by: Gail Montenegro
Araw ng linggo walang pasok sa trabaho kaya naisipan ni jade na gumala kasama sina clearah at belle ,mga kaibigan na nanaisin nyang makasama kesa sa sarili nyang nobyo ,kung saan sya mas masaya ay doon sya ganoon paman ay sinabi parin nya kay ace para malaman nito ng sa gayun ay hindi sya nito pupuntahan ngayun ,humarap sya sa isang malaking salamin at pinagmasdan ang kanyang sarili ,nakasuot lamang sya ng simpleng outfit skiny jeans na pinaresan ng v-neck shirt at sneakers na sapatapos ,napangiti sya ng makita ang itim nyang cup at agad iyung isinuot sa ulo kahit na basa pa ang kanyang buhok “astig..!” Bulalas nya sa sarili bago isinuot ang kanyang shoulder bag ,palabas na sana sya ng biglang may kumatok sa pintuan ng silid nya
Bumukas iyun at dumungaw ang ulo ng kanyang daddy ,tuluyan itong pumasok ,kunot nuo syang pinagmasdan mula ulo hanggang paa “saan ka pupunta?” Matamang tanong sakanya ng kanyang ama
“May lakad ako kasama sina clearah at belle ,may problema ba dad” ani nya dito
“Ou..dahil nandyan ang tita claire mo ,gusto la nyang makita anak ,icancel mo ang lakad nyu ng mga kaibigan mo dahil di hamak na mas mahalaga ang bisita mo ngayun kesa sa lalakarin nyu ,tyaka magpalit ka bago lumabas huh ,nagmumuka kang lalaki dyan sa suot mo jade umayus ka’t bilisan mo..harapin mo ng maayus ang mommy ni ace..bilisan mo—”
“Dad nandyan naman po si mom ,kayu nalang muna dahil araw ko ito ,tyaka si mommy naman po ang binisita nya hindi ako” putol nya sa mga sinasabi nito
“Jade mahiya ka naman ,tingin mu talaga ang mom mulang ang ipinunta dito ng tita claire mo eh gusto ka daw nya makita ,basta bilisan mu na dyan ,magpalit ka at sumunod agad ,wag mo silang paghintayin doon anak..” saad nito bago sya mabilis na iniwan
Bagsak ang balikat na napaupo sya sa kanyang kama hinagis ang sobrero sa kama saka ginulo ang kanyang buhok ,wala syang magagawa kundi harapin ang bisita nila ,kaya mabilis nyang tinungo ang dressingroom at agad na nagpalit ng dress kagaya ng gusto ng kanyang dad at baka mayare sya dito oras na tokong ang isuot nya katulad ng nakaraang bumisita ito at ang asawa nito, pagkauwing pagkauwi nila ay sermon ang inabot nya sa magulang dahil sa isinuot nya
“Jade… ano na, antagal mo!!” Boses ng kanyang ina kaya nagmadali syang lumabas agad ng maisuot ang kanyang sandals
“Mom ,hindi kayu makapaghintay kainis naman..” maktol nya sa kanyang ina
“Antagal mo kasi kanina kapa hinihintay ng tita mo ,halika na nga..” kaladkad sakanya ng mommy nya “pasensya na best at napakakupad ng anak ko..” rinig nyang sabi ng mommy nya
Inirapan nya ang likod ng mom nya na huling huli naman ng tita claire nya ,nginitian lamang sya nito saka inayang umupo sa tabi nito na kaagad naman nyang ginawa “pasensya na ho tita natagalan ako!” Hinging paumanhin nya dito ,hinawakan ng ginang ang isang palad nya saka pinagsalikop sa pagitan ng palad nito
“Angsaya ni ace pag uwi nya kagabi ,sinagot muna ba ang propose nya tungkol sa pagpapakasal nyu..” nakangiti nitong tanong sakanya
Umawang ang bibig ni jade dahil sa narinig ,wala pang nababanggit sakanya si ace pero hindi nya alam na may ganoong plano pala ang kasintahan ,mariin syang napapikit saka muling nagmulat at nilingon ang kanyang ina ,”pero wala pa ho kaming napag uusapang ganyang bagay tita ,alam nyung...