Shara magkita tayo…
Sent from Messenger
Napalipat siya ng higa nang mabasa ang message. Bakit kaya? Oras ngayon ng pagtulog niya kahit umaga dahil panggabi talaga ang trabaho niya sa isang 24/7 na fast food chain. Nawala ang antok niya. Hindi naman siguro ito mag-aaksaya ng oras para lang makipagkita kung wala lang. Agad siyang bumangon at nagpalit lang ng pants, maayos naman kasi ang pang-itaas niyang t-shirt. Dali-daling niyang tinakbo ang papuntang lrt station na malapit lang inuupahang bahay. Alam naman niya kung saan pupuntahan si Morico.
Tok.Tok.
Nakangiting nagbukas ng pinto si Morico. Alam niya agad na di siya bibiguin ni Shara.
“Mahal…” sabay nilang bati.
“Anong nakain mo at–” sinakop agad ni Morico ang natitirang espasyo para yakapin si Shara. “Miss na miss kita. Dito ka na matulog.”
Tila nakikiliti si Shara sa pakiusap nito kaya gumuhit ang kakaibang ngiti.
“Gusto mo ba iyon?”
Nagbitaw sila sa isa’t isa. Napalunok pa si Shara nang tumunog ang lock ng pinto at saka sa nakakalokong ngiti ni Morico.
“Let’s hide under my blanket until midnight.” mahinang bulong nito sa dalaga.
Pakiramdam ni Shara ay namumula siya. Mainit. Nakakapaso ang bawat minuto. Napakagat-labi pa siya nang maisip ang kahulugan niyon.
Napaatras si Shara habang humahakbang naman papalapit si Morico hanggang madama na ng likod niya ang pintuan na kanina lang ay alam niyang sinarado ng kasintahan.
“Mahal, stay where you are!” pikit-matang banta ni Shara.
“Paano kung ayaw ko?” nanunuksong tanong ni Morico.
Nag-isip ng alibi si Shara pero ayaw gumana ng utak niya sa ganitong sitwasyon kasabay ang isang alaala kung paano nagsimula ang lahat sa kanila ng kasintahan.
3 years ago….
Guadalupe MRT Station.
“Ay miss next train ka na lang nagmamadali kasi ako,” pakiusap ng binata sa dalaga. Isa na lang talaga kasi ang kakasya. Walang nakuhang sagot si Morico kaya nag-isip pa siya ng idadahilan.
“Miss pakiusap naman, iinom na ng gatas ‘yong anak ko at siguradong umiiyak na ‘yon,” maling palusot pero hiling ni Morico na sana ay gumana. Muli lang siyang tinitigan ng dalaga habang pareho na silang nakahawak sa pinto ng tren. Sila na lang ang hinihintay kaya di pa ito nagsasara. Nagbubulungan na nga ang mga tao sa loob.
”Miss maawa ka naman, naghihintay na talaga ang mag-ina ko at saka mas kasya ako sa loob,”
Tama naman si Morico kasi sa kapayatan niya kaysa sa dalagang medyo malaki ang katawan sa kanya.
Dito na nagsalita si Shara. “Ikaw na. Sige na, basta wag mo lang ipagduldulan na payat ka,” mahina ngunit halatang naiinis.
“Thank you, Miss.” sa tuwa ni Morico ay nagnakaw pa siya ng halik sa pisngi nito sabay yakap. Late na talaga siya sa pupuntahan, hindi dahil pamilyado na kundi dahil isa rin siyang empleyado na may masungit na boss.
Natatawa si Shara nang maalala iyon. Lagi naman talaga silang nagkakasabay sumakay ng tren kaya lang iyon lang ang first time na mangyari ang kausapin siya ng binata.
Napabalik siya sa realidad na maramdamang nabuhat na siya ni Morico at hiniga sa nakalatag na kutson.
“Kapag sinimulan ko, hindi na ako hihinto,” nakangiting sabi ni Morico.
“Tulad ba ito kung paano mo ako napasagot?” tanong ni Shara.
Tumango ang binata at tumabi na sa kanya ng higa. Ninamnam nila ang bawat minuto na may ngiti at pananabik.
“Bakit hindi pa kayo magpakasal?” tanong ng tiyahin ni Morico nang maabutan silang magkasama ni Shara. “Nakarating din sa akin ang usapan na dito na natutulog ‘yang nobya mo,”
Hindi nakaimik ang dalawa.
“Wala naman po kaming ginagawang masama,” pagtatanggol ni Shara.
“Naku, ako hindi hadlang sa inyo pero ayokong may masabi ang mga amiga ko at saka ikaw Morico bago mo ibahay si Shara, dapat may basbas na ng pari, malay ko ba kung anong ginagawa ninyo pag kayong dalawa lang,”
Nagkatinginan ang magkasintahan. Tatlong araw na silang magkasama at hindi talaga maiiwasang lumampas sa limitasyon at nitong nakaraang gabi lang ay may namagitan na talaga sa kanila.
“Umuwi ka na muna, hija. Marami pang panahon. Kung date ay date muna, pero kung gusto nang magsama ay pagplanuhan nang mabuti, ayoko ng ganito na basta lang.”
Tumayo na si Shara at nagpaalam nang uuwi. Pagkalabas niya, dito na nagsalita ng kung anu-ano ang tiyahin ni Morico.
“My god! Ano bang nakita mo sa babaeng iyon? Sa totoo lang, ayaw kita sa kanya. Bukod sa wala...
The End.
@she_losa