Bagong mukha ang lalake at Hindi niya kilala ito. Pero sa tingin niya ay apo ito ni Mang Kantor dahil tinawag nitong Lolo ang matanda. Napaiwas siya bigla nang tingin dito nang malingonan din siya nito..nahiya Tuloy siya.
“Miss anong binibili mo?”bigla ay tanong nito sa kanya
“Makoy ikaw nga magkilo ng feeds na binibili nitong si Bella. At tila sumama ang aking pakiramdam.”anang matanda
“Walang problema Lo..leave ko naman sa presinto Kaya ako na Muna ang magbabantay dito.”ani nito
“Wow naman..ang bait mo namang apo.”sabat ni Chacha rito na halatang nagpapa-cute naman sa Lalake”Charlene nga Pala Pero Chacha in short. Pulis ka?”
“Mark Selvestre Pero Makoy in short.”pakilala naman nitong Makoy sa kaibigan niya
“Iyong feeds na binibili ko Kuya.”kapag kuwan ay sabi na lamang ni Bella rito
“Pasensya na Miss.”agad namang kumilos ito na takaran siya ng feeds na ibinibili niya
“SAlamat.”sabay talikod niya sa Lalake at hinila na niya rito ang kaibigang malandi
Siya ang nahihiya sa pagiging malandi nitong si Chacha.
Hindi naman mapakli ang ngiti ni Makoy sa dalawang dalaga na suki nang kanyang Lolo Kantor. Wala na sa kanya ang mga ganong Klase ng babae na mahilig magpacute sa kanya. Pero tila yata...