๐ ๐๐๐พ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
๐๐ถ๐๐ฐ๐น๐ฎ๐ถ๐บ๐ฒ๐ฟ!!
(๐๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐น๐ถ๐ธ๐ผ๐ ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ผ๐๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ. ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ป๐๐ฏ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป. ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป’๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ.)
[โขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโขโข]
Ako si Marie, isang Third year high school na nag-aaral sa isang paaralang madaming bullies. Hindi ko alam kung bakit nila ako binubully, basta ang alam ko lang ayaw nila sa’kin.
“Marie De guzman, akalain mo nga namang napaka tanga moh?! Pinalaki kabang kulang sa aruga?!” Ang inis na sabi ng kaklase kong si Janine. Naturingang class president pero pasimuno ng gulo. Naalala ko nga pala, oo president s’ya kaya malamang pasimuno nga talaga s’ya.
Nanatili lang akong nakayuko, “Bakit Janine?”. Tanong ko sa kanya.
“Aba! Gago kaba?!” Ang matigas na sabi ni Janine na mahahalata mo talagang galit na galit.
“Ano bang ginawa ko sa’yo?,” Tanong ko rito.
Pero imbis na sumagot s’ya, hinila n’ya ko papuntang cr at dun ay nilublub n’ya ang mukha ko sa bawl.
“Bagay sayo yan, loser!”. Rinig kong sabi nito sakin habang papaalis. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
Nagpasya nalang akong umuwi na lamang. Naglalakad ako ng ilang minuto pauwi nang marating kona ang bahay namin.
Papasok palang ako sa bahay namin ng bigla akong sampalin ni mama at batuhin nila papa pati yung mga kapatid ko.
“Wala ka talagang silbi dito! Ampon ka na nga lang, pabigat kapa samin!” Ang sabi ni mama. Rinig ko namang nagtawanan ang mga kapatid ko.
“Dapat hindi ka na namin inampong bata ka! Malas ka talaga,” Ang sabi ni papa.
“Dapat hindi ka nalang namin inampon para wala na kaming kapatid na pabigat dito!” Dugtong ng kapatid kong si Janna.
Nakayuko lang ako habang pinapakinggan lahat ng mga sinasabi nila sa’kin. Biglang tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.
Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta sa kwarto.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok, nakadungaw ako sa bintana ng bahay namin at nagbabakasakaling pakainin nila ako. Ngunit pinagsarhan nila ako.
Pumasok ako ng paaralan na walang laman ang tiyan. Tulala ako, nang bigla akong tanungin ng guro namin.
“Marie de guzman, mababa na nga ang grades mo at pasang awa ka na nga lang, hindi kapa nakikinig sa akin! Ipapatawag ko ang mga magulang mo!” Ang sabi ng guro namin.
Narinig ko namang nagtawanan ang mga kaklase ko.
Habang nasa klase ako ay hindi ko mapigilang maiyak. “Bakit lahat sila ayaw sa’kin. Ganun ba ko kasamang tao? Ano bang ginawa ko sa kanila? Mahal ba nila ako?,” Ang paulit ulit na naiisip ko palagi.
Recess na namin, nagpunta ako ng cr. Nang makasalubong ko sila Janine pati yung iba naming mga kaklase.
“Ano Marie? Pahiya ka na naman noh? Hahahaha buti nga! Dapat lang sayo yan noh,” Ang matawa tawang sambit ni Janine na ikinatawa ng lahat.
Gaya ng ibang reaksyon ko, nakayuko lang ako. Biglang may kinuha si Janine sa bag n’ya isang liptick at kinalat sa mukha ko na para bang nag dradrawing lang s’ya.
Hindi ko mapigilang maiyak. Iniwan nila akong nasa ganung sitwasyon.
Naisandal ko nalang ang sarili ko sa pader. Sa mga oras na yun nag-iisip na’ko ng hindi maganda. Nasa isip ko na ‘Mawala nalang kaya ako? Baka sakaling matuwa pa sila total wala namang may pakielam sa’kin!’.
Pumunta ako ng rooftop at pumunta sa dulong bahagi nito. Nag-iisip na’kong tumalon.
Tatalon na sana ako ng pagka talon ko biglang may humablot sa’kin at natumba kami. Tumayo kami at hinila n’ya ako pababa.
“Bitawan mo ko, sino kaba?,” Ang nagtataka kong tanong rito.
“Ako si Jake at hindi kita bibitawan rito!” Ang sabi nito sa’kin.
“Bakit hindi? Wala namang may pakielam sa’kin at tsaka kapag nawala naman ako hindi naman nila ako hahanapin kasi wala namang may paki sa’kin!” Ang mangiyak ngiyak kong sabi dito.
Bumungtong hininga muna s’ya bago nag salita. “Hindi kasagutan ang pagpapakamatay!”.
Naupo kaming dalawa sa bench. Tulala ako at hindi makapag salita.
“Ako nga pala ulit si Jake at ikaw si?,” Tanong nito sa’kin.
“Marie,” Ang sabi ko rito.
Inakbayan n’ya ko at nagsabing “Kaya mo yan! Wag kang susuko, at yang nasa mukha mo. Linisin mo na yan, hayaan mo nalang sila. Makakarma rin sila,”.
Ngumiti lang ako dito. Simula ng araw nayun ay nagkaroon na’ko ng buhay na pakiramdam ko malaya ako. Niligtas n’ya ang buhay ko sa muntikan ko nang pagkitil sa sarili kong buhay.
Nang dumating s’ya, nagkaroon ng buhay ang buhay ko. Makaraang ilang araw ay naging kaibigan ko s’ya.
Napag alaman kong isa pala s’ya sa mga kaklase ko at ngayon ko lang nalaman dahil hindi naman ako madaldal.
“Tabi tayo!” Ang sabi ni Jake.
Ngumiti ako at nagsalita, “Sige,”. Wala naman kasi akong katabi kaya pumayag nakong tabi kaming dalawa.
Sumisilay silay s’ya sa’kin, pag nag tatama yung mga mata namin. Ngumingiti kaming dalawa.
Pero mukhang nakahalata yung president namin kaya sinugod n’ya ko.
“Ano ba Marie? Gago kaba?,” Ang inis na sabi nito sa’kin.
“Bakit?,” Nagtataka kong tanong sa kanya.
Agad n’ya akong sinabunutan at inuntog sa pader. Ultimo nandun yung guro namin pero ni hindi manlang n’ya sinaway bagkus kinachawan pa n’ya. Naiyak nalang ako. Biglang tinulak ni Jake si Janine.
Binuhat ako ni Jake, iniinda kopa rin yung sakit.
“Wag kang kumilos Marie, gagamutin ko yan!” Ang nag aalalang sabi ni Jake.
Sinunod ko s’ya dahil sobrang sakit talaga. Ginamot na n’ya ko at nakahiga ako sa lap n’ya. Bigla akong nakaramdam ng antok.
Nagising akong nakahiga sa upuan at nakita kong si Jake na nag aalala parin ang itsura.
“Ano ayos kalang ba?,” Tanong nito sa’kin.
“Oo ayos lang ako salamat Jake,” Ang sabi ko rito.
Bumalik na kami ng classroom at naabutan naming tahimik ang lahat na nakatingin sa’min.
Nakayuko parin ako habang si Jake ay inaalalayan akong paupo. Habang ginagawa yun ni Jake ay nakatingin sa’min ang lahat.
Pagkatapos ng pangyayaring yun. Naabuso si Janine na palagi akong sinasaktan.
Sa bahay, wala paring pagbabago ganun parin ang pakikitungo nila sa’kin. Pakikitungo nila sa’king isa sa hindi nila kapamilya. Ay! Oo nga pala ampon lang ako.
Minsan nakwento ko nalang kay Jake, hindi ko na kasi talaga kaya.
“Hindi nila ako mahal Jake, ni wala nga silang paki-elam sa’kin. Sino ba naman ako para mahalin diba?,” Ang mangiyak ngiyak na kwento ko dito.
“Mahal ka nila, hindi lang nila pinapakita sayo,” Sabi ni Jake.
Lagi lagi kaming magkasama, lagi rin kaming magkatabi. Lagi n’ya akong pinagtatanggol kapag inaaway ako ni Janine at ng iba pa naming kaklase.
Nagkaroon na nang hinala ang mga kaklase namin.
Nang makapasok kami sa room ay biglang nagkanchawan yung mga kaklase namin.
“Lagi kayong magkasama ahh, ano bang ginagawa n’yong dalawa ha?,” Tanong ng isa pa sa mayabang sa room namin, si Kyle.
“Siguro gumagawa kayo ng milagro noh? Ano Marie masarap ba?,” Ang dugtong pa ni Kyle na kinainis ni Jake.
“Wala kaming ginagawang masama, utak n’yo lang madudumi!” Ang sabi ni Jake. Agad n’ya kong hinila palabas ng room.
Isang araw, recess panun nang pumunta kami ni Jake sa backstage. Habang nasa backstage kami ni Jake, ay umamin s’ya sakin.
“Gusto kita!” Ang sabi ni Jake sa’kin na ikinagulat ko.
“Ha? Jake paan—–,” Naputol ang sasabihin ko nang lumapit sa’kin si Jake at bigla n’ya akong halikan.
Hindi ako nakapumiglas kasi parang nagugustuhan ko ang ginagawa ni Jake na paghalik sa’kin. Nakasandal ako sa pader at hawak hawak n’ya ang magkabila kong kamay.
Tuloy tuloy kami sa ginagawa namin ng bigla akong umiwas sa paghalik ni Jake sa’kin. Tinulak ko s’ya.
Pero agad n’ya akong hinawakan sa bewang ko, isinandal sa pader at halikan ulit.
Kinagabihan, hindi maalis sa isip ko ang nangyari ngayong araw. Hindi ko makalimutan ang halik galing kay Jake.
Nakahawak ako sa labi ko at lihim na napapangiti, o sabihin na nating kinikilig. Ngayon ko lang kasi naranasang mahalikan, at ngayon ko lang yun naramdaman.
“Gusto kita Marie,”. Ang paulit ulit na naiisip kong sinabi sa’kin ni Jake. Hindi talaga ako makapaniwala.
Kinabukasan, papasok palang ako ng paaralan ng makita ko si Jake, kaya agad akong napalihis ng direksyong pupuntahan ko. Pero mukhang nakatunog s’ya kaya sinundan n’ya ko.
“Marie,” Ang rinig kong tawag sakin ni Jake na hindi ko nilingon at nagtuloy...