IT WAS ALWAYS YOU Chapter 15


“Tulong!!Tulungan niyo kami!!!”
Sa may di kalayuan sa gubat,narinig ng mag-asawa ang boses na parang may sumigaw at nanghingi ng tulong.
“May babaeng sumisigaw?!!” sabi ng babae sa asawa niya
Nangangahoy sila sa bukid at napadaan sa malapad at malagong kagubatan.
“Tulungan niyo kami!!!!” patuloy na sigaw
“Baka multo iyan Florentina,maraming sabi-sabi dito na may nagbigti dito sa kagubatan na ito..baka nagmumulto iyan..tingnan mo mag-aalas 3 na ng hapon at ito ang oras ng paramdam nila..” sabi naman ng lalaki
“Ano ka ba Canor?!!huwag mo nga akong takutin ng ganyan..pakinggan mong mabuti,lalaki at babae ang sumigaw..at dinig na dinig ko na hindi iyon multo..guni-guni mo rin iyang multo-multo mo diyan!!!”
“Bahala ka na nga kung ayaw mong maniwala..baka maligaw pa tayo niyan,kung hindi pa tayo uuwi..”
“Naririnig ko pa rin,tara puntahan natin Canor!!”
“Sige,mukhang hindi naman multo ang boses..malapit lang ang boses nila baka doon sa malaking accacia..doon sa pinagbibigtian ng babae noon..” dagdag pabiro ni Mang Canor sa asawa
*****
“Galvin,mukhang malabo na yata na may tao dito na tutulong sa atin..” malungkot...


na saad ni Clarence
“We don’t need to lose hope,manalig lang tayo na hindi niya tayo pababayaan..” sagot ni Galvin at tumingin sa langit
“May tao ba diyan?” tanong ni Mang Canor na dala ang kanyang itak
“Nandito kami!!Please help us!!”
“Ay,nag-English yata ang multo!” mahinang sabi ni Mang Canor
“Canor,tulungan natin sila!!!” sabay lapit ni Florentina sa dalawang taong nakatali sa puno.
“Maraming Salamat po..” mahinang sabi ni Clarence ng matanggal ang tali sa mga katawan nila.
“Malayo po ba ito sa bayan Manong?” tanong ni Galvin kay Canor
“Naku,Iko..napakalayo talaga..at walang masyadong sasakyan na naligaw dito,kinailangan pang lakarin ang malawak na kabukiran dito..teka,ano bang nangyari sa inyo?”
At ikinuwento nila lahat ng nangyari.
“Dito kami pinadpad ng mga kidnapers..malayo po ba ito sa La Fortuna Resort?”
“Saan ba iyan Iko?hindi ako pamilyar sa Resort na iyan baka nga malayo na talaga ang napuntahan niyo..”
“Tara,tumuloy muna kayo sa maliit na kubo namin para makapagpahinga muna kayo..” sabi ni Florentina
“Naku,salamat po talaga sa inyo Aling Florentina at Mang Canor..” saad naman ni Clarence






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top