๐Œ๐ˆ๐’๐“๐€๐Š๐„ CHAPTER 4


๐Œ๐ˆ๐’๐“๐€๐Š๐„: (MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
CHAPTER 4
Hindi mawala ang kaba na kanyang nararamdaman kahit ng makarating na siya sa kanyang paaralan. Tahimik siyang nakaupo sa tabi at nag plano kung ano ang nararapat niyang gawin.
“Lord, huwag niyo po akong ipahamak.” taimtim na kausap niya sa Maykapal habang mariing nakapikit ang mga mata.
Napamulat lang siya ng may tumapik sa kanyang balikat. ” Hoy, pangit. Kanina ka pang tahimik, anong problema mo?” kunot noong tanong ni Alice sa kanya.
Nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya sa matalik na kaibigan ang kamanyakan na ginawa ng nobyo ng kanyang ina.
“Wala naman.” sagot niya at umiling iling pa. Pinili niya huwag nalamang sabihin at isasarili nalamang muna.
“Anong wala? Sinaktan ka nanaman ba ni ante Amelia, huh?” iskandalong tanong nito.
Limang beses siyang umiling para sa tanong ng kaibigan.” Hindi. Ah, pwede bang sa inyo na muna ako makitulog mamaya?” nagdadalawang isip niyang tanong.
“Oh, tingnan mo na. Sabi walang problema tas ngayon sa amin makikitulog. Kung hindi mo sasabihin sa akin, naiintindihan ko. Welcome na welcome ka bahay ngit.” sagot nito.
Napakasarap pala sa pakiramdam na May taong iintindihin ka at susuporta sa iyo sa bawat hamon ng buhay.
***********
(Villareal)
“Kumusta ang pagpapaimbestiga mo, love? Nag wo-work ba?” Tanong niya sa asawa na kakauwi lamang galing sa opisina.
Bumuntong hininga ito. “As for now, isang impormasyon palang ang nakuha. Mukhang may nag kubli sa mga impormasyon na nais natin malaman.” Sagot nito. Napahilot ito sa kanyang sintido. Masyado na siyang nahihirapan sa paghahanap ng impormasyon.
“Try to investigate Misale. I think walang mapangahas na mag tampered sa kanyang impormasyon. You know, wala namang mag-iisip na magka dugo ang dalawa kung totoo man.” suhestiyon niya sa kanyang asawa na nahihirapan na.
Tatlong araw na ang nakalipas mula ng pinapaimbestigahan si Amelia Lopez ngunit isang impormasyon pa lamang ang nakalap nila.
“I’ll try love. Maghahanap ako ng mas magaling na imbistigador. Kahit milyon ang halaga nito basta mapadali lang ang pagiimbistiga ay papatusin ko na. Malaman ko lang ang katutuhanan.” sabi nito na parang nanunumpa sa sarili.
“I want to know the truth, love. Gusto ko na may tawaging anak. Hindi na natin itutuloy ang pag a-adapt. Ngayon na may pag-asa ng makita natin ang bata.” Turan niya sa asawa.
Pareho na silang...


may edad na trentay siyete anyos. Matanda lang ng dalawang buwan si Franklin sa kanya.
“Sana nga mahanap na natin siya para matupad na natin ang pangako natin sa kanya.” sabi ni Franklin na May puno ng pag-asa.
“Sana tumawag si Misale, I really want to keep here, love. Subrang gaan kasi ng damdamin ko sa kanya. Parang matagal ko siyang kilala. I longed her even we just meet her. I can’t explain my feelings towards her. ” Salaysay niya na naguguluhan din sa nararamdaman patungkol sa dalagang si Misale.
Kasing edad din ni Misale ang anak ni Amelia Lopez ngayon kaya sila nag aabalang mag pa imbestiga. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang dalagang nakita nila sa karenderya noong nakaraang araw, ay may malaking papel sa buhay niya Amelia Lopez.
Oo isa itong Lopez at hindi pa sigurado kung konektado ba ito kay Amelia. Pero kung hindi man at kung wala lang itong mga magulang ay hindi sila mag-aatubiling kupkupin ito.
******
Dumating dapit hapon at uwian na. Ang oras na lubos na kinakatakutan ni Misale. Hindi nga siya uuwi ngunit hindi parin mawala ang pangamba sa kanyang damdamin.
“Papahiramin nalamang kita ng damit pantulog at labahan mo nalang iyang uniporme mo para hindi uuwi sa bahay niyo bukas. May drier naman sa bahay kaya hindi ka mahihirapan sa pagpapatuyo niyan. Isali mo na din iyang panloob mo pagkatapos natin kumain mamaya. Wala namang sisilip sayo. Tayo lang naman sa loob ng silid ko kaya safe lang.” alok sa kanya ng kaibigan.
Kanina pa din bumabagabag ang mga bagay na ito sa kanyang isipan at ngayon nasagot na.
“Salamat talaga, pangit ha. Hindi alam kung saan ako pupunta kung wala ka.” taos pusong sabi niya sa kaibigan at medyo naluha pa.
“Asus, huwag ka ngang mag-drama, syempre tutulugan kita. Hindi naman pwedeng pabayaan kita, tinuring na din kita na parang kapatid ko kaya nasasaktan din ako pag nasasaktan ka, Misale.”
Madrama silang nagyakapan sa gitna ng daan pauwi sa bahay nila Alice.
Mabait din naman si Aling Eding sa kanya kaya wala siyang problema. Tutulong nalamang siya sa gawin ng karenderya nito para hindi siya magmukhang palamunin.
Nagkukwentuhan sila habang naglalakad at hindi maiwasan na nagtatawanan sila.
“Misale, dear!” tawag ng pamilyar na boses sa kanya. Sabay silang lumingon ng kanyang kaibigan…..






Share On Whatsapp

"14" Comments
  1. Write more stories, more chapters.

  2. It’s the best time to make some plans for the future and it is time to be happy. I’ve read this post and if I could I wish to suggest you some interesting things or tips. Maybe you can write next articles referring to this article. I wish to read even more things about it!

  3. Glad to be one of many visitants on this amazing site : D.

  4. While this issue can vexed most people, my thought is that there has to be a middle or common ground that we all can find. I do value that you’ve added pertinent and sound commentary here though. Thank you!

  5. Nice piece of info! May I reference part of this on my blog if I post a backlink to this webpage? Thx.

  6. Well, I don’t know if that’s going to work for me, but definitely worked for you! ๐Ÿ™‚ Excellent post!

  7. What i discover troublesome is to find a weblog that may capture me for a minute however your blog is different. Bravo.

  8. I imagine so. Very good stuff, I agree totally.

  9. This will be helpful for my family.

  10. Oh my goodness! an amazing article. Great work.

  11. Took me time to read the material, but I truly loved the article. It turned out to be very useful to me.

  12. The sketch is tasteful, your authored material stylish.

  13. ang swerte ni amelia nagkaroon siya ng anak mabait at mahal siya

  14. kung ako kay misale hindi nako uuwe kung may manyakis sa uuwian ko katakot na yan

Leave a Reply


top