What a Girl wants ππ₯°
π¬ CHAPTER FOUR π¬
(MAY SAKIT ka daw sabi ni Tita. I hope you will get well soon. I miss you — β€οΈ Reymart.)
Walang buhay na tinignan ni Claribelle ang text message ng boyfriend habang nakaupo sa kama sa kuwarto. Hindi niya alam kung tatawagin pa ring “boyfriend” o “dating boyfriend” si Reymart. Nilingon niya ang pink rose na nakalagay pa sa flower vase at ang basket ng prutas na paborito niya. It was supposed to make her feel better. Pero lalo lang bumigat ang pakiramdam niya.
“Anak, papasok ka na ba ng school?” tanong ni Aling Myrna nang puntahan si Claribelle sa kuwarto at naabutang nakabihis na. Sinalat nito ang kanyang noo. “Parang may sinat ka pa rin.”
“Kaya ko na po.” Malungkot siyang ngumiti. “Kailangan ko pong kayanin dahil may ipapasa pa po akong mga project. Naghahabol po ako sa president’s list para po mas malaki ang allowance na makuha ko sa scholarship. Bawal pong umabsent.”
Hindi nakapasok nang nagdaang araw si Claribelle dahil nilagnat siya. Mabuti na lang at mabait ang professor nila at in-excuse siya. Hindi niya inaakala na pwede pala siyang maka-experience ng physical pain dahil lang brokenhearted. Parang ayaw na niyang bumangon. Hindi niya alam kung paano mag-function nang normal. Sa loob ng tatlong taon ay may mga pinagdaanan na silang pagsubok ni Reymart. Mula sa pagtatago nila ng relasyon sa nanay niya hanggang sa pagtutol ng mama ng binata.
“Nag-aalala si Reymart dahil hindi mo raw sinasagot ang tawag sa iyo ng PA niya,” sabi ng nanay niya at inayos ang kuwelyo ng kanyang polo shirt. “May problema ba kayo?”
Umiling si Claribelle. “Wala po. Iwas-radiation lang po kaya hindi po muna ako humahawak ng cellphone.”
“Nagustuhan mo raw ba yong mga bulaklak? Ibinilin niya sa akin na kainin mo raw ang mga prutas na padala niya. Magbaon ka kaya? Hindi mo man lang binawasan itong mga prutas.” Kumuha ito ng orange π at mansanas π mula sa basket. “Isusupot ko lang ito at nang makapagdala ka. Buti nga inaalala ka ng nobyo mo. Parang abala siya sa trabaho. Sunod-sunod ang commercial niya.” Sandaling umalis ito at nang bumalik ay nakalagay na sa isang supot ang mga prutas. Saka inilagay sa bag niya.
Ngumiti nang tipid si Claribelle. “Aalis na po ako, Nay.”
“Sagutin mo na ang tawag ni Reymart para hindi na siya mag-alala.”
“Opo,” sabi na lang niya. Bigat na bigat siya sa bag na nakasukbit sa balikat na parang hollow blocks ang dala-dala samantalang iilang pirasong prutas lang ang nandoon.
Alam ni Claribelle na bumabawi si Reymart sa mga pagkukulang sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak at prutas, pagte-text at pagtatangkang tumawag. Dati ay nagmamadali siyang sagutin ang simpleng text nito. Nawawala ang tampo niya sa matagal nilang pagkakalayo kapag nagtext na ito.
Pero marami nang nagbago sa pagtingin ni Claribelle sa relasyon kay Reymart. Hindi na sapat ang mga bulaklak lang para gumaan ang pakiramdam niya. Kailangang maging malinaw sa lalaki kung saan siya nakatayo sa relasyon nila. Siya ang girlfriend nito. She deserved better.
Hanggang kailan ba niya iintindihin si Reymart? Hanggang kailan siya nito babale-walain? Hanggang kailan siya itatago? Hanggang kailan siya masasaktan? Pinakamasakit sa kanya na malamang may ka-date na ibang babae si Reymart sa mismong anniversary nila. Kahit pa sabihing fake ang date na iyon, ang masakit ay hindi man lang naalala ng lalaki ang mahalagang okasyon sa relasyon nila.
Hindi regalo ang kailangan ni Claribelle. Kahit nga hindi na sila magkita kung masyado itong busy. Pero gusto niyang maramdaman kung paano maging totoong girlfriend ni Reymart. Sawa na siyang laging mag-effort para sa binata. Sawa na siya na lagi na lang nagbibigay. Gusto naman niyang maramdaman na importante siya para dito. Pero sa ngayon ay ayaw niyang umasa. Hindi madaling maayos ang relasyon nila. Ni hindi niya alam kung paano magpapatuloy ang relasyon nila sa paraang gusto niya nang hindi naaapektuhan ang career ng binata.
Parang zombie na naglakad sa campus pathwalk si Claribelle. Napapansin niya ang naaawang tingin at pagbubulungan ng mga nakakasalubong na estudyante. Nagtaka siya. Alam niyang may sakit siya at hindi pa maganda ang pakiramdam. Pero ganoon ba talaga kasama ang itsura niya para pagtinginan at pagbulung-bulungan ng mga ito?
Isa sa mga kaklase ni Claribelle sa Research Development ang lumapit sa kanya.
“Belle, okay ka lang ba? Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa iyo.”
“Nangyari sa akin?” nagtatakang tanong niya.
“Mawawala rin ang sakit sa tamang panahon. Naiintindihan ko dahil pinagdaanan ko na rin iyan. Masakit talaga,” madamdaming sabi ni Rosalie habang sapo ang dibdib.
Ikiniling ni Claribelle ang kanyang ulo. Naguluhan siya sa sinasabi ni Rosalie. Lagnat lang ang sakit niya. Bakit kung magsalita ito ay parang inoperahan siya sa balumbalunan o kaya ay may taning na ang buhay? Lahat naman ay dumadaan sa pagkakaroon ng lagnat.
“Okay naman na ako. Ininuman ko na ng gamot,” sabi niya.
Hinawakan ni Rosalie ang balikat ni Claribelle at malungkot na tinignan sa mga mata. “Alam mong hindi nakukuha ng gamot ang sakit na nararamdaman mo.” Binigyan siya nito ng pamphlet. “Heto. Pumunta ka dito.”
Binasa niya ang pamphlet. “Bible study?”
Tumango si Rosalie. “Pagagalingan ng Panginoon ang sakit na nararamdaman mo. Magdala ka na rin ng pastillas bukas ng gabi, ha?”
“O….kay. Salamat,” sabi ni Claribelle at naglakad na palayo. Weird pero wala sigurong masama kung umattend siya ng Bible study kaysa nagmumukmok dahil kay Reymart. Papasok na siya sa classroom nang muntik nang mabangga dahil may nakaharang pala sa tabi ng pinto. Napaurong siya at tiningala ang nakaharang.
“Alex, sorry. Di ko alam na may tao pala.”
“Hinihintay talaga kita,” sabi nito sa suwabeng boses. Varsity player ang lalaki sa university at hindi naman siya pinapansin dati.
“Bakit? May problema ba?”
“Sabi nila, nakikita mo ang totoong ganda ng isang babae kapag nasasaktan siya. Maganda ka pa rin kahit na nasasaktan.”
Napanganga si Claribelle. “Ha?” (May sapak ba ito sa utak? π€ Ano ba ang sinasabi nito?) “Ano yan? May sapi ka ba?”
Biglang hinawakan ni Alex ang dalawang kamay niya. “Kung kailangan mo ng gagamot sa puso mong sugatan, nandito lang ako para sa iyo.”
Nahindik si Claribelle at dali-daling binawi ang kamay. “Ano bang sinasabi mo?” Paano nito nalaman na bigo siya? This day was becoming weirder and weirder each minute.
“Nakita ko kasi sa video mo ng pastillas na bitter,” sagot nito.
“Video ko ng pastillas na bitter?” tanong ni Claribelle. “Anong video ng pastillas? Wala naman akong video ng pastillas,” Hindi ba’t nag-epic fail nga ang video niya? Malamang ay gumawa ng ibang video sina Marie at Edmark.
“Hindi ba video mo to?” tanong ni Alex at iniabot ang tablet.
Pinanood ni Claribelle ang video. Iyon ang bagong episode ng “Cooking with Love” at siya pa rin ang nasa video. Ang siste, naka-upload doon ang pastillas episode na hindi naman niya nagawa nang tama dahil nag breakdown na siya at nag-iiyak.
Parang binabangungot nang gising si Claribelle nang makita na pati pag-iyak niya at pagsalampak sa sahig ay nasa video rin. Wala nang pinatawad. Wala nang natira sa dignidad niya. It was supposed to be her private moment. Her private misery. Tapos, kumalat at napanood na ng mga tao. Ilan na kaya ang nakapanood? Halos manlaki ang kanyang ulo nang makitang nasa fifty thousand views na samantalang dati, wala pang one thousand views ang nakukuha ng mga project nila. At parang dumadami pa ang views.
“No! bulalas ni Claribelle. (Hindi pwedeng mangyari to! π§) Hindi iyon simpleng pagkakamali lang. Kailangang magbayad ang may sala. “Edmaaaaaaaaaaarkkkkkkk!!!”
π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬
MADILIM ang anyo ni Claribelle nang sumilip sa classroom para tignan kung dumating na sina Edmark at Marie. Nagkukwentuhan pa ang mga kaklase nila na biglang natahimik nang makita siya saka nagbulung-bulungan. Hindi na...
next po please
your.name
magada
maganda