Pagpasok ko nang bahay,naabutan ko si inay na tinitingnan ang damit pambaby at lampin na lumuluha ang mga mata.
Inay bakit ka umiiyak,pag alala kung tanung..
Wala anak naalala ko lang itong damit na suot mo nung baby ka pa.
Tumingin ako kay inay at ngumiti,pero nagulat ako sa sunod niyang sabi.
Anak itong suot mong damit nung nakita kita sa kakahuyan.
Ano ho,inay! Ano hong Nakita gulat kung tanung.
Anak patawarin mo ko kung ngayon ko lang sinabi sau hindi ako ang tunay mong ina,anak.
Nakita lang kita sa kakahuyan malapit sa tinitirhan ko noon.
Inay may sakit po ba kayong naramdaman inay,wag naman kayong magbiro nang ganyan inay humahagolhol nku sa iyak.
Anak totoo ang sinabi ko,hindi ako ang tunay mong ina!
Sabi ni inay na umiiyak narin ito.
Sinasabi ko sayo to ngayon anak kasi pakiramdam ko di naku magtatagal.
Natatakot akong mawala na di man lang nasabi sayo ang totoo.
Tama na inay,sigaw ko.
Hinding hindi ka mawawala at hindi totoong hindi mo ko anak.
Bawiin mo sinasabi mo inay,hagulhol kung iyak..
Niyakap ako ni inay nang mahigpit.
Patawad anak patawad..
Pagkatapos ang usapan namin yun ni inay lumabas muna ko nang bahay.
Tulala at iniisip ang sinabi ni inay..
Kung hindi si inay ang totoong ina ko,sino mga magulang ko.
Bakit nagawa nila akong iwan sa kakahuyan..
Bakit ganun GoD, ok lang sakin tanggap ko na, na wala akong ama pero bakit kailangan ko pang malaman na ang inay kong sobra kung minahal ay hindi ang totoo kung ina..
Habang iniisip ko yun ang sakit sakit nang puso ko..
Ayoko,ayokong isipin na ang inay ko ay hindi ko totoong ina.
Ang inay ko lang ang nag iisang inay ko,siya ang nagluwal sakin at wala nang iba..
Kinaumagahan ay maaga ako gumising para pupunta nang palengke,pagkatapos kong gawin ang lahat nang gawain sa bahay ay nagpaalam narin ako kay inay..
Inay punta muna ko nang palengke para itinda itong mga kakanin..
Anak galit kaba sakin o nagtampo kaba sakin anak..
Inay kahit anong gagawin nyo o sasabihin ,hinding hindi ako magtatampo sayo o magalit inay,kasi mahal na mahal kita tyaka ko niyakap si Inay.
Anak mahal na mahal din kita yan ang lagi mo tandaan..
Sa Mansyon nang mga Fernandez.
Mabilis na pumasok si mang romy sa mansyon para sabihin kay Don Federico ang ibabalita niya.
Siguradong matutuwa nito si Don Federico at baka bigyan pa ko nang reward ngiti nitong sabi sa sarili.
Nang bigla siya kinamay ni Madam Mariel na nasa gilid nang bahay nakatayo.
Agad naman lumapit si mang romy kay madam mariel.
Madam Mariel bakit po,agad nitong tanung nang makalapit na.
Ah ei,romy wala kasi ngayon si Don Federico sakin mo na lang daw sabihin, ang sasabihin mo sa kanya..
Pero madam..
Hindi na natuloy ang sasabihin ni mang romy nang iniabot ni Madam mariel ang bag,laman nang maraming pera.
Yan daw reward mo,pinabigay ni Don federico.
Kalahating milyon yan,umuwi ka daw nang probinsya niyo gamit ang perang yan.
Para gumaling na nang tuluyan ang asawa mo.
Talaga...