Lahat ba na ipinanganak sa mundo ay may kaakibat na problema?
Ayusin nyo ang pila nyo madali!!!!!sigaw ng isang mataba ngunit sopistikadang babae sa mga dalagang nahuli ng kanilang grupo.
Ni isa’y walang imik habang chenicheck ang kanilang health status,buhok,maging talampakan, hininga at pati amoy ng katawan ay di nakaligtas sa maliit na machine na hawak hawak ng balbasing lalaki.
Nilalagay sa kanan ang mga qualified samantalang sa kaliwa ang disqualified.
Simple lang ang pangarap ni Madeline sa buhay.Ang makasama lamang nya ang kanyang dalawang kapatid at mga magulang ay kontento na sya.Ngunit nagbago ang lahat ng lusubin ng mga di kilala at armadong kalalakihan ang kanilang baryo.
Pinagpapatay ang mga kalalakihan samantalang binibihag ang mga dalagang anak ng bawat pamilya.
Kitang kita ni Nadeline kung paano patayin ang kanilang butihing ama sa kanilang harapan.Ipinagtanggol lamang sya nito sa dalawang lalakeng...