Anim na araw bago sumapit ang araw ng kasal nil Vince at Abby..
.
Debbie : Ma’am Abby, ilang araw na lang kasal na ninyo, dapat ngayon nagpapahinga ka na lang. Mag Beauty rest. Para sa araw ng kasal mo ay magandang maganda ka.
Abby : hay naku, ate Debbie, maganda na ako di ko na kailangang magpaganda.
Debbie : para mas lalo kang gumanda.
Abby : matagal pa ang anim na araw, saka ko na iisipin yang beauty rest na yan..
.
Ngunit sa isip ni Abby…
.
Abby : Beauty rest? Hay, baka mamaya rest in peace ang mangyari sakin!! Hay ano ba to, paano ba ako makakatakas sa sitwasyon ko!! Vince nakakainis ka bakit ba kasi kita minahal, sana totoo na lang ang lahat!
.
Maghapong hindi nagpakita si Vince sa kanya ni Tawag wala, nang ihatid siya ni Vince sa reataurant ay hindi na sila nag usap kung kelan ulit sila magkikita, at hanggang sumapit ang gabi, walang Vince na nagpapakita sa kanya, kahit text o tawag ay wala.
.
Abby : hmp bakit ba kita hinahanap, paki alam ko ba sayo, kailangan ko nang mag taxi..
.
Nakisuyo si Abby sa guard na itawag siya ng taxi, at hanggang sa hindi nagtagal ay may nakaparada ng taxi sa tapat ng reataurant..
.
Guard : maam abby, nandiyan na po yong taxi.
Abby : salamat kuya, bahala na po kayo diyan.
Guard : opo maam ingat po kayo.
Abby : salamat.
.
Natuwa si Abby dahil nakita niya na taxi iyon ni tito Joebert, excited siyang sumakay dahil makakwentuhan niya ulit si Joebert.
.
Abby : hello po tito Joebert, masya po akong kayo ulit ang nasakyan ko, kamusta po kayo?
.
Hanggang sa pangungumusta niya kay Joebert ay biglang nag-ring ang phone niya, kaya iyon na ang napag tuunan na ng kanyang pansin.
.
Abby : Ah, saglit lang po tito ah, sagutin ko lang yong phone ko.
.
Sa phone
.
Abby : Hello Jayvee!
.
Kausap ni Abby si Jayvee, at masaya ang knilang pinag uusapan kaya si abby ay tumatawa ito ng malakas, madami silang nagpag usapan ni Jayvee dahil maraming naiisip na topic si Jayvee ay hindi na natapos ang kanilang usapan, kaya naman si Abby ay nalilibang siyang nakikipag usap, at samantala naman, ang driver ay kanina pa nag iinit ang ulo dahil sa naririnig niyang mga halakhak ni abby, sobrang saya naman daw ni Abby habang kausap si Jayvee, kaya sa inis ng driver ay mahigpit siyang nakahawak sa manibela, at gigil na gigil sa pagtapak ng silinyador, kaya sumasagitsit ang gulong sa tuwing nagpi-preno, at lingid sa kaalaman ni Abby na ang driver ng sinasakyan niyang taxi ay si Vince, at hanggang sa namalayan na lang ni Abby na huminto na ang sinasakyan nila..
.
Abby : naku, Jayvee ang haba na ng pag uusap natin, nakarating na ako sa bahay sige bye!
Abby : Salamat!
Abby : kaw din lagi kang mag-iingat.
Abby : Oo naman masaya akong kausap ka.
Abby : oo sige na, mamaya na tayo magtawagan kailangan ko ng bumaba, nakkahiya kay tito Joebert.
Abby : oo, sige pangako ko yan, minsan lumabas tayo!
Abby: oo na!!
Abby : good nyt din.
Abby : sige tawagan kita mamaya.
Abby : oo nga!
.
Gigil na gigil si Vince, kung nasa harap lang daw nya si Jayvee ay pinasabog na talaga niya ang mukha. At hanggang sa natapos na ang pag uusap nila ni Jayvee, at natigilan si Abby medyo hindi siya pamilyar kung nasan siya, at hanggang sa-
.
Vince : Mukhang madami kayong pinagusapan ah.
Abby : V-Vince ikaw!!!!!!(gulat niyang sabi)
.
Natigilan si Abby dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar, nagtatanong ang isip niya kung nasaan daw sila, masyadong nalibang si Abby sa pakikipag usap kay Jayvee, kaya tuloy hindi niya napansin na si Vince na pala ang nakamaneho sa taxi.
.
Vince : Ang saya naman ninyong mag-usap!
Abby : nasaan tayo?
.
Bumaba si Vince para ipagbukas si Abby ng pinto.
.
Vince : baba ka na.
Abby : nasaan nga tayo?
.
Kinuba ni Vince ang kamay ni Abby at hinila na niya ito palabas.
.
Abby : Vince naman bitawan mo nga ako!
.
At hanggang sa tuluyan ng nasa labas si Abby, nagpalinga linga siya sa buong bakuran, tiyak niyang hindi bahay nila Vince iyon. Maganda at malaki din ang bahay may maluwang na bakuran, may magagandang sasakyan sa garahe, At hanggang sa narinig ni Abby ang isang pamilyar na boses.
.
Abby : tito Joebert?
Joebert : Abby, Vince! mabuti at dumating na kayo, tara na sa loob, kanina pa kayo hinihintay ng lahat.
Vince : sige po tito Bert, sunod po kami.
.
At hanggang sa dalawa na lang sila roon sa labas.
.
Abby : bahay ba ni Tito Joebert to?
Vince : oo, halika na sa loob, gusto kang makilala nila lola at lolo.
Abby : Ha! Teka!!
.
Nakaramdam ng kaba si Abby..
.
Vince : bakit anong problema?
Abby : bakit gusto nila akong makilala.
Vince : syempre naman, gusto nilang makilala yong mapapangasawa ng apo nila, ano naman ang masama dun.
Abby : nahihiya ako.
Vince : bakit ka mahihiya, tao sila, at tao ka din naman.
Abby : Vince nama–
.
Hindi na naituloy ni Abby ang sinasabi dahil sakop na ni Vince ang mga labi niya, nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla dahil bigla na lang daw siyang halikan ni Vince, at ang tibok ng puso niya ay parang tumakbo siya ng ubod ng bilis.
.
Abby : Vince ano ba?
Vince : relax lang, nakatingin sila satin.
Abby : ha.
Vince : yakapin mo ako.
Abby : ha!
Vince : gawin mo na.
.
Mabilis namang kumilos si Abby, niyakap niya si Vince, at niyakap din siya ng mahigpit nito, sobrang lakas ng tibok ng puso ni abby, dahil tuwang tuwa ang puso niya, dahil ang isiping nakakulong sya sa mga bisig ng kanyang minamahal ay labis na nakakapagpaligaya sa kanyang puso.
.
Abby : Vince!(mahinang sambit niya)
Vince : hmm..
Abby : nasan na sila?
Vince ; nasa loob na.
Abby : nahihiya talaga ako vince.parang hindi ko kayang humarap sa kanila.
Vince : ang isipin mo na lang kasama mo ako ha, kaya hindi mo kailangang makaramdam ng hiya, at isa pa mababait sila.
.
Hanggang sa naroon na sila sa loob at sinalubong sila ni Joanne.
.
Joanne : Mga anak, ang tagal niyo nman sa labas, mukhang namiss ninyo ang isat isa.
Vince : mama tama po kayo, ang isang oras naming hindi pagkikita katumbas noon ay isang taon ang tagal.
.
Inulan sila ng tukso ng mga relatives ni Vince.
.
At hanggang sa may lumapit sa kanilang isang may edad na magandang babae, at kahit may edad na ang babae ay mababakas dito ang magandang mukha, at sa isip ni Abby ay iyon daw siguro ang lola ni Vince, dahil kamukha ito ng mama ni Vince..
.
Vince : lola.(humalik ito)..abby ang lola.
Abby : Hello po.
.
Bumeso sa kanya ang lola ni Vince..
.
Lola : Vince, magaling kang pipili ah.
Vince : syempre naman po lola.
.
At hanggang sa may lumapit ding matandang lalake..
.
Lolo : tama nga pala si Vince, maganda itong si Abby.
.
Pinamumulahan ng pisngi si Abby, wala siyang alam sabihin, hiyang hiya siya sa mga sandaling iyon, dahil nakatuon lahat sa kanya ang mga atensiyon ng mgs kamag anak ni Vince.
.
Lola : masaya kaming lahat na makilala ka abby.
Abby : ako din po.
.
Mababait ang lola at lolo ni Vince pati mga kapatid ng mama ni Vince, at ganun din ang mga pininsan ni Vince, nakagaanan na ni Abby ng mga loob ito, pakiramdam na nga ni Abby ay kabilang na siya talaga sa pamilya ni Vince, ang pakiramdam na nga niya ay totoong mahal nila ni Vince ang isat isa, ang lahat at masaya, walang tigil sa mga kwentuhan, kulitan ng mga magpipinsan, at hindi na nila namamalayan na napaka lalim ng gabi, hindi din nila namamalayan na sobrang sama ng panahon sa labas, dahil sila ay walang sawa sa kasiyahan, nag iinuman, nagkakantahan, nagsasayawan, masayang masaya ang lolo at lola ni Vince..
.
Joebert : walang uuwi, dito lang tayo magdamag.
Joanne : bakit?
Joebert ; hindi kayo makakauwi dahil sobrang lakas ng ulan.
Vince : umuulan po pala tito.
Joebert : oo sobrang lakas, kaya dito na kayong lahat magpalipas ng magdamag.
.
Nag alala si Abby, tyak niya na naghihintay ang tatay niya.
.
Vince : kami ni Abby okay lang, nagpaalam naman ako kay tatay na kasama ko si Abby dito.
.
Nawala ang pag aalala ni Abby sa sinabi ni Vince.
.
Vince : huwag ka ng mag aalala, ipinagpaalam kita kay tatay alam nila na nandito tayo.
Abby : ganun ba..
Lola : masaya ako na nandito kayong lahat, sa totoo lang ngayon lang nangyari to, kung hindi pa mag aasawa si Vince hindi pa tayo magkakasama sama, kaya salamat apo, dahil naisipan mo nang mag asawa.
.
Hindi alam ni Abby kung matutuwa siya o malulungkot, naalala na naman niya na sila ay nagpapanggap lang ni Vince..
.
Lolo : tama ang lola mo Vince, si Andrei na lang ang kulang sana makabalik na si Andrei.
Rodolfo : mama, papa, huwag po kayong mag alala malapit pong makabalik ang apo ninyo, diba Vince.
Vince : opo lola.
.
Nakikinig lang si Abby sa mga usapan ng mag anak, ngunit gusto niyang malungkot, sa isiping dahil iyon sa pagpapakasal nila ni Vince..at hanggang sa makalipas ang mga sandali..
.
Joebert : Pasensiya na ate joanne, kinulang tayo sa kwarto, kaya sama sama na kayo ni Vince at abby sa isang guestroom.
Joanne : walang problema, sanay kami sa siksikan, diba rudy.
Rodolfo : bert ate mo lang ang maselan.
Joanne : hindi kaya.
Joebert : sige na pahinga na kayo kuya ate, Vince asikasuhin mong mabuti si Abby, ikaw na ang bahala sa kanya.
Vince : opo tito..
Joanne : Abby, tara na anak, mauna na...