Alas 9 na ng gabi pero gising padin kame. Syempre Abala kame sa paghahanda para sa aming pangangaroLing sa baryo. Desyembre ngayon db baka nakakalimutan nyo π..
Kasama ang mga pinsan ko ay masaya kaming naglakad papuntang Purok Uno. Bitbit ang tansan na binutansan at tinuhog ng alambre.. At isang maliwanag na flashlight ay masaya namin itong pinapaingay sa daan . Pero Iba ang dala ni MoyMoy isang kawa na may tali at isinabit nya sa kanyang leeg at dalawang malaking bato sa magkabilang kamay para pampokpok sa nasabing kawa. Pwede nman kaseng takip ng kadero lng eh kaso ayaw nya. Baka daw mabigyan kame ng malaki kapag nakitang nag effort daw kame hahaha.
Bali 20 kame lahat. May kasama pang bata. Alam naman namin na di rin nman sila kakanta. Gusto. Lng talaga maglakwatsa. Bali si Kuya Tupe ang lider namin. Sya ang sesenyas kapag papalitan na namin ang kanta o kapag magsisimula na kameng kumanta. At syempre nsa kanya din yung tabo na lalagyan namin ng barya barya π..
So ito na. Unang bahay na kakantahan namin.
“oh Ready Sing ” si kuya Tupe
Senenyas nya ang kamay.. Hudyat na magsisimuLa na kame …
MaLamig ang simoy ng Hangin πΆπ΅
Masaya ang bawat tanawin πΆπΆ
kahit medyo nahihiyay pinagpatuloy namin ang pagkanta..
Nasa harap kame ng bahay ni Kapitan. Sabi ni Kuya Tupe ay ito daw dapat ang bwena mano para swertehin kame π at saka hellow tatlong araw kaya kame nagpractice no.
At Oo nga inabutan kame ni Kap ng singkweta ..para sa amin malaki na yun.
Di namin alintana ang kahoLan ng mga aso at malamig na simoy ng hangin .. Basta tuloy lang sa pangangaroling sa bawat bahay na madadaanan namin pati nga yung bahay ni Lola Ason ay pinatos pa namin hahaha.
. Pagkatapos namin sa Purok Uno ay sa Purok 3 na ang sunod naming pupuntahan. Nilagpasan na muna namin ang aming Purok. Purok 2 kase kme. Sa bandang gitna. Yung Purok uno ay sa kanan at ang Purok 3 ay sa kaliwa .Yun kase ang usapan namin eh ihuhuli namin ang aming purok para deretso uwe na kame kapag nahati hati na...