πMarkus POVπ
Di ako agad nakasagot sa biro ng magkapatid.
Sa totoo lang ay di ko maintindihan kung bakit ako napapayag ng tatlong kaibigan ko na puntahan sila.
Alam ko rin na madalas na magpunta si Xandie dito sa bahay nina Sab.
Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko makita ang babae na to.Kahit pa laging masungit sa akin.
Ngayon naman ay hindi ako pinapansin.
Galit pa rin ba sya sa akin?
Sabagay di pa rin pala ako nakapag sorry sa kanya.Sana naman kausapin nya na ako.
Paano ba? Kapag eto rin ang kaharap ko ay parang hindi ako makapagsalita ng maayos,kaya dinadaan ko na lang sa biro.
“Hey wag kayong ganyan,tingnan nyo oh ayaw nya ako kausapin.”
“Eh bakit nga andito ka? Nakapagatataka talaga.”
“Bawal ba ako dito?”
Tinawagan ako ni Lance,sabi nya me praktis daw.”
“Naniwala ka naman dito sa boyfriend ko.” sagot ni Sab.
“Oo naman,bakit hindi ba kapanipaniwala ang jowa mo?”
“Ewan ko sa yo! Hey Xandie kausapin mo kaya ito si Mark baka me sagot naman na matino.”
“Bakit ako?”
“Syempre,napapansin ko kasi na tahimik ka,kapag kaharap mo sya.hahaha…”
“Tama na nga kayo sa mga biro nyo,mamaya nyan di nya talaga ako kausapin.”
“Excuse me ha,dun muna ako sa loob kuha ako ng drinks.” paalam ni Sab.
“Samahan na kita Beb,Xandie iwan muna kita ha.Tsaka kausapin mo na yang katabi mo mabait naman yan.”
At naiwan na nga kami ni Xandie sa upuan,dahil bumalik na din sina Lance sa court.
Pagkakataon ko na rin siguro na humingi ng sorry sa kanya.
“Ahm Xandie sorry nga pala nung nakaraan.Worried lang kasi ako that time sa Tita ko kaya nabangga kita at...