Hi ako nga pala c Ruffa Mae Llagas Ibo 21 yrs old from sagrada familia minalabac Camarines sur. Hmm may boyfriend ako noon nag aaral kami Ng grade 11 nung naging kami Nov. 3 2016 nung sagutin ko siya at naging masaya Ang aming pagsasama nun dahil palagi kaming magkasama sa school Kase classmate kami at magka barangay din kaya lagi kami nagkakasama. Nung unang taon ng aming relasyon may Hindi magandang nangyari sa relasyon naming dalawa dahil nagkaroon siya Ng ibang babaeng kausap Kung baga (kalandian) Hindi ko alam na may ginagawa na pala siya na ikakasakit ng damdamin ko. nalaman ko na may nakakausap siyang ibang babae dahil Hindi niya alam na alam ko Ang password at email Ng Facebook niya Kaya nung buksan ko Ang messenger niya Yun agad Ang bumugad saking mga mata! Ang saya Ng conversation nila puro harutan! Sobrang sakit nung nakita ko Yung usapan nilang dalawa. Kinaumagahan kinausap ko siya about dun sa nakita ko sa messenger niya umiiyak ako sa harap niya sinasabi ko sakanya Kung ano paba Ang kulang ko Kung bakit kailangan niya pa Ang babaeng Yun! Tinanong ko siya kung Hindi na siya masaya sakin o Hindi niya na ba ako Mahal pero Hindi siya kumikibo nakatingin lang siya sakin at nung Hindi na ako nagsasalita iyak nalang Ng iyak bigla niya akung niyakap at sinabing “sorry Hindi ko na uulitin. Ikaw Ang Mahal ko” at nung marinig ko Yun dun mas humagulhol ako Ng iyak dahil bakit kailangan niya pa akung saktan Kung Mahal Niya ako. Gusto ko na bumitaw nung time na Yun pero kahit nasasaktan ako Hindi ko magawang Iwan siya. sobrang Mahal ko siya Kaya binigyan ko ng chance para Hindi Lang masira Ang relasyon naming dalawa. At Hindi na din niya kinausap Yung babae na yun naka block na at simula nun binubuksan ko na palagi account niya. Hindi naman nawala Ang tiwala ko sakanya at nag umpisa kami ulit naging masaya nanaman Ang aming pagsasama ngunit makalipas lang Ang ilang buwan ay mayron nanaman Hindi nangyari sa aming relasyon! Kung ano Yung ginawa niya dati Yun din Ang ginawa niya sa pangalawang pagkakataon! Sobrang sakit na Ng nararamdaman ko dahil ginawa niya nanaman ulit Kaya Ang nangyari Hindi ko na siya kinausap nun hinayaan ko siya na mag paliwanag sakin ngunit tumagal Ng ilang araw na Hindi siya nakikipag usap sakin walang pansinan sobrang sakit dahil Akala ko Wala na! Wala Ng kami dahil Hindi siya gumagawa Ng way para kausapin ako ipaliwanag Kung bakit niya ginawa ulit Yun! gusto Kung uminom Ng uminom nun para makalimot sa sakit na nararamdaman ko kaya Ang nangyari inaya ako ng best friend ko dahil may party siyang pupuntahan Kaya sumama ako nun at sa Hindi inaasahan nakita ako nung boyfriend ko na kasama best friend ko dun sa party pero deadma lang yun sakin Kase gusto ko maramdaman niya Yung sakit na nararamdaman ko! Yung best friend ko Kase lagi niya Yung pinagseselosan Kaya alam kung magagalit siya nung nakita niya kami. At kinaumagahan pag pasok ko sa room nakita ko siya nakaupo mag isa Kaya ginawa ko tinabihan ko Hindi ako umimik umupo lang ako at tiningnan niya lang din ako. Ngunit Hindi ko kinaya bigla nalang tumulo luha ko uumiiyak na ako pero Wala parin kumikibo saming dalawa. Kaya ako nanaman nag adjust nagsalita ako Sabi ko ” ano na? Ano na ba talaga Tayo? Ano ganto nalang?” Pero Hindi siya sumagot At Hindi na din ako nagsalita pa umiyak nanaman lang ako ng umiyak Wala na akung pake nun Kung marami nakakakita sakin na umiiyak at bigla siya nagsabi na “tumigil kana , sinasayang mo lang luha mo! Tayo pa din naman Mahal Kita Kaya tahan na” at bigla naman siyang niyaya Ng kaibigan niya na pumunta sa canteen dahil kakain Kaya Hindi na ako nakapag salita at nagpaalam na din siya sakin na “sige na Alis muna ako ha , tahan na” at napatango nalang ako ng time na Yun. Ang Dami ko pang gustong sabihin sakanya , itanong pero Wala na ako magawa di na ako nakapag salita. At ayun naging okay nanaman kaming dalawa , naging okay na ganun...
Maraming salamat sa pagbabasa..