Abala ako sa pagsasaayos ng mga bagong deliver na bulaklak sa shop ngayon. My family owned and inherited this from our ancestors, from my great grandmother Lola Linda. Natatandaan ko pa nang ikinuwento ni Mommy na ang dati raw nitong pangalan ay Hermosas Flores. Hango ito sa wikang espanyol na ang ibigsabihin ay ‘beautiful flowers’ o mga magagandang bulaklak.
Ngunit ngayon ay napalitan na ng Flower Deities. Si Mommy na ang nagpalit niyon. At bilang kanyang nag-iisang anak na babae ay mukhang sa akin ito ipamamana. Wala rin namang hilig dito si Kuya Diego. Sa tingin ko nga ay mas masisiyahan s’ya kung mga sasakyang panghimpapawid ang masisilayan n’ya.
What should I expect to a pilot being fascinated with airplanes and the sky?
Bakasyon ngayon kaya naman ay ako ang inatasan ni Mommy na mamahala sa flower shop sa dalawang buwan kong bakasyon. Wala na rin sa aking kaso iyon dahil nasasanay na ako.
“Ms. Cherry kung kumpleto na raw ho ba ang ipinadalang bulaklak?” tanong sa ‘kin ni Javy, isa sa mga assistant ko rito.
Tumango ako nang nakangiti.
“Yes, they are. Nando’n pa ba sa labas ang flower suppliers natin?”
“Opo, Ms. Cherry.”
“All right. Pupuntahan ko na muna sila para sa bayad.”
Tipid na tango na lang ang nagawa ni Javy. Siya na rin ang pumalit sa puwesto ko kanina. Tinalikuran ko siya na nag-aayos na ng mga makukulay na bulaklak sa istante. Mabilis rin naman akong nakapagbayad. Kinausap ko nang kaunti ang supplier na siyang suki na namin simula pa man noon.
Masaya akong pumasok ng shop. Sa dami ng bulaklak na ni-order namin ay naka-discount pa rin kami. Well… ang galing ko talagang mambola!
Akala ko ay magbibilang kami ng ilang oras bago magkaroon ng customer. Usually kasi, nagsisipagdagsaan lang ang tao rito sa shop kung may espesyal na okasyon. Kung wala naman masyado, ay heto medyo matumal ang kita.
Ngunit kadalasan naman ay hindi natatapos ang araw na may sa sampu hanggang labinlimang dumadaan. Para magpaayos at magpagawa ng bulaklak.
Thirty minutes have passed right after the freshly picked flowers were delivered to our shop. The flower shop’s bell rang, a signal that a customer came in. And it revealed a beautiful man I’ve ever seen in my entire life.
He’s wearing a baby blue long sleeve polo and black slacks. There’s a white coat folded and hanging on his right arm. His clean cut hair and charming smile, I knew that he’s a doctor.
“Ah.. good morning! Is this Hermosas Flores, the flower shop?” He asked while reading the name of our shop on a piece of paper. Cute.
“Yes, it is Sir. But Hermosas Flores was its former name. It’s now Flower Deities, welcome! How may we help you Sir?”
He smiled as he walk towards my direction on the counter. Mas makisig pala siya lalo na kung mapagmamasdan nang malapitan.
“I would like to buy a bouquet of flower, Miss. I want it to be simple and sincere.”
“All right, Sir. Please take a seat in the meantime. We’ll give it to you right away.” I smiled at him.
Tatalikod na sana ako nang tawagin niya uli ako. Not by my name but with ‘Miss’.
“Yes, Sir? Is there anything else you need, sir?” Ewan ko kung bakit ko pa ito natanong. Bulaklak lang naman ang mayroon kami, hindi ba?
He chuckled.
Iyan tuloy nagmukha na akong katawa-tawa sa paningin niya. Yaay, kahiya! I shouldn’t have asked that nonsense question. Akma na akong aalis nang magsalita na siya.
“What’s your name?”
Three words. I didn’t know would lead us to our beginning.
“Cherry, Cherry Mendrez. Sir…?”
He smiled again. “Bellissima. I mean, nice meeting you. Don’t call me Sir. It should be Travis. I’m Travis Leonardo.”
He handed his hand on me by which I also gladly accepted. I thought it was just for a hand shake. I was surprised when he placed it infront of his lips. In a split second, I felt his soft lips at the back of my palm. He kissed it.
Javy showed up while holding the bouquet of flowers that Travis ordered. Good thing she didn’t saw us from that position.
Hindi naman sa wala akong tiwala kay Javy ngunit mabuti na ring nag-iingat. Mahirap nang ma-issue.
“Ito na po sir ang ipinag-uutos niyo. Nakuha po ba ang inaasahan niyo?” magalang na tanong ni Javy.
“Yes. Thank you.”
Akala ko ay tuluyan na iyong tatanggapin ni Travis nang mabitin sa ere ang kamay ni Javy. Hawak niya pa rin ang bulaklak.
“Pakibigay na lang rin kay Cherry. Heto ang bayad. Maraming salamat uli.”
Gulat akong napatingin sa kanya. Bakit? Ngunit hindi rin naman ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. Karamihan ay nagmula ito sa mga kakilala at… oo sa mga manliligaw ko. Ngunit hindi ko rin mawari kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayong galing ito sa isang estranghero.
He’s handsome, yes. A good looking stranger, yes he is! And I wouldn’t lie that I’ve liked him that moment I saw him enter our flower shop.
Maybe, maybe this is what they called love at first sight?
“P-po? Nais niyo pong ibigay ito sa amo ko? Kay Ms. Cherry po o ibang babae po na kasing pangalan lang ng amo ko? Ah e, hindi po kasi kami nagde–” pinutol na ni Travis ang dapat na sasabihin ni Javy. Siguro’y ngayon lang siya nakabawi sa pagkakagulat rin kanina.
“Oo. Sa kanya ko nga gusto ibigay. Kay Cherry Mendrez at wala nang iba. My beautiful deity, indeed.” Marahang pagtawa ang narinig ko mula sa kanya.
Napatungo na lang ako. Alam kong kasing pula ko na ngayon ang kamatis. Ramdam ko rin ang matinding pag-iinit ng pisngi ko. Ano’ng nangyayari sa akin?
“I hope this will not be the last time we’ll see each other, my beautiful deity. Arrivederci.” Iyon na lang ang narinig ko. Bago siya nawala sa harapan ko.
Pag-alis niya ay agad ko namang narinig ang tili ni Javy. Akala ko kung anong meron na o napahamak na kami. Sunod na lang na naramdaman ko ay ang pagtusok niya sa tagiliran ko.
“Iba talaga ang ganda niyo, Ms. Cherry! Waaah ang gwapo po talaga ng lalaking iyon ‘no!?” tili niya.
Halos takpan ko na ang mga tainga ko sa kasisigaw niya. Pilit ko ring sinasalag ang daliri niyang akma na naman akong tutusukin sa tagiliran. Nakalimutan na niya siguro kung sino itong ginaganito niya.
“Oo, gwapo siya. Tama ka Javy, kaya.. ang mabuti pa’y bumalik na tayo sa ating trabaho.”
“Pero po.. wala na naman po tayong customer. Magkuwentuhan na lang tayo!” Umiling ako sa kanya.
“Kahit na. Oras pa rin ng trabaho kaya’t lahat ng walang kaugnayan sa trabaho ay dapat na isantabi.”
“Opo. Masusunod po, Ms. Cherry. Pasensya na po.” Nakayukong aniya.
Papasok na sana ako sa maliit kong opisina nang mapahinto ako sa sinabi niya.
“Ms. Cherry, iyong bulaklak niyo po nakalimutan niyo!”
“Salamat.” saad ko nang tuluyang matanggap ang bulaklak at isinirado ang pintuan ng opisina.
Napasandal ako sa likod ng pintuan. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi.
“Travis…” nakangiti kong usal sa pangalan ng makisig na binata.
• • •
“5 bouquet of roses for me, please.” wika ng kung sino.
Hindi ko na magawang tingnan kung sino iyong sumunod na customer. Masyado na akong abala sa kanina naming customer. Ngayon na raw kasi ang kasal ng pamangkin niya kaya heto at kinukulit na kami sa bulaklak.
“No’ng isang linggo ko pa iyan ipinasadya sa inyo ‘di ba? Oh, bakit ngayon niyo lang inasikaso? Dyosko naman! Ang palpak ng serbisyo niyo!” iritableng saad ng ginang.
Napapikit ako sa biglaan niyang pagbulyaw. Hindi naman sana ito mangyayari kung hindi nagkasakit ang halos kalahati ng empleyado ko. Iyong iba naman ay nagka-emergency no’ng nagdaang linggo.
Napabuntong hininga na lamang ako.
“Anong ibinubuntong hininga mo diyan? Magmadali, mamayang alas tres na ang kasal ng pamangkin ko?! Hindi ba’t ikaw ang manager? Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Ipagawa mo iyan sa empleyado mo! Dyoskopo.”
“Pasensya na po talaga, Mrs. Alduande. Kulang po kasi kami sa staff noong nakaraang linggo kaya ngayon lang namin naasikaso. Kaunting oras lang po ang hinihingi ko sa inyo. Matatapos rin po ito.” Pinilit kong ngitian siya sa kabila ng iritasyong nararamdaman ko na rin.
Kung siya kaya rito at kung makapagmadali naman ay parang ang dali lang itong ayusin. Kalma lang, Cherry. Naiintindihan mo ang ginang. You have to be professional.
“Javy, pakidala mo muna si Mrs. Alduande sa opisina ko nang makaupo siya. Pakidalhan mo na rin ng tsaa.”
Ipinagpapasalamat ko nang hindi na ito nag-eskandalo pa. Tahimik itong sumama kay Javy papunta sa aking opisina. Pansin ko rin na kalmado na uli si Mrs. Alduande.
“Sasha, Aleeza at Bianca kayo na muna ang bahala rito. Sampung bouquet na lang naman ang hindi nagagawa. Makakaya niyo na ba iyon?”
“Opo, Ms. Cherry. Pasensya na po ulit.” They all said in unison.
Bale dalawampu’t isa ang kinakailangan naming matapos na bouquet. Isa para sa bride ang pinakaespesyal at dalawampu naman para sa bridesmaid.
Makalipas ang isang oras ay natapos rin. Kalmado nang lumabas si Mrs. Alduande sa opisina ko at agad na dumiresto sa gawa naming bulaklak. Tila biglang nawala ang mabangis na tigre kanina at napalitan ng isang napakaamong tupa.
“Tunay ngang magaganda ang gawa niyo, Ms. Mendrez. Hindi ako nagkamali sa pagpili. Napahanga ako ngunit sana’y hindi na maulit ang kanina. Inaasahan ko rin ang maagap niyong serbisyo sa susunod.”
“Opo, makakaasa po kayo. Pasensya na po talaga Mrs. Alduande.”
Nakahinga ako ng maluwag nang nakaalis na si Mrs. Alduande. Bumalik rin ako agad sa counter para naman asikasuhin ang sunod na customer. Ngunit hindi na pala kailangan dahil nando’n na si Aleeza.
Naisipan ko na lang tuloy na magpahinga sa opisina. Pero hindi ko na rin pala magagawa dahil sa taong humawak sa palapulsuhan ko.
“Travis..” sambit ko.
“Hindi mo man lang ba ako pagbebentahan?” ngisi niya.
Napatingin ako sa may counter at laking gulat ko nang nakatingin na rin pala sa gawi ko si Aleeza. Aleeza’s one of my mother’s eyes lalo na kung may lalaking lumalapit sa ‘kin. For sure she’ll tell this to Mommy.
I abruptly removed Travis’ hand on my wrist. I saw how he was shocked but then he managed to give me a smile, like he always did.
“B-bakit? Ahm… nand’yan naman si Aleeza. Pakisabi na lang sa kanya ang order mo, doc.” I smiled too.
Mabuti’t sa kabila ng di maipaliwanag na kaba ay nagawa ko pa ring ngitian sya. He was in his usual attire. Probably, he is on duty as I notice that familiar white coat clinging on his right arm again.
“Pero mas gusto ko ikaw…” he paused. “ang mag-asikaso no’n para sa ‘kin.” He pleaded, almost whispering.
Halos limang buwan na syang ganito. Consistent customer who orders 5 bouquet of flowers a day. Let me rephrase that, he always orders 5 bouquets everyday until the cycle goes on. We became close since then, he’ll invite me for lunch and we’ll eat together. Pero hindi ko rin talaga mapigilang hindi mapaisip.
Sino kaya ang binibigyan nya ng mga bulaklak na ‘yon? To think that he has a girlfriend makes my heart prickled.
“Ms. Cherry!” tawag sa ‘kin ni Aleeza.
Kapagkuwan ay saglit akong natanga sa kinatatayuan ko. Hanggang sa lumapit na sa pwesto ko si Aleeza, bumulong sya at sinabing magc-CR lang daw. Kaya naglakad na uli ako papuntang counter. At ramdam ko rin ang pagsunod ni Travis sa likod ko.
“So, ilang bouquets nga ulit, doc?” bungad ko sa tonong nang-aasar.
“Doc?” Nakangiting aniya habang napapailing.
Hindi ko alam ngunit sa tuwing tinatawag ko sya ng doc ay laging ganito ang reaksyon nya. Kapansin-pansin ang pagkawili sa kanyang ekspresyon.
Napailing na lang rin ako. Bakit pa ako nagtanong e alam ko na rin naman kung ilan ang lagi nitong order. Stupid me!
“5 bouquets of red roses. Here you go, sir.” sabi ko.
“Thank you, my beautiful deity.”
“Ang bolero mo, doc! Siguro sa mga babae mo ‘yan binibigay.” Pabiro pa ako umiling-iling.
All I heard was his soft chuckles. I pouted. Tingnan mo nga naman talaga oh, hindi nya tinangging sa mga babae nya nga ‘yan. Turn-off na ata ako sa’yo doc.
“What’s your favorite flower, Cherry?” He suddenly asked.
“Bakit bibilhan mo rin ba ako?” Biro ko.
“Just answer me…”
I giggled before answering him.
“Roses.”
“Then roses it is. Pabili ako.”
Wala nang tanong tanong ay inihanda ko ang inorder nya. Hindi ko na inisip na bibilhin nya ‘yon para sa ‘kin. I would never assume unless it is stated.
“Heto na doc.” Inilapag ko na sa counter table ang isang palumpon ng mapupulang rosas.
“Para sa’yo ‘yan.” Hindi man lang...