Title: Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author: Miss J
Kabanata 12
Pagkatapos ng nangyari? Hindi ko alam kung ano ang aking iisipin at mararamdaman. Itong lalake sa aking tabi? Kinapa ko ang aking damdamin, Mahal ko na talaga sya, minahal sa maling umpisa at maling pagkakataon at sana nagkakilala kami sa tamang panahon disin sana wala akong agam agam. Bigla syang humarap sa aking gawi at ” Ano iniisip mo? alam ko na may malalim na dahilan ang pananahimik mo ” saad nya sa akin
Ako na hindi nagaksayang humarap sa kanya, hinayaan ko lang ang aking sarili na nakatihaya pahiga ” Wala naman, iniisip ko lang ang sitwasyon, iniisip ko lang na sana nagkatagpo tayo sa tamang paraan ” buntong hinga ko pa ” kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari o ang mga konsikwensa ng aking ginawa at naging desisyon ”
Si Jay na napahinga ng malalim ” Sana wala kang pagsisisi sa mga naumpisahan na natin, sa mga nangyari sa atin kanina. Alam mo bang alam ko at pinaghandaan ko na itong sitwasyon na to sabi ko sa sarili ko papasukin ko ang...