The Broken Wife
Chapter 3
Ryker
Alas-kwatro pa lang ng hapon ay gising na ang aking diwa. Panggabi ang aking pasok pero sa susunod na buwan ay pang-umaga na ako. Cardiologist ang kinuha ko na kurso sa larangan ng pagme-medisina dahil gusto kong tularan ang yapak ng aking ama. Isa itong tanyag na doctor at nang magretiro siya ay nagpatayo siya ng sarili niyang hospital kung saan ako nagtratrabaho ngayon. Isa rin ito sa mga sikat na hospital sa ibang bansa kaya nagkaroon na ito ng ilang branches. Imbes na ako ang magpatakbo nito ay mas pinili ko ang maging doctor dahil katulad ng aking ama ay gusto ko ring tulungan ang mga taong may sakit sa puso.
Medyo tumunganga muna ako ng saglit sa kawalan habang nakatitig sa ceiling ng aking apartment. Napangiti ako nang maalala ko ang kapit-bahay kong babae. Alam ko na may bagong lipat sa katabi kong kwarto pero hindi ko naman akalain na isang magandang babae ang nakatira roon. Unang kita ko pa lang sa kanya kahapon ay aaminin kong nabighani na ako ng angking ganda niya. Hindi siya nagsusuot ng kahit anong palamuti sa kanyang mukha pero maganda na siya.
Lalo na ang mga mata niya na kung tumitig ay para kang nahihipnotismo rito. Hindi ko rin maiwasang tumitig sa kanyang mga labi. Aaminin ko na gusto ko siyang halikan noong mga oras na iyon. Lalaki lang ako at normal sa akin na ma-attract sa mga magagandang babaeng tulad niya. Kaso napangisi ako nang maalala ko na masungit pala ito.
Napatingin ako sa naipit kong paa at ipinagpapasalamat ko na wala namang nabaling mga buto. Buti na lang at nawala na ang sakit nito dahil kahapon ay halos hindi ko na ito mailakad sa sobrang lakas ng pagkakaipit niya. Natawa na lang ako nang maalala ko ang nag-aalala niyang mukha. Tumayo na ako at nagsimulang maghanda para pumasok sa aking trabaho. Nagtataka nga ang ibang tao bakit ako naninirahan sa isang apartment gayong isa naman akong doctor.
May naipatayo na akong bahay dahil sa aking propesyon pero masyado akong nalalakihan dito at medyo malayo ito sa aking trabaho. Kaya naman lumipat ako sa isang apartment na tama lang ang espasyo sa isang tao. Sa ngayon ay tanging mga katulong lang ang naroon at pumupunta ako roon kapag maluwag ang aking schedule. Isa pa ay mas malapit itong apartment ko sa aking pinagtratrabauhan kaya pinili kong manatili rito.
Nang matapos akong maghanda ay naisipan kong magsulat ng maikling liham para sa masungit kong kapit-bahay. Paglabas ko ng aking apartment ay napangiti akong tumapat sa kanyang pinto at pinasok sa maliit na giwang ng kanyang pinto ang aking sulat.
Pumanhik na ako sa baba at pumunta sa aking sasakyan sabay minaneho ko ito papunta sa hospital. Pagdating doon ay napapatingin sa akin ang maraming kababaihan. Gustong-gusto ko ang atensyon at kilala ako bilang isang babaero. Lalaki ako at natural lang sa akin na maikama ang kahit na sino. Sinisigurado ko naman na palagi akong nagpapa-check-up para maiwasan ang AIDS.
“Oh! Nandyan ka na pala Doc!” masayang bati sa akin ng barkada kong si Jack.
Si Jack ay barkada at matalik kong kaibigan simula ng high school kami. Parehas kami ng kinuhang propesyon pero siya ay isang obstretician. Katulad ko ay babaero rin ang isang ito at isang dahilan niya kung bakit siya naging obstretician ay dahil sa mga babae.
“Ano nanaman ang sasabihin mo sa akin at ganyan ka ngumiti?” tanong ko sabay nag-time in.
“Punta tayo ng bar mamaya. I want to get laid!” sigaw niya at tinawanan siya ng mga nurse na naroon.
Inikotan ko siya ng aking mga mata. “I think I’ll pass.”
Dumiretso ako sa aking opisina at ibinaba ang aking bag. Nakita ko namang sumandal si Jack sa pintuan.
“Ikaw na matinik sa mga babae gustong mag-pass? Palagi tayong lumalabas at umuoo ka palagi kapag nagyayaya ako.” Humalukipkip siya. “May sakit ka ba?”
Inis akong napatingin sa kanya. “Kung wala kang magandang sasabihin lumayas ka rito. Baka hinahanap ka na ng mga pasyente mo.”
Umiling siya. “Nah! Palagi na lang akong nakakakita ng buntis. Kung minsan nagsisisi ako na ito ang kinuha kong kurso.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ko na kasalanan iyon. Palibhasa kasi gusto mo lang makakita ng mga hiyas ayan tuloy mukhang nagsasawa ka na. Karma na ang tawag diyan.”
Napasimangot siya. “Ang sungit mo ngayon. You’re no fun bro. Makaalis na nga. Magkita na lang tayo mamaya. Oh, by the way, hindi pa ako...