PAYONG
written by; Mae Writes
“Kung minamalas nga naman, oo”Sabi ko habang nakatingin sa kalsada.
Paano ba naman kase, ngayon ko pa naiwan ‘yung payong ko kung kailan sobrang lakas ng ulan.
“Napaka makakalimutin mo talaga faye”.Sabi ko sa sarili ko.
Nandito ako ngayon sa waiting shed ng school namin at inaantay tumila ang ulan. Kaasar, hindi ako makauwi ng ganitong malakas ang ulan baka mabasa ‘yung gamit ko, lalo na ‘yung mga libro ko. At isa pa, na sa akin pa naman ‘yung hard copy ng thesis namin, papatayin ako ng mga members ko kung mabasa iyon ako pa naman yung leader. At isa pa, lowbat din ang cp ko at kung hindi man, wala rin akong load. Hindi pa naman nakakapasok ang trycicle sa kanto namin dahil may ginagawang kalsada roon. Kaya no choice talaga mga par kung hindi hintayin tumila ang ulan.
Umupo muna ako sa bench ng waiting shed at saka napa-irap sa mga nakikita kong magjowa na nakasilong sa iisang payong.
“Tsk, matangay sana ‘yung mga payong ninyo” sabi ko at parang magic, nakita kong tinangay bigla yung mga payong nila pagkatapos kong sabihin iyon kaya naman ‘di ko mapigilang matawa.
“Bitter ka pala?”
“Ay putakte ka!”
Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, at nakita kong nakasilong si Zion. ‘yung class president ng section namin. ‘di ko nga alam ba’t naging president ‘to e? Eh hindi naman nag le-lead sa klase, binoto lang ‘to ng mga kaklase kong babae kase pogi daw. Jusko, anong connect noon sa pagiging Class president? Parang shunga lang.
Tinignan ko ito na kita kong nakajacket siya at may dalang payong. Oh? Anong ginagawa nito dito at nakasilong? Eh may payong naman siya. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya at hindi na pinansin ‘yung sinabi niya kanina sa akin. Pakialam ba niya kung bitter ako? Maya maya, Naramdaman kong umupo rin siya sa bench at tumingin sa akin.
“Wala kang payong?” Tanong niya.
“Wala” sagot ko, pero sa loob loob ko, hinihiling kong ipahiram niya sakin yung payong niya. Sige na, ako na ang assumera.
“Ah” sabi niya. Jusko, iyon lang? Iyon lang? Hindi man lang ba i-ooffer ‘yung payong niya? ‘hindi ka kase maganda Faye’ sabi ko sa sarili ko.
Mayamaya, naramdaman kong tumingin ulit siya sakin. Problema nito at nakatingin na naman?
“Walang susundo sa’yo?” Tanong niya ulit.
“Wala” sagot ko
“Wala kang boyfriend?” Napatingin ako sa kaniya at binigyan siya ng ‘nagtatakang look’ dahil sa tanong niya.
“Para sumundo sayo? Mukang mamaya pa titila ‘yung ulan”
“Wala eh” sagot ko sa kaniya. Hays sana nga mayroon nalang.
“Ikaw? May susunduin ka?” Tanong ko, baka nga kase may susunduin siya kaya sumilong. Baka girlfriend niya.
“Ah oo, pero mamaya pa” sagot niya, ‘yon naman pala e, mamaya pa! Pahiram muna ako ng payong oh. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniya kaso nakakahiya.
“Gf mo?” Tanong ko.
“Hindi pa”
“Niiligawan?”
“Hindi pa” sagot niya at medyo ngumiti ng kaunti.
“Eh ano pala?” Tanong ko. Oo na, ako na ang feeling close. Ang totoo, hindi ko siya masyado nakakausap sa room kase lagi siyang napapalibutan ng mga babae at mga kaibigan niya. So in short, medyo peymus ‘to.
“Basta” sagot niya
“Anong oras ba uwian niya?” Tanong ko ulit, baka kase mamaya pang 5, e alas tres palang ngayon. baka puwedeng ipahiram muna niya yung payong niya.
“Ngayon na” tipid na sagot niya. Ay sayang, akala ko mahihiram ko.
“Ahh. Bakit ‘di mo hanapin?” Tanong ko
“‘wag na. Dito nalang”
“Ah sige.” Napatango nalang ako. “Pero tanong ko lang, hindi mo siya gf at hindi rin nililigawan, edi crush mo ‘no?” Tanong ko sa kaniya medyo tumingin siya sa akin ng kaunti tapos ngumiti na talaga. Infairness gwapo nga talaga siya.
“Oo” mabilis na sagot niya sa’kin
“Aahh.. anong section niya?” baka kase kilala ko. Curious lang ako...