Aking Prinsesa Chapter 6


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 6
.
Nakabuo ng plano si Poli para kay Yna, at napagpasyahan niyang makipagkita kay Yna..kaya sinabi ni Poli kay Mitch na babalik na sila sa Manila kinabukasan.
.
Mitch : bakit kabilis naman natingbabalik ng Manila, ngayon na nga lang kita masosolo, mag-aapura ka pang bumalik.
Poli : sorry babe, kailangan kasi ako ni Papa. At saka para makausap ko na tuloy si Yna.
Mitch : ganun ba..makikipaghiwalay ka na ba sa kanya?
.
Hindi agad nakasagot si poli sa tanong ni Mitch..humugot muna siya ng malalim na hininga.
.
Poli : babe, pakakasalan ko si Yna.
Mitch : Ano????
Poli : babe..makinig ka—
Mitch : pakakasal ka sa babae na yun??? Babe naman paano naman ako!!
.
Umiiyak na si Mitch dahil sa sinabi ni Poli..
.
Poli : babe, pakinggan mo muna ako..kailangan kong pakasalan si Yna, dahil sa pera..at para na din sa ating dalawa sa kinabukasan natin.
Mitch : please babe, huwag mong gawin sakin to babe.
Poli : babe kailangan ko talagang gawin, baon na si Papa sa utang, mawawala ang bahay namin ang kotse ko..ang lahat ng nasa akin, paano na kita mabibigyan ng mga pambili mo ng mga mamahaling sapatos, bag, make-up at mga alahas kong wala na akong pera..wala na akong silbi sayo nun.
Mitch : babe hindi ko kaya, hindi ko kayang isipin na magiging kabiyak ka niya, na magiging pag-aari ka na niya. At ayokong isipin na magkasiping kayo gabi-gabi…ayoko!!! Ayoko babe!!(umiiyak na niyang sabi)
.
Hindi mapatahan ni Poli si Mitch sa pag-iyak, dahil sa sobrang sama ng loob, hanggang sa nabago na ang pasya ni Poli, nabago ang plano niya. Ang plano na ni Poli ay kidnapin nalang si Yna at ipatubos ito sa malaking halaga, sa isip ni poli ay hindi manghihinayang ang papa ni Yna na kahit na gaano kalaki ay ibibigay ito ng papa ni Yna dahil sa nag-iisang anak na babae..kaya sa plano ni Poli, ay napahinto sa pag-iyak si Mitch, bagkus makikipagtulungan pa si Mitch sa plano ni Poli..at samantalang sina Yna at Nico ay panatag na natutulog sa may rooftop sa may papag, halos madaling araw na ng mga sandaling iyon, napapasarap ang kanilang tulog dahil sa lamig na nararamdaman nila, at hanggang sa ang bawat isa sa kanila ay naghahanap ng init na papawi sa giniginaw nilang pakiramdam, at hanggang sa natagpuan nila ang isat isa na nakabawas ng konting ginaw sa kanilang pakiramdam, na hindi nila alam na sila pala ang magkayakap na ng mga sandaling iyon dahil sa parehas silang tulog na tulog na dalawa..matagal din silang magkayakap ng hindi nila namamalayan..at hanggang sa biglang nagising si Yna dahil sa nagkaroon siya ng hindi magandang panaginip, sa panaginip niya ay may humahabol sa kanya at gusto siyang patayin, kaya buti nalang ay nagising siya, at ng magising siya ay takot na takot siya, at hanggang sa mas humigpit ang yakap niya kay Nico ng mga sandaling iyon dahil sa takot, at hanggang sa si Nico naman ay nagising na din ng mga sandaling iyon, at nagulat na lang si Nico at magkayakap na sila ni Yna, at nakapagpabilis ng tibok ng puso ni Nico ay ramdam niya na mahigpit ang pagkakayakap ni Yna sa kanya, at parang nanginginig ito..na hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Yna, at hanggang sa narinig niyang nagsalita si Yna.
.
Yna : Nico natatakot ako…(yumakap pa ng mahigpit kay Nico)..natatakot ako, may gustong pumatay sakin nico!
.
At dahil ramdam ni Nico ang higpit ng yakap ni Yna dahil sa takot ay ginantihan niya din ito ng mahigpit na yakap, niyakap niya din ng mahigpit ang dalaga, at hanggang sa nawala na panginginig ng dalaga, at hanggang sa unti unti ng nagigising ang diwa ni Yna, at ang akala niya ay panaginip lang iyon, na nakayakap siya at niyayakap din siya ni Nico, at ng tuluyan ng magising ang diwa niya ay napabalikwas siya ng bangon, dahil totoo nga palang magkayakap sila ni Nico..kaya bumangon na din si Nico..
.
Nico : pasensiya ka na, hindi ko sinasadyang yakapin ka, kasi nagising ako, naka-y-yakap ka sakin, at nanginginig ka, tapos niyakap mo ako ng mahigpit kaya niyakap din kita dahil sabi mo natatakot ka, i swear wala akong balak na masama sayo, hindi ko sinasadayang–
Yna : okay lang yun,,pasensiya ka na din, hindi ko alam na niyayakap na pala kita..
Nico : sorry talaga.
Yna : huwag kang mag-sorry, wala kang kasalanan..baba na tayo..sobrang ginaw na kasi dito.
Nico : oo nga, di ko namalayang nakatulog na din pala ako,
Yna : oo nga, at napasarap yong tulog natin dito.
Nico : halika na doon sa kwarto at baka sipunin tayo dito sa lamig.
.
At hanggang sa bumababa na nga sila sa hagdan, todo alalay ulit si Nico kay Yna,habang bumababa sila ng hagdan dahil sa madilim nga sa may hagdan..at nang makarating na sila sa kwarto ay pumunta sila sa kanya kanya nilang kama, at nahiga na sila agad., ngunit matagal na silang nakahiga ay hindi pa din sila nakakatulog uli..si Yna ay hindi pa din niya nakakalimutan ang masamang panaginip, pero hindi din niya makalimutan ang yakapan nila ni Nico, at ganun din si Nico hindi na din siya ulit makatulog dahil sa yakapan nila ni Yna, at hanggang ngayon ay ramdam pa din niya ang mahigpit na yakap ng dalaga sa kanya, na bagay naman na nakakapagpaligaya sa puso ni Nico, at ngayon nga ay inuulit ulit ng isipan niya ang mga yakap ng dalaga sa kanya..nagpapakiramdaman ang dalawa kung natutulog na daw ba kaya ang bawat isa sa kanilang dalawa, at hanggang sa binasag ni Nico ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, may dalawang kama ang nakapagitan sa kanilang dalawa kaya nagkasabay pa silang bumangon upang alamin nila kung nakatulog na ang bawat isa sa kanila.
.
Nico&Yna : hindi ka pa din tulog??..(panabayan nilang sabi)
Nico : nawala yong antok ko eh.ikaw bakit hindi ka pa matulog.
Yna : nawala din yong antok ko eh.
Nico : saan kaya nagpunta yong mga antok natin ano…(pagpapatawa niya)
.
Napangiti naman si Yna dahil sa sinabi ni Nico, at kahit papano ay nabawasan ang kanilang ilangan sa isat isa.
.
Yna : natakot kasi ako sa panaginip ko..na may humahabol daw sakin at gusto akong patayin.
.
Tumayo si nico sa kama niya at Lumipat siya sa katabing kama lang ni Yna at naupo siya roon.
.
Nico : huwag mo nang isipin yun, panaginip lang yun, hindi totoo..kaya ipanatag mo ang kalooban mo, dahil hanggat kasama mo ako walang maaaring manakit sayo..
.
Sobrang Natuwa naman ang puso ni Yna sa sinabi ni Nico, at sa isip niya bakit ba ganun nalang kung magmalasakit sa kanya si Nico, ah sa sinabi ni Nico sa kanya ay lalong humanga si Yna sa binata, at mukhang hindi lang pag-hanga ang nararamdaman niya rito mukhang nahuhulog na ang puso niya sa binata.
.
Yna : salamat Nico.
Nico : walang anuman aking Prinsesa.(nakangiti niyang sabi)
.
Kiniilig at natutuwa ang puso ni Yna kapag tinatawag siya ni Nico na aking Prinsesa, feeling niya tuloy totoong prinsesa siya ni Nico, naalala niya tuloy yong kwento ni Nico sa mga bata kanina..tungkol sa prinsipe at prinsesa, na sa isip ni Yna ay parang ganun sa kwento nila ni Nico..nang makatagpo niya ang binata, at ang di niya makalimutan ay nang tanungin ng bata si Nico kung mahal ng prinsipe ang prinsesa..at ang sagot naman ni Nico ay Oo daw mahal daw ng prinsipe ang prinsesa, at dahil don sa narinig niya ay natuwa at kinilig ang puso ni Yna at yon ay si maialis sa isip ni Yna..
.
Yna : Nico!
Nico ; bakit?
Yna : bakit kabait mo sakin? Samantalang ang sama ng ginawa ko sayo nung una tayong magkita.
Nico : mabait ba ako? Hindi naman, nakita mo nga inabala ko pa yong buhay mo, isinama sama pa kita dito..tuloy namimis mo na yong papa mo.
Yna : kahit na isinama mo ako dito, gaya nga ng sinabi ko sayo, masaya ako dahil napunta ako sa lugar na ito, namulat ang kaisipan ko sa mga bagay bagay na dapat ko palang baguhin ang mga pananaw ko sa buhay,..kaya dapat na akoy magpasalamat sayo, kadami mo ng naitulong sakin, lagi mong inililigtas ang buhay ko. Una sa holdaper, pangalawa sa mga tulisan..at masaya ako dahil nakilala kita.
.
Natuwa si Nico sa mga sinabi ni Yna na masaya ito ng makilala siya..nabigla naman si Yna sa sinabi niya sa binata baka daw mabigyan nito ng kahulugan.
.
Nico : talaga!! Masaya ka!
Yna : h-ha o-oo…oo naman, kasi nagkaroon ako ng kaibigan na handa akong ipagtanggol.
Nico : ang sarap namang pakinggan!
Yna : ano naman ang masarap pakinggan?
Nico : yong sinabi mong kaibigan..kaibigan na ba yong turing mo sakin?
Yna : oo naman.
Nico : magkaibigan na tayo?
Yna : oo, ayaw mo ba?
Nico : aba, syempre gusto ko, gustong gusto ko na maging kaibigan ka.
Yna : akala ko ayaw mo.(nakangiti niyang sabi)
Nico : hindi ah. Mas higit pa nga sa kaibigan ang gusto ko.
Yna : anong ibig mong sabihin?
.
Nabigla si Nico sa sinabi niya, di niya napigilan ang sarili na makapagbitaw siya ng salita, kung bakit daw ba kasi walang preno ang dila niya.
.
Nico : h-ha ang ibig kong sabihin higit sa magkaibigan, eh yong mag-bestfriend..(palusot niya)
Yna : ah. Ganun ba..pwede naman bakit ba naman hindi., sa laki ng naitulong mo sa buhay ko, naikwento ko na nga sayo yong buhay ko diba,...


alam mo na din yong ugali kong nakakahiya.
Nico : oo nga ako din alam mo na yong kwento ng buhay ko..
Yna : kaya nga, nahihiya ako sayo kasi ang bait bait mong anak, at ang responsable pa, samantalang ako—-
Nico : (sabad niya agad sa sinasabi ni Yna)..kaya nga diba, naisip mo na yong mga pagkukulang mo, at wiling ka ng baguhin ang mga pagkakamali mo.
Yna : oo naman..
Nico : oh paano bestfriend na tayo?
Yna : oo..bestfriend
Nico : sige best matulog na tayo,para may lakas akong maglaba mamaya, 2:30 na pala ng madaling araw..
Yna : ganun ba..sige tulog na tayo..
.
At nahiga na ulit sila sa kani-kanilang higaan..at hindi nagtagal ay nakatulog din sila..nakatulog si Yna ng may kapanatagan ang isip..kinalimutan ang masamang panaginip.at dahil sa mga sinabi ni Nico na wala siyang dapat ikatakot habang kasama niya ang binata, na walang makakapanakit sa kanya hanggat kasama niya ang binata,.kaya napanatag na ang kaloôban niya..at lumipas ang mga oras, maagang nagising si Nico para magluto ng kanilang almusal, pero si Yna ay tulog padin, masarap ang kanyang tulog…at pati ang mga bata ay natutulog pa din ng mga oras na iyon, si Mother Fely ay bumaba na din at nagpunta siya sa kusina.
.
Nico : magandang umaga po mother fely..
Mother Fely : magandang umaga din, kulas, kaaga mo namang gumising.
Nico : opo. Mother fely, nakialam na po ako uli dito sa kusina.
Mother fely : naku salamat iho.
,
At narinig din ni Mother fely na umaandar ang washing machine.
.
Mother fely : oh pati yata mga labahin, kinuha mo na.
Nico : opo mother fely, lalaban ko na po..
Mother fely : naku hinayaan mo na lang sana. Bukas dadating naman na yong mkakasama ko dito..hindi ka na nakapagrelax..
Nico : okay lang po yun, hindi na po kayo nasanay sakin mother fely..
Mother fely : oo nga, kaya kaswerte ng mga magulang mo at meron silang anak, na responsable, matulungin, mabait, at magandang lalake pa.
Nico : hindi naman po masyado sa magndang lalake, sakto lang.
Mother fely : kumusta na si Conchita?
Nico : okay naman po si nanay.
Mother fely : magaling naba siya?
Nico : opo.
Mother fely : eh sino kasama niya ngayon?
Nico : si tatay po at si Camille.
Mother fely : eh si Camille kumusta.
Nico : okay naman din po.
Mother fely : dalaga na siguro yong bata na yun.
Nico : opo, matangkad po..gusto nga po niyang lumibot dito.
Mother fely : bakit hindi mo sinama at ng makita ko naman siya uli.
Nico : biglaan po kasi ang punta ko dito. Hayaan nio po sa susunod na bakasyon, pupunta kami dito.
Mother Fely : sige nga, ilibot mo naman sila dito..sabihin mo kinukumusta ko sila.
Nico : opo..at sasabihin ko po..
.
Si camille ay ulilang lubos na, 5 taong gulang si camille ng mapunta sa bahay ampunan..at ng mapunta si Camille sa bahay ampunan ay halos di nagsasalita, di nakikipaglaro, gusto lang ni camille ay nasa isang sulok lang, at nagmumukmok buong maghapon, at si Conchita na nanay ni Nico ang nagtitiyaga na nanunuyo kay camille upang kumain, si conchita ay dating nagtatrabaho sa bahay ampunan, at si Nico naman nun ay nakatira sa kapatid ng tatay ni Nico, tuwing ikalawang linggo ay dumadalaw siya sa nanay niya, at ang tatay naman ni Nico ay kung saan saan naman napapadpad upang magtrabaho…at hanggang sa napalagay na ang loob ni camille kay conchita, at ganun din kay nico napalagay na din ang loob ni camille kay Nico, at hanggang sa napagpasyahan ng mga magulang ni Nico na ampunin na lang si camille, dahil sabik ang mag-asawa sa anak na babae, dahil hindi na pwedeng mag-anak pa si Conchita dahil may sakit ito sa puso..natuwa naman si Nico dahil nagkaroon na siya ng kapatid na babae, at minahal nila si camille na parang tunay na kadugo..
.
Mother fely : o sige ikaw na sa pagluluto at ako na dito sa paglalaba.
Nico : ay hindi po mother fely, ako po ang bahala dito sa lahat.
Mother Felÿ : e di napagod ka naman.
Nico : hindi po, okay lang po, kayang kaya ko po yan, kung meron po kayong gagawin sa opisina. Gawin nio na lang po at ako po ang bahala dito..
Mother fely : kabait talaga nitong batang ito..o siya sige, ikaw na ang bahala diyan…
Nico : opo..
.
At iniwanan na nga ni mother fely si Nico sa kusina, at nagpunta na si mother fely sa opisina.
.
Nalilibang si Nico sa pagluluto at hindi niya namamalayan na naroon na si Yna at nakamasid ito sa kanya, nagising si Yna na hindi niya nakita si Nico sa kama nito, kaya bumangon na din si Yna. Nagpunta muna si Yna sa banyo upang maghilamos, at pagkahilamos ay bumalik siya ng kwarto upang magsuklay ng buhok, at inayos ang sarili, sinigurado niya na maayos at mukhang maganda siya sa paningin ni Nico na hindi niya alam sa sarili niya kung bakit niya ginagawa iyon, sabi pa niya sa sarili nia na magbestfriend lang naman sila at hindi magboyfriend..pero gusto pa din niya na maganda siya sa paningin ni Nico, at nang makababa nga siya at nagpunta siya sa kusina ay naroon nga si Nico na abala sa pagluluto, hindi siya napapansin nito, at nadagdagan na naman ang paghanga niya dito dahil sa kalalaking tao ay sanay na sanay ito sa gawaing bahay, habang nagluluto ay naglalaba, napakadaming bagay ang hinagangaan niya kay nico, malayong malayo ito sa boyfriend niyang si poli, palibhasa si Poli ay mayaman sunod din ang luho nito, pero si Nico ay laki sa hirap, kaya habang tumatagal ang pagsasama nila Nico at Yna ay mas lalong lumalalim ang paghanga ni yna sa binata, na parang papunta na daw sa pagkahulog ng loob niya kay Nico, lalo na sa pagiging maaalalahanin ni nico sa kanya, mukhang nahuhulog na daw talaga ang puso niya dito..naipiling na lang niya ang ulo niya dahil mukhang magkakaroon siya ng poproblemahin.,mukhang unti unti ng nahuhulog ang puso niya kay Nico eh paano naman na si Poli, mukhang hindi na daw niya makapa sa puso nia ang boyfriend niyang si Poli, na dati ay gustong gusto na niyang makita ito, na dati ay mis na mis niya ito, pero bakit daw ngayon ay hindi na, at dahil iyon kay nico, biglang nakaramdam ng sakit ng ulo si Yna.
.
Yna : oh God!! Ano ba tong nararamdaman ko!
.
Napalakas ang pagsasalita niya, kaya agad na napalingon si Nico sa kanya at agad din siyang nilapitan nito.
.
Nico : Best gising ka na pala, okay ka lang ba? May masakit ba sayo ha??
Yna : masakit yong ulo ko.
Nico : ganun ba best, sandali at ipagtitipla kita ng kape, para mainitan yang sikmura mo. Malapit na akong makaluto ng almusal, mamaya uminom ka ng gamot,,meron akong gamot sa sakit ng ulo.
.
At ipinagtimpla na nga ni Nico si Yna ng kape, at samamtalang ang mga bata ay nagising na din at inasikaso na sila ni Mother Fely, at bago bumaba ang mga bata, ay nagdasal muna sila na kasama si Mother fely, at nagpasalamat sa panibagong umagangibinigay ng Poong MayKapal..at nang makapagtimpla si Nico ng kape ng para kay Yna ay agad niya itobg ibinigay kay Yna.
.
Nico : oh eto best magkape ka muna.
Yna : salamat..ikaw nagkape ka na?
Nico : oo, kanina pa,bakit kaya sumakit ang ulo mo, hala baka naman sa pagkakatulog natin sa taas, nalamigan ka..baka kaya may lagnat ka..(sinalat ang noo kung mainit)..hindi ka naman mainit.
.
Bumilis naman ang tibok ng puso ni yna ng hawakan ni Nico ang noo niya, hindi kumikibo si Yna dahil hindi niya alam ang sasabihin, kaya nagsawalang kibo na lang siya dahil daw baka mamaya kung ano pa ang masabi niya na idinidikta ng puso niya,..at samantala naman ay nakapagplano na sina Poli at Mitch para kay Yna, tumawag si Mitch sa bahay nila Yna, at ang nakasagot ay ang kasambahay nila Yna, at nalaman ni Mitch na wala pa pala roon si Yna.
.
Poli : ano babe, nasan daw si Yna?
Mitch : babe wala pa daw sa kanila si Yna, hindi pa daw bumabalik.
Poli : ganun ba, sige tawagan ko muna si Papa sabihin ko sa kanya ang plano..
.
At tinawagan nga ni Poli ang kanyang papa na si Noel..at sinabi nga ni poli ang plano niya.
.
Noel : sige ayusin mo lang yang plano mo at siguraduhin mong hindi papalpak ha..
Poli : wag kang mag-alala papa, pero kailangan ko ng mga tauhan mo..
Noel : alam mo ba kung nasaan si Yna ngayon?
Poli : hindi pa, ang sabi ng katulong nila ay wala pa si Yna sa bahay nila, hindi pa ito bumabalik..
Noel : ano hindi pa bumabalik, anak ng putakte_ _..naisahan sila..!!
.
Naisip ni Noel na naroon parin sila Yna. Kung saan nakita ng mga tauhan niya, kaya tinawagan niya ang 2 dalawang tauhan niya na inutusan niyang manmanan si Yna at para dukutin ito..kaya ng makausap niya ang dalawang tauhan niya at inutusan niya uli na balikan ang lugar kung saan nila nakita si Yna..at hanggang sa nakabuo na ng plano ang mag-amang Poli at Noel upang kidnapin si Yna at ipatubos ng malaking halaga sa papa ni Yna na si Ferdinan..
.
Itutuloy
Maraming salamat sa lahat na patuloy na sumusubaybay sa Aking Prinsesa, sana po patuloy nio pong suportahan ang aking kwento, hanggang sa huli..salamat po,🥰






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top