong babaeng pakakasalan mo! Ako sana ‘yong bibigyan mo ng singsing bilang simbolo ng pagmamahal mo! Pangalan ko sana ang sinigaw mo sa harap ng maraming tao! Ako sana ‘yon, Bryan! Ako sana ‘yon!”humagulgol na lamang ako sa labis na sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Bakit ang unfair ng mundo?! Bakit hindi na lang tayo?! Bakit kailangan pa tayong paghiwalayin ng tadhana?! Bakit hindi pwde ang salitang ‘tayo’? Bakit hindi na lang ako, Bryan?”lumuluhang sigaw ko.
What happened earlier made me realized something. Tama nga si Naruto, the worst thing in this world isn’t being alone, it’s being surrounded by people who makes you feel alone.
Ang sakit. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang sinusuntok ng libo-libong kamao...