Dark Section
By: Paochiz
Genre: Romance, Action, Comedy
Status: On-going
#REPLY_BOX_POLICY
Ps: Support my second story. Thank you!
“I belong to worst/hell section and I really hate it at first and even curse everything about it. But….. I hate to admit that I found myself smiling like an idiot now.”
-Luna Amara Velasquez (Badass Queen)
“I’ll protect her even if it cost my life. She’s my life. She’s my queen and only queen. Nothing can change that and if there’s anything, I can condemn and deliver death.”
-Dark Helios Gutierrez (UNDERstanding Deth)
Tragedy
LUNA’S P. O. V
Pakiramdam ko naubos na ang lahat sa akin at tanging ang kapatid kong si Ced na lang ang natira sa akin. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy dahil pinanghihinaan na ako ng loob.
Matibay ang katawan ko sa pagtanggap ng palo ng tubo, kutsilyo, gunting, suntok, sipa, tadyak, at kung ano ano pa.
Pero ang maubos ang mga tao sa paligid ko? Hindi ko na yata kakayanin pa.
Ilang linggo na Ang nakakalipas bago naaksidente ang kotse na sinasakyan namin nina Mama, Papa, Kuya, Ced, at Ate Rhaine dahil sa humahabol sa aming mga lalaki na nakamaskara na sakay ng dalawang motor. Lahat sila namatay at sa kagaguhan, ako lang ang natira at si Baby Ced! Hawak ko kasi si Ced noon at nang matapatan ng mga lalaki ang bintana namin, niyakap kaming dalawa ni Baby Cedric ni Ate at Kuya kaya sila ang nabaril.
Kahit naghihingalo si Papa dahil may tama na rin siya ng bala tulad ni Mama, nagawa niyang maipreno ang kotse. Nang huminto ang kotse, bumaba ako habang dala-dala si Ced na umiiyak, sinubukan ko silang gisingin lahat pero lahat sila ay may tama ng baril at ang tanging humihinga nalang ay si Papa na tanging ngiti nalang ang binigay sa akin bago niya maipikit ang mga mata.
He’s telling me again that…
‘Everything will be alright, my Luna.’
Humagulgol ako ng iyak pero nawalan ng malay si Cedric kaya nagsimula na akong kabahan lalo. Chineck ko ang katawan niya kung may tama ng baril pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.
Not him….I’m begging… Kahit si Ced na lang.
Throwback…
Biglang may ilaw akong natanaw sa hindi kalayuan at mukhang ito ang dalawang motor na nakahinto ang humahabol sa amin.
Agad kong ipinasok sa loob si Cedric at pinahiga kina Ate at Kuya. Tinuyo ko ang luha ko bago ko sinara ang pinto.
I can’t be weak at this point. Ced is counting on me.
“So, you are alive?” natatawang tanong ng lalaki.
“Ay hindi! Baka multo ako tapos kayo kayo ang susunduin ko.” Pamimilosopo ko, “Sino kayo? Kalaban ba kayo nina Alexus?”
Ito lang ang naiisip kong dahilan at wala ng iba pa at kung sila nga ang dahilan, sarili ko lang ang dapat kong sisihin dito.
“Sinong Alexus?” tanong ng isa na tumingin sa tatlo niyang kasama.
Hindi nila kilala si Alexus so hindi ito connected sa Blood Gang at Blackwing Gang.
Matalim ang mga matang tiningnan ko sila, “Who the fuck are you?! Who sent you to kill my family?!”
Tinutukan nila ako ng baril. Apat sila at hindi ko kaya dahil may mga baril silang hawak.
Ngumisi ako para inisin sila.
“Anong nginingiti-ngiti mo, bata?” naguguluhang tanong ng lalaki na lalong humihigpit ang hawak sa baril.
“You are all holding a gun while...