π—šπ—”π——π—šπ—˜π—§


π—šπ—”π——π—šπ—˜π—§
(π™Ύπ™½π™΄πš‚π™·π™Ύπšƒ)
Ako nga pala si Dana, 18 years old grade 12 students, dahil sa pandemic na nangyayari ngayon ay online class muna, nakakainis nga eh wala akong magandang gadget para sa online class, nakakainis man talagang naiinggit ako sa mga kaklase ko, may laptop at ang mahal pa.
“Anak, wala ka bang pasok?” Napalingon ako sa mama ko.
β€œTsk, ano gagamitin ko wala naman akong laptop para sa online class nayan,” Irita ko sambit.
β€œHa? Diba may bago ka namang cellphone?”
β€œIto? Ang liit liit nito,” Pakita ko sa kanya ang cellphone na binili niya no’ng nakaraang linggo.
β€œHindi ka pumasok dahil lang sa maliit ang cellphone mo?”
β€œAhh basta ibili moko laptop para makapasok ako,” Tumalikod ako.
β€œDana alam mo namang wala tayong pera—”
β€œBahala ka, hindi na lang ako papasok,” naglakad ako papasok sa kwarto ko na hindi kalakihan, hindi maganda bahay namin at hindi Ito malaki, pinagtitiisan ko lang at wala naman ako mapuntahan kung aalis ako dito. I don’t really like this place and I can’t stay here pero wala akong magawa.
Kinabukasan nagising akong hindi ko nakita si mama, umalis siguro palagi naman yon umaalis kaya wala akong pakialam.
Nag tungo ako sa kusina at napangiti ako may ulam na nakahain at paborito ko pa. Sabi walang pero pero may pang adobo karneng baboy, hay nako mama.
Natapos ang online class ko at lumipas ang ilang oras hindi parin bumabalik si mama hapon na ngayon pero wala parin.
Nag Facebook ako, scroll lang ng scroll dahil walang ka chat, hanggang sa napatigil ako dahil sa baguhan na nag viral ngayon lang dito sa fb, video siya kaya na play ko.
β€œNakita mo ba ang pangyayari?” Tanong nang reporter yata.
β€œOo, ang napansin ko nagmamadali naglalakad ang babae patawid siya dito sa pwesto ko kanina galing siya d’yan sa computer shop tapos hindi niya napansin ang sasakyan na paparating,” kwento niya dito. Grabi naman ‘to.
May nakita akong nakahiga na babae nakadapa at dugaan na parang wala ng buhay. Ang rude, kawawa naman ang pamilya nito.
Dumating ang ambulance at sinakay ang biktima, nahagip naman ng camera ang bangkay, bigla nalang nanlamig ang buo kong katawan ng makilala ko kung sino ‘yon.
β€œNakilala mo ba ang biktima?”
β€œOo, narinig ko sa nag uusap kanina,
siβ€”si Melinda Sanchez siguro ‘yon,” Doon na nag unahan tumulo ang mga luha ko at nabitawan ang cellphone na hawak ko.
β€œMama,” sambit ko sa kawalan habang umiiyak. Napaupo ako sa sahig habang yakap yakap...


ang tuhod at doon umiyak ng todo.
‘Hindi! Hindi yon totoo’ pilit ko kumbinsi sa sarili ko.
Ilang sandali pa may dumating na mga pulis tinanong kung dito ba nakatira mama ko at sinamahan nila ako papuntang hospital.
β€”β€”β€”
Dalawang araw na simula ng malibing ang mama ko, nandito ako sa kwarto niya ngayon.
Ngayon lang ulit ako nakapasok dito mula ng mamatay ang papa.
Umupo ako sa kama niya na gawa sa kawayan na may kalumaan na din, banig lang ang sapin niya at kalumaan na kumot.
Napaiyak na naman ako, dahil ngayon ko lang napagtanto ang swerte ko pero napaka walang kwenta kong anak.
Maswerte ako dahil may Ina akong kagaya niya kahit nahihirapan hindi niya ‘yon iniinda basta mapabuti lang ako. Wala akong kwentang anak dahil ‘di ko inisip na nahihirapan din pala siya.
Napansin ko sa maliit na misa ang isang may kalumaang libro. Nang buksan ko ito, diary niya pala.
Diary,
Pasinsya kana kong sayo ko na naman sasabihin ang mga hinanakit ko, ayoko kasi sabihin sa anak ko dahil ayoko masaktan siya. Kahit ganon siya mahal na mahal ko ‘yon, siya lang tanging kayamanan na iniwan ng kanyang Ama na meron ako at ipinagmamalaki ko.
Gusto niya na naman ng laptop, gusto ko ipaintindi sa kanya na naghihirap kami pero ayoko malungkot siya. Kaya bukas gagawa ako ng paraan para maibigay ang gusto niya. Yan lang diary salamat.
Humagolhol na ako ng iyak pagkatapos mabasa yon. Ang sakit sakit. Bakit ngayon pa? Bakit? Mama, Mahal na Mahal Kita.
Napansin ko may nakaipit na papel sa diary Kaya kinuha ko. Isang sulat, para sa’kin. Pinunasan ko ang luha at sinimulan basahin Ito.
Mahal Kong Anak,
Hindi ko alam kung bakit ko sinulat Ito, gusto lang siguro kitang sulatan.
Dana, ang mahal na mahal kong anak.
Pasinsya kana kong mahirap tayo. Hindi ko maibibigay ang mga gusto mo pero gumagawa naman ng paraan si mama para mabigay lahat ng kailangan mo kaya bukas pupunta ako sa computer shop, baka may laptop sila huhulugan kukuha ako. Lagi mo tatandaan maghirap man tayo, at hindi ko maibibigay pangangailangan mo, pero ang pagmamahal ko sayo walang katumbas sa mga gadget nayan. MAHAL KITA anak ko.
Niyakap ko ang sulat at muntik ng mapunit dahil sa luha ko kanina pa tumutulo.
MAHAL na MAHAL KITA mama ko. PATAWAD.
End.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top