“Love paano mo sasabihin sa mommy at daddy mo na nabuntis mo ako?”
“My love…Sheemee, wala na akong pakialam kung paano…..ang iniintindi ko lang ay ikaw at ang magiging anak natin”
“Love anong ipapangalan natin sa baby boy natin?”
“Junn ang gusto kong ipangalan sa anak natin love”
“Mom, dad…ito po si Sheemee ang girlfriend ko at ang anak namin”
“Rodjun ang bata mo pa para maging ama!”
“I know mom, pero wala na tayong magagawa…nangyare na…tanggapin na lang natin please mom..dad”
“HINDI KO MATATANGGAP ANG NAGAWA MO RODJUN!!!”
“Pero dad—–
“HINDIII!!!”
“Okay…fine aalis na lang kami kung hindi niyo matanggap!”
“Rodjun…RODJUN!!!”
“Anak!”
“Rodjun…..love sinusundan tayo ng daddy mo!”
“I know kaya binibilisan ko na ang pagmamaneho”
“Magdahan dahan ka naman baka madisgrasya tayo…umiiyak na nga ang anak natin!”
Dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Rodjun ay nabangga ang sasakyan namin
Nagising na lang akong sumasakit at nagdurogo ang ulo ko buti naman at ligtas ang anak ko
Ginising ko si Rodjun at ibinigay ko sa kanya ang anak namin at sabihing iligtas si Junn at ang sarili niya.
“Mahal na mahal kita Sheemee babalikan kita!”
“Mahal na mahal kita Rodjun at ang anak natin alagaan mo siyang mabuti!”
Nawala na ang mag-ama ko hanggang sumabog ang sinasakyan ko!!
Nagising ako mula sa masamang panaginip ko
Pagkabangon ko ay sumakit na naman ang ulo ko
Sa tuwing mapapanaginipan ko si Rodjun ay sa pagkagising ko laging sumasakit ang ulo ko.
“Arghh” Inda ko habang nakahawak sa ulo ko
The door opened and my boyfriend approached me
“What happened to you, are you okay? ” traces of concern on his face
“I’m okay hon uhm sumasakit lang ang ulo ko” I smiled at him and kissed him on the lips “Ayos na ako kaya wag ka ng mag-alala”
“But what really bothered you, why did your head hurt?”
“May masamang panaginip ako at pagkagising ko ay ang sakit na ang ulo ko atsaka si Rodjun at si Sheemee…eh ako si Sheemee kaya ako at si Rodjun ang laging nasa panaginip ko” paliwanag ko
Hindi naman mapakali siya ng marinig ang pangalan ni Rodjun at bakas sa mukha niya na natatakot siya at nag-aalala
“Sabihin mo nga sa akin may kilala ka bang Rodjun!?” Nagulat siya sa biglaang pagtanong ko
Hindi niya ako sinagot at bigla na lang siya nag-aya
“Tara”
“Wait, where are we going?”
“Sa Hospital”
“Okay na nga ako hon kaya no need na pumunta pa tayo sa Hospital” pagmamatigas ko at napabuntong hininga siya at may ibinulong
“Sana hindi na lang kita ibinalik dito sa Pilipinas”
“Ano yun hon?” malumanay na tanong ko
“A-Ah w-wala h-hehe ah aalis na ako hon…p-punta lang ako sa trabaho at ikaw ay dito ka lang sa bahay para magpahinga”
Tumango na lang ako at siya’y hinalikan ako sa noo
By the way, I am Sheemee Guilt and my boyfriend is Rodco Zentofalp. We have been together for 4 years although many say Rodco is older than me because I’m only 20 years old and Rodco is 36 years old but AGE DOESN’T MATTER.
Last week we arrived here in the Philippines from another country, in Canada.
And I started dreaming about Rodjun when I arrived in the Philippines, when I was only 16 years old I met Rodco at the Hospital when I had an accident and I don’t remember anything, I lost my memories.
MAKALIPAS ANG ISANG TAON…
21 years old na ako at si Rodco ay 37 years old
“Excited na ako!” sabi ko pagkatapos kong mag-ayos sa sarili
Nangako kasi si Rodco sa akin na kapag tumungtong na ako sa edad na 21 ay itutuloy ko ang pag-aaral ko, sa college na agad ako.
Pagkarating namin sa school ay pina-enroll na ako ni Rodco at ako naman ay naglalakad lakad hanggang sa may mabunggo ako, nakatalikod siya sa akin at nabitawan niya ang mga laruan niyang bitbit.
“Sorry..sorry sir” sabi ko habang nakatingin sa kanya
“D@mn it!” sabi niya habang pinupulot ang mga laruan niyang nabitawan dahil nabunggo ko siya, dahan dahan siyang tumayo.
Bumuntong hininga siya bago humarap sa akin at nagsalita
“Ano ba’t hindi ka tumitingin sa dinar—– tiningnan niya ako mula paa hanggang sa ulo pero natigilan siya sa pagsasalita nang makita niya ang mukha ko, bahagya pang nangunot ang noo niya
He removed the shades he was wearing and he was really surprised not to believe what he saw.
“S-Sheemee!!?” bakas sa mukha niya ang tuwa at bigla na lang niya akong yinakap
“T-Teka kilala ba kita?” pagtatanong ko
Naramdaman kong umiiyak na siya
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at biglaang tuwa T-TEKA PARA SAAN NAMAN ANG TUWA!?
“Lumayo ka nga sa akin!!” sigaw ko at tinulak siya
Nagulat naman siya sa ginawa ko
“S-Sheemee a-ako ito h-hindi mo ba ako m-makilala?” lumapit siya sa akin pero umatras ako aatras ulit sana ako pero hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at yinakap na naman niya ako ng mas mahigpit na yakap.
HINDI KO ALAM P-PERO SABIK NA SABIK AKO NA HAWAKAN SIYA aishh
“Miss na miss na kita Sheemee…love”
“Ano ba!!!” tinulak ko siya ng mas malakas
“Hindi kita kilala at bigla bigla kang mangyayakap sa akin huh sino ka ba huh!?”
“L-Love”
“Huwag mo akong tawaging love hindi kita kilala!!”
“Mga 5 years kitang hinanap S-Sheemee at hindi ko inaasahan na magkikita din tayo dito sa school natin na dito rin tayo nagkakilala b-bak—–
Natigilan siya sa pagsasalita nang may sumigaw at patakbong lumapit sa kanya ang batang lalaking sumigaw
“Daddy!!!”
Hinarap niya ang bata dahilan para mawala sa akin ang atensyon niya, maraming mga taong nakatingin na sa amin
“Junn anak…may biniling mga laruan si daddy oh” sabi niya pagkatapos niyang yakapin ang anak niya
Tumakbo na ako
“Sheemee teka wait lang Sheemee!!!”
Narinig ko pang sumigaw siya pero hindi ko na pinansin
Nagtuloy tuloy ako sa pagtakbo at hindi na lumingon pa
I went to my boyfriend and tearfully approached him
“What happened hon?” Rodco asked me
“M-May nabangga a-akong l-lalaki n-na h-h-hindi ko n-naman k-kilala p-pero siya kilala niya a-ako a-at b-bigla niya a-akong y-y-yinakap” nagkanda-utal at na-iiyak akong nagpaliwanag
“A-ANO!?” sigaw niya at kita kong galit na galit talaga siya
“Are you okay, you weren’t hurt…let’s go home” ramdam kong nagpipigil siya ng galit
“O-Okay lang ako h-hon” pinigilan kong hindi na umiyak natakot lang talaga ako sa lalaking yun
Ang daming tanong sa isip ko tulad ng
‘Bakit kilala niya ako eh hindi ko siya kilala pero iba ang naramdaman ko ng makita ko siya lalo na nung niyakap niya ako…hindi ko alam pero sobra akong natuwa’
‘Bakit niya ako tinatawag na love!?’
‘Bakit tinawag niyang Junn ang anak niya?’
‘Bakit parang connected sila sa mga panaginip ko!?’
Dumating ang araw na pasukan na sa school
Kasalukuyan akong kumakain sa canteen pagkatapos ng ilang klase
“Alam mo si Rodjun at ang anak niyang si Junn ay ang cute nilang tignan mag-ama!”
“Oo nga, ang kaso ang ina ay iniwan silang mag-ama”
“Ang sama nga eh”
“Balita ko si Sheemee ay ex-girlfriend ni Rodjun”
“Eh hindi ba classmate natin si Sheemee”
“Yeah, atsaka alam mo nagkagulo sila noong enroll-an”
Dinalian kong tapusin ang pagkain ko at umalis sa canteen dahil sa mga naririnig ko
‘Nakakainis ano bang pinagsasabi nila’
Papunta na ako sa cr but i stopped walking because someone blocked my path.
Dalawang babae sila yung mga chismosa
“Sheemee right?” si Kathyl at ang alam ko may gusto siya kay Rodjun
Ang isang kasama ni Kathyl ay si Nia, I met them because we introduced each other last week after school started.
I ignored them and i just kept walking until i got into the comfort room they were still following me so i faced them
“Ano bang kailangan niyo sa akin?” naiinis kong tanong sa kanila
“Nothing” natatawang sagot ni Kathyl
“Wal—– Nia suddenly spoke which is why i couldn’t continue what i was going to say
“We just want to make sure that Rodjun really became your boyfriend a—– I spoke immediately so that she would not continue what she was going to say.
“WALA AKONG MAALALA!!” sigaw ko
“Wala kang maalala!?” sigaw rin ni Kathyl at bahagyang lumapit pa sa akin “Pwes i-untog natin yang ulo mo para maalala mo” sabi pa niya at itinulak ang ulo ko dahilan para tumama sa pader.
Nakaramdam agad ako ng pagkahilo kaya napaupo ako
Hinawakan ko ang ulo ko pero walang dugo
Nakita kong nagmamadaling umalis sila Kathyl at si Nia
Sa kabila ng sakit ng ulo ko mayroong namumuong memorya sa utak ko
Kung saan ang unang pagkakakilala namin ni Rodjun ay dito sa school na ito
Hanggang naging kami
Mga oras na magkasama kami
“B-bakit!?” tanging naibulalas ng aking sariling bibig
Pagkatapos ng mga klase at uwian na
Pumunta ako sa...