𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄: (MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
CHAPTER 2
“Hoy! Misale, nasaan na ang pagkain? Tanghali na hindi kapa nakapag luto? Abay anong ipinagmamalaki mo Jan, huh? Wala ka na ngang kwenta at palamunin lang hindi kapa maaasahan sa gawaing bahay!” Pagtatalak ng kanyang ina. Kakauwi palamang nito galing sa bahay ng kasintahan nito.
Naalimpungatan si Misale sa ingay na gawa ng kanyang ina. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil pumipintig ito sa sakit at kumakalam ang kanyang sikmura. Hindi siya maghapunan kagabi dahil wala ng bigas at wala ding pera na iniwan ang ina sa kanya.
Pinilit niyang bumangon kahit na walang lakas ang kanyang mga binti marahil ay epekto ito sa subrang gutom. Hindi na niya nagawa pang mag ayos ng sarili.
“Pasensya na po ma. Wala na po kasing stock na pagkain diyan at hindi ako nakapamalingki dahil wala ka namang pera na iniwan sa akin at wala din akong pera.” pagdadahilan niya sa mala lion niyang ina.
“Pasensya nanaman, puro nalang pasensya! Hindi nakakabusog ang pasensya mo! Abay ako pa ang May kasalanan ngayon? Kung naghanap ka ng trabaho tutal malakas naman iyang mga buto mo! Disisais kitang pinalamon at sana naman mahiya ka!” nanggalaiting sigaw nito sa kanya at tinampal tampal ang kanyang payat na braso.
“Hayaan niyo po mama, maghahanap ako ng trabaho ngayon. A-absent nalang muna ako sa aming klase.” humihikbing turan niya at saka tinalikuran ang inang walang humpay sa pag irap sa kawalan.
“Huwag mo akong iiyak-iyakan, Misty Alejandra. Hindi mo ako madadala sa iyong pagdadrama.” striktong sabi nito at muling lumabas ng bahay.
“S-saan p-po kayo pupunta mama?” nahihirapan niyang tanong sa ina.
“Babalik sa bahay ng aking nobyo, wala namang pagkain sa litsing bahay na to!” asik ng kanyang ina.
Tuluyan siyang iniwan ng kanyang ina na hindi manlang tinanong kung kumusta siya. Napaupo siya sa sahig dahil sa labis na panlalambot ng kanyang mga paa.
Dahan-dahan siyang gumapang patungo sa kusina upang kumuha ng tubig at uminom pantawid ng kanyang gutom na nararamdaman.
Nakaubos siya ng dalawang tubig at nabawas bawasan ang pagkalam ng kanyang sikmura. Nilibot niya kanyang paningin sa kabuuan ng kusina para maghanap ng pwedeng kainin habang nakaupo parin sa sahig.
Nakita niya ang naninigas na kanin sa rice cooker na walang takip. Nagniningning ang kanyang mga mata at sinubukan niyang tumayo dahil medyo bumalik na ang kanyang lakas.
Nilagyan ng tubig ang kanin at muling niluto. Hindi na inisip na maaring ilang araw. Hindi pa naman panis.
Nang lumambot na ang kanin, inihain na niya ito at pinalamig ng kaunti. Takam na takam niyang tinitigan ang medyo panis na na kanin.
Tiniis niya medyo maasim na lasa nito at mas binilisan pang lalo ang pagsubo.
Galing sa mayaman na angkan ang kanyang ina, may malaki itong negosyo ngunit naubos ito pagkatapos siyang ipinanganak ng ina. Dahan-dahang nalugmok ang kanilang negosyo at tuluyang mag hirap.
Isinangla ng kanyang ina ang kanilang mansyon at nangungupahan sa isang bahay kubo na kasalukuyan nilang tinirhan.
Dumighay siya ng napakalakas matapos siyang kumain. Nagbihis ng malinis na damit at lumabas ng bahay.
Nagtungo siya sa karenderya ni Manang Eding. Pansamantala siyang magtrabaho doon upang mayroon siyang pera pang bili ng proyekto niya at pagkain na din.
“Manang Eding!” Tawag niya sa matanda. Lumabas ang nakababatang apo nito na si Alice na naka uniporme na.
Si Alice ay kaklase niya at pinakamatalik na kaibigan na din.
“Oh,...
ehemmm baka na man po creator paki damihan po ang chapter please
next chapter