What a Girl wants ππ₯°
π¬ CHAPTER NINE π¬
“THAT is so classy and so perfect, my dear. You got the heart of the press. Hindi ako nagkamali sa desisyon ko na piliin ka. You are pretty smart,” sabi ni Kara na nagniningning ang mga mata. Parang nakakita ng diamante sa katauhan ni Claribelle.
“Thank you po,” kiming sagot niya.
Katatapos lang ng press conference para sa show at bukas na ang simula ng taping nila. Sa ngayon ay wala pang ipinapakitang mukha ng mga lalaking mag-aagawan sa puso ni Claribelle. Puro lower-half lang ng mukha o ang pangangatawan ng mga lalaki pati ang iba’t ibang activities na hilig ng mga ito ang ipinakita sa trailer. Kinakabahan tuloy siya.
“Even our host Vhon likes you. You are very professional at hindi ka raw nagpa-fan girl sa kanya, unlike other searchers.” Umikot ang mga mata ni Kara. “Hindi pa man nagsisimula ang program, they are already asking to hook up with him.”
“H-hindi naman po ako ganoong klaseng babae.”
Pinisil ng babae ang balikat ni Claribelle. “Don’t worry. Marami kang guwapong admirers. Makikilala mo na sila bukas. Ready ka na bang tumira sa mansiyon?”
Pinagsalikop niya ang mga kamay. “Ma’am Kara, uhm….. Hindi ko lang po alam. Hindi po ako sanay na malayo sa bahay namin. Parang hindi po natural.”
Kumunot ang noo nito. “Our dating game is grand. You will be depicted as a princess. Like Cinderella. We can’t afford to see you living in a small apartment. Mahihirapan ang mga staff natin sa pag-shoot. How about this? You will still live a normal life. Kasama mo naman ang nanay mo sa bahay, diba? And the staff will take care of you. Makakalabas ka pa rin kasama ang mga kaibigan mo kung walang shoot.”
Hindi naman 24/7 na may nakasunod na camera sa kanya dahil ang mas focus ng program ay ang mga “suitor” niya. Kailangang makita ng mga tao kung ano ang ginagawa ng mga ito. One month ang itatagal ng programa. Sa pagitan niyon ay pwede raw mag-OJT sa radyo si Claribelle at iko-cover din iyon ng programa. Two birds with one stone. Pati ang mga kaibigan niyang sina Edmark at Marie ay secured na rin sa OJT at paminsan-minsan pa niyang makakasama sa programa kahit interns pa lang ang mga ito.
Pero ngayon pa lang ay hindi na makahinga si Claribelle. Hindi totoong normal pa rin ang buhay niya. Public property na siya ngayon. Kailangan niyang maging maingat sa mga kilos. Mas malala pa iyon kaysa noong lumabas ang pastillas video niya dahil araw-araw na siyang makikita sa national TV.
“Pwede po bang lumabas muna kami ng mga kaibigan ko ngayon? Kakain lang po kami,” paalam ni Claribelle kay Kara.
“Of course, my dear. Isama mo si Abegail,” sabi nito at ngumuso sa researcher dati na ngayon ay tumatayong PA niya. Magkasundo kasi sila ng babae at dahil mas matagal na niyang kilala ay mas komportable siya rito.
π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬
SA ISANG Italian restaurant sa Tomas Morato sila kumain na magkakaibigan. Hindi sila gaanong nakakain sa presscon dahil na rin sa dami ng ginagawa. Nasa kabilang mesa si Abegail kasama ang driver para may privacy silang magkakaibigan.
“Ang bongga mo, girl. Kalalabas lang ngayon ng trailer ng “You Are The One For Me”. Gosh! Kinikilig ako,” sabi ni Marie na cake agad ang binanatan dahil kailangan daw nito ng sugar pagkatapos ng maraming trabaho sa presscon. “Para kang prinsesa habang nasa garden at parang pati ang sun rays ay sumusunod sa iyo.”
“Parang yummy ang mga boys kahit hindi pa ipinapakita ang buong mukha nila. Akin na lang yong mga aayawan mo, friend,” ungot ni Edmark.
“Pahati din ako ng biyaya,” pakiusap ni Marie.
“Mga sira talaga kayo,” umiiling-iling na sabi ni Claribelle. Pagdating sa mga lalaki ay alerto ang mga kaibigan.
“Okay na ba si Tita dito sa show mo? Wala siya dito ngayon,” tanong ni Marie at luminga sa paligid. “Nagtatampo pa rin ba?”
“Ayaw sana niya pero wala naman siyang magagawa dahil nasa tamang edad na ako. Parte raw ito ng mundong pinasok ko. Gusto ko sanang kasama siya sa presscon pero gusto niyang bumalik sa trabaho. Kailangan niyang ibilin ang paggawa ng pastillas sa mga tauhan niya at may mga delivery pa.”
Nakabayad na sila sa utang sa tulong na rin ni Kara. In-advance ang bahagi ng talent fee ni Claribelle para daw hindi na mamroblema ang nanay niya pagkapirma ng kontrata. Pero parang hindi tanggap ng nanay niya ang paraang naisip niya. In-assure ito ng grupo ni Kara na iingatan siya ng programa. Mas subtle ang concept ng naturang dating game kompara sa “The Bachelor o The Bachelorette” ng Amerika dahil mas conservative ang audience sa Pilipinas. Si Reymart nga ay ilang buwan din siyang niligawan bago niya sinagot. Hindi iyon nagbabago sa kanya. Kahit nasa legal age na, hindi niya kalilimutan kung paano siya pinalaki ng ina.
Iba’t ibang challenges ang haharapin ng mga manliligaw ni Claribelle para makuha ang kanyang puso. Inihahanda na rin niya ang sarili sa mga mangyayari sa likod ng camera. She was working with a team now.
“Alam na ba ni Reymart ang tungkol dito?” tanong ni Marie.
“Siguradong magre-react iyon. Wala pa kayong three months na break,” paalala ni Edmark. “Lalo naman ang nanay niya. Siguradong titirik na naman ang mga mata ng ex-biyenan mo.”
“This is my life. Break na kami ni Reymart. Ano pang kailangan nila sa akin?” pagngingitngit ni Claribelle. Three months ngang hindi nagpaparamdam sa kanya si Reymart. Wala nga itong panahon sa kanya noon, lalo naman ngayong hiwalay na sila.
“Ibahin na lang natin ang usapan. Tignan natin kung ano ang sinasabi ng netizens tungkol sa program mo. Gusto mo, unahin natin ang reaction ng mga best friend mong sina Jessa at Venus?” nakangising tanong ni Marie. “Kunwari, ipinagmamalaki ka ng mga bruha. Friends daw kayo at sa kanila ka kumuha ng pagiging classy lalo na’t galing ka raw dati sa squatter’s area.”
“As if may kontribusyon siya sa improvement mo. Sila nga ang kontrabida sa buhay mo. If I know, inggit na inggit sila sa iyo,” sabi ni Edmark. “Ngayon naman, sumasakay sila sa kasikatan mo. Ang kakapal ng face.”
Nag-ring ang cellphone ni Claribelle at nagulat nang makitang si Reymart ang tumatawag. Ano ang kailangan nito? “Pupunta muna ako sa restroom,” paalam niya sa mga kaibigan. Tumayo na siya at nagmamadaling pumunta sa restroom. Nanginginig ang kamay niya nang sagutin ang tawag. “Hello, Reymart?”
“Claribelle, pwede ba tayong magkita?”
“What for?” tanong niya sa malamig na boses.
“I think we need to talk. Nakita ko ang commercial ng show mo. Y-you are joining the dating game?”
“Ngayon mo lang ako naisipang kausapin dahil sa dating game? Ano to? Aawayin mo ba ako dahil sasali ako sa dating game?” Sinapo niya ang noo. “Kung aawayin mo ako dahil diyan, never mind. I am busy. At sa palagay ko, mas busy ka kaysa sa akin.” Break na sila. Wala nang karapatan ang lalaki na komprontahin siya kung anuman ang gusto niyang gawin.
“Claribelle, I want to see you. Please? H-hindi mo ba ako gustong makita?”
Parang marshmallow na nadarang sa apoy ang puso ni Claribelle. Akala niya ay kaya niyang magmatigas pagdating kay Reymart. Pero oras na makiusap na ito, hindi niya alam kung paano humindi. Isa na lang siyang mahinang babae.
Huminga siya nang malalim. “Fine. Let’s talk.”
“Nasa cafΓ© ako sa Maginhawa Street.” Ibinigay ni Reymart ang address ng naturang cafΓ©. “Hihintayin kita dito.”
“Okay,” sagot niya at tinapos na ang tawag, saka bumalik sa mesa nilang magkakaibigan. “Guys, pwede bang umalis na ako?”
“Saan ka pupunta?” tanong ni Edmark. “Uuwi ka na?”
“Tumawag si Reymart. Gusto niyang makipagkita,” pabulong na sagot niya at saka luminga sa paligid.
“Akala ko ba wala ka nang pakialam sa ex mo?” tanong ni Marie na pinanlakihan siya ng mga mata.
“Kailan ba naman nawalan ng pakialam iyan sa ex niya?” sabi ni Edmark.
“I think……. I think inaalala niya ang pangalan niya na posibleng madawit sa pagsali ko sa dating game.”
“Wag kang mag-alala, friend. Susuportahan ka namin. Kahit naman hindi kayo happy ending, Team Reymart pa rin ako,” sabi ni Edmark.
Tumango naman si Marie.
Nagpaalam si Claribelle kay Abegail pero pinasama nito ang driver para daw may maghahatid sa kanya. Wala siyang choice dahil baka magkahinala pa ang babae kung ipipilit niyang mag-isa. Magta-taxi na lang ito at ang mga kaibigan niya.
π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬π¬
ALAS-DOS pa lang ng hapon kaya mangilan-ngilan pa lang ang bukas na mga kainan sa Maginhawa Street. Mas buhay raw ang lugar na iyon kapag gabi.
“Manong, magkape po muna kayo dito.” Inginuso ni Claribelle ang isang tindahan na katabi ng cafΓ©. “Papasok po muna ako sa loob.”
Tumango naman ang driver.
Parang walang tao at sarado pa ang Green CafΓ© dahil may “Close” sign na nakasabit sa pinto. Pero naririnig ni Claribelle na may music na nanggagaling mula sa loob. Nang itulak niya ang pinto ay bumukas naman kasabay ng pag-ring ng bell. Walang tao sa loob. Hindi halata na restaurant ang lugar. Mas mukha iyong bahay. Napaka-cozy. May yellow couch sa gilid, gawa sa hardwood floor ang sahig, at may mat para sa low table kaya pwedeng sumalampak.
Nang lumingon si Claribelle sa kaliwa, nakita niya si Reymart na tumutugtog ng piano. Hindi siya agad nakagalaw sa kinatatayuan. Isa sa mga talent ng binata ang pagkahilig sa musika na madalang namang maipalabas sa telebisyon. Sa iilang pagkakataon lang nito naipakikita ang talento.
Tinutugtog ni Reymart ang kanta ng...