Ang Malambot kong Pag-ibig Chapter 16


Parang nabibingi si Abby sa mga sandaling iyon, ni hindi niya iniintindi ang mga sinasabi ni Vince, ayaw niyang marinig ang mga magagandang salita mula kay Vince dahil Alam niyang isang palabas lang ang lahat, at labis siyang nahihiya sa tatay niya, kung sa ibang tao daw wala siyang paki alam pero ang tatay niya doon siya nag aalala, doon siya labis na nahihiya, nakokonsensiya, hindi na namalayan ni Abby na sumagot na pala siya ng oo sa alak ni Vince, naramdaman na lang niya sinusuot na na ni Vince ang singsing sa daliri niya, at naramdaman na lang niya yakap yakap na siya ni Vince ng mahigpit na mahigpit, at hanggang sa naramdaman na lang niya na hinakalikan na siya ni Vince, sa mga sandaling iyon ay walang maramdamang kilig at saya ang puso niya blangko ang lahat sa kanya, basta ang alam lang ni Abby, palabas lang iyon!
.
Vince : Mahal na mahal kita Love!
.
Natigilan si Abby dahil bakit may mga luha si Vince, at pakiramdam niya ay masayang masaya si Vince, marahil daw ay masaya ito dahil malapit na niyang maisakatuparan ang pangarap nito na maililipat na sa pangalan ni Vince ang kompanya ng pamilya nila, bahagyang lumayo si Abby kay Vince, ngunit hinila siya ni Vince palapit, at naramdaman niyang dinampian ng halik ang ulo niya, masayang masaya ang mga tao roon sa paligid nila, naghihiyawan sa tuwa, ganun din ang kani kanilang magulang, at bumuhos na naman ang luha niya ng makita ni Abby ang tatay niya tuwang tuwa ito..
.
Abby : tatay patawarin mo po ako!!(sabi ng isip niya)
.
At nooy muli siyang niyakap ni Vince, nilapitan sila ng mga magulang ni Vince.
.
Rodolfo : vince, abby, pinaligaya nio ako mga anak, binabati ko kayo, hindi magtatagal abby, magiging pamilya ka na namin, at hindi na ako makahintay na mangyari iyo.
Joanne : Congrats mga anak, Abby welcome to our family.
.
Natuwa naman si Vince sa sinabi ng mama niya.
.
Abby : thank you po maam.
Joanne : mama hija, Tawagin mo akong mama.
Abby : salamat po m-mama.(nahihiya niyang sabi)
.
At haggang sa pinipigilan ni Abby ang kanyang emosyon ng naroon na ang tatay niya sa harapan nila ni Vince..
.
Ernesto : Vince, alam kong hindi mo pababayaan ang dalaga ko, at alam kong hindi mo siya sasaktan, sana ay huwag kang magbabago sa anak ko, patuloy mo siyang mahalin, dahil masasaktan din ako kapag, sasaktan mo ang anak ko.
.
Ang sakit sa dibdib ni Abby yong isipin na niloloko nila ang tatay niya ay parang nagsisikip ang dibdib niya, ayaw niyang masaktan ang kalooban ng tatay niya, buong buhay niya ay di pa niya nagawang pagsinungalingan ang tatay niya, mas lalong di pa niya nagawang lokohin ito..pero dahil sa lintek niyang pag ibig kay Vince ayun siya niloloko ang tatay niya! Di na naman niya napigilan ang mga luha.
.
Vince : Tay, gaya po ng ipinangako ko sa inyo, hinding hindi ko po sasaktan ang anak ninyo, mamahalin ko po siya, at hinding hindi pababayaan.
.
At sa narinig niyang sinabi ni Vince ay lalong bumuhos ang kanyang mga luha, niyakap siya ni Vince sa harap ng tatay niya, pinapakalma siya ni Vince sa pag iyak..
.
Ernesto : Anak, huwag kang umiyak, kasi pati ako nadadamay sa pag iyak mo.
.
Kumawala si Abby sa mga bisig ni Vince at yumakap si Abby sa tatay niya, at umiyak sya ng umiyak..
.
Abby : Tay sorry po!!(umiiyak niyang sabi)
Ernesto : Oh anak, bakit ka naman nag-sosorry..
.
Hindi alam ni Abby ang gagawin, nagtatalo ang puso at isip niya dahil parang gusto na niyang magpakatotoo, parang nagdadawang isip si Abby kung tutulungan pa daw ba niya si Vince, dahil hindi daw kaya ng konsensiya niya na lokohin ang tatay niya..
.
Ernesto : Anak, magiging masaya ako para sayo, kung ako ang aalalahanin mo, huwag ka nang mag aalala alam ko naman na dadating ang araw na, na magkakapamilya ka, eto na yun anak, at masayang masaya ako dahil si Vince ang lalakeng makakabiyak mo, dahil napakabuting tao ng mapapangasawa mo, sige na huwag ka ng umiyak, huwag kang mag alala sakin, dahil lagi mo naman na akong makikita mula ngayon, dahil sabi ni Alvin doon na muna ako tumira sa kanya, wala daw kasing makainuman si Pareng Dante!!(sabay tawa ng malalakas)
.
Natigilan si Abby sa pag-iyak, dahil sa mga tawa ng tatay niya, at nooy, papalapit na din sa kanila sina Alvin at Kate.
.
Kate : congrats Abby, Vince, alam kong magiging maligaya kayo.
Abby : paano naman kami magiging maligaya eh peke naman ang lahat ng to(sa isip)
Alvin : lahat kami dito ay hangad ang kaligayahan niyong dalawa.
Vince : Sisiguruhin ko yan, Alvin!
.
Isa isa silang binabati ng mga naroon, hindi na naituloy ni Abby ang iniisip niyang umatras sa pagtulong kay Vince, bahala na daw, naroon na daw eh, at saka mas lalaki daw ang eskandalo kung aatras pa siya, at baka mas lalong masaktan ang tatay niya, magagalit ang tatay niya kaya daw magpapatianaod muna siya, Ngiti lang ang mga itinutugon niya sa mga bumabati sa kanya, isang pekeng ngiti, dapat daw nag artista na lang siya, dahil meron daw pala siyang talento sa pag aartista, lalong lalo na daw si Vince, sabi pa niya na pang best actor ang drama ni Vince. At makalipas ang mga oras, nakasarado na ang restaurant ni Abby, hinintay na siya ni Vince, at hanggang sa sakay na sila sa kotse ni Vince..
.
Vince : Love—
Abby : Vince, gusto ko munang matulog, pagod ako!
.
Isinandig ni Abby ang ulo sa sandalan ng upuan, ini adjust naman ni Vince ang upuan para medyo makomportable si Abby, hinayaan na lang muna ni Vince si Abby, di na muna nya ito kinausap, nakatuon lang ang atensyon ni Vince sa pagmamaneho, pasulyap sulyap lang siya kay abby. Hanggang sa naroon na sila sa tapat ng gate nila at naroon ang tatay ni Abby si Tatay Dante at ang gwardiyang si Mang Bernie.
.
Vince : Love nandito na tayo.
Abby : sabi ko sayo kapag tayo lang huwag mo akong tinatawag na love.
.
Mabilis na binuksan ni Abby ang pinto, hindi na niya hinayaan na ipagbukas pa siya ni Vince, ngunit mabilis na ding bamaba si Vince, gusto na sanang tumuloy ni Abby sa loob, ngunit hindi niya magawa dahil kailangan niyang hintayin si Vince para bumati sa tatay niya at kay Dante. Kailangan daw nilang magpakita ng pagkagiliw sa isat isa.
.
Dante : nandito na ang magnobyo at nobya.
Vince : magandang gabi po tay, tatay dante.
.
Nagmano sila sa dalawa.
.
Ernesto : kaawaan kayo ng Diyos.
Vince : hinatid ko lang po si Abby, tutuloy na din po ako.
Ernesto : anak bakit hindi mo muna alukin ng kape ang kasintahan mo.
Abby : ah tay, kailangan na daw po niyang umalis.
.
Gusto pa sanang mag stay ni Vince ngunit parang wala sa kalagayan si Abby, marahil ay baka pagod daw ito..
.
Vince : pasensiya na po tatay, sa ibang pagkakataon na lang po, kailangan ko na nga pong magpahinga. Sige po tay dante, mang bernie, tatay tuloy na po ako..
.
At bago tuluyang umalis si Vince ay dinampian muna niya ng halik si Abby sa noo.
.
Vince : goodnyt love!
.
Ngunit walang tugon si Abby, at hanggang sa makasakay na si Vince sa kotse niya, hindi pumasok si Abby hanggat hindi nakaalis si Vince.
.
Abby : mga tatay, mauna na po ako sa inyo, ako po ay inaantok na, kayo po ba hindi pa inaantok.
Dante : hindi pa abby, masarap magpahangin dito sa labas.
Ernesto : oo nga anak, at saka masaya palang kakwentuhan si Bernie.
Abby : ay opo tay, hindi po talaga kayo aantukin kapag si manong Bernie ang kakwentuhan niyo, paano pasok na ako sa loob.
.
Nahiling ni Abby na sana daw ay tulog na si Kate, dahil ayaw niya munang mapagusapan ang nangyaring pag-popropose ni Vince sa kanya, sa likod ng bahay siya nagdaan upang di siya mapansin na siya ay dumating na, at mabuti na lang daw ay naroon pa sa kusina si Jessa.
.
Abby : ate Jessa pabukas.(mahinang sabi niya)
Jessa : oh bakit kasi diyan ka dumaan.
.
At hanggang sa nakapasok na si Abby.
.
Jessa : wow ang ganda naman ng bulaklak mo abby.
Abby : gusto mo ate?
Jessa : kanino ba galing yan?
Abby : ah eto, may costumer na nagbigay sakin kanina, eto ate sayo na lang.
Jessa : bakit mo ibibigay sakin, binigay sayo yan tapos sakin mo naman ibibigay.
Abby : hindi ko kasi gusto yong bulaklak, napaka peke!!
.
Inilapag na ni Abby ang bugkos ng bulaklak sa lamesa, at tumuloy na siya sa kanyang kwarto.
.
Jessa : Peke? Hindi naman fake ang bulaklak, hindi naman plastic, sariwang sariwa naman, at hmmmmm ang bango! Hay talaga si Abby mga peke daw kayo, napapano kaya yun!!
.
Samantala naman si Abby ay pabagsak na nahiga sa kanyang kama, pilit niyang inaalis sa isipan ang mga pangyayari sa restaurant, ayaw niyang alalahanin ang mga yakap ni Vince at ang mga dampi ng mga labi nito sa labi niya, dahil daw ang lahat ng iyon ay isang malaking kasinungalingan. Nang ring ang phone ni Abby, kinuha niya ito sa kanyang bag, at nakita niya roon ang pangalan ni Vince.
.
Abby : hmp bahala ka sa buhay mo!!
.
Inilapag ni Abby ang Celpon niya sa kanyang bedside table, hinayaan niya lang na tumunog ng tumunog ang celpon niya, ayaw niyang sagutin ang tawag ni Vince.
.
Abby : manigas ka, hindi kita papansinin!!
.
Hindi makalimutan ni abby ang nalaman niya kay Macky na may mahal na itong iba, kaya nakaramdam siya ng inis kay Vince, sino na naman daw kaya ang bagong nilalandi ng Vince na yun..at dahil hindi tumitigil sa pag ring ang celphone niya, kinuha niya ang celpon, at iniligay niya ito sa kabinet niya, ayaw naman niyang ireject yun, gusto niya na isipin ni Vince na nakatulog na siya. At makalipas ang magdamag at sumapit na ang umaga..
.
Vince : good morning!
Kate : good morning! Aga mo ah.
Vince : oo.
Kate : wow, may pa-flower ulit.
Vince : syempre para sa aking Love.
Kate : siguro sa akin mo na lang ibigay yan, wala na si abby dito, kanina pa umalis.
Vince : ha, saan daw siya pupunta sa ganito kaaga.?
Kate : hindi ko alam, wala namang sinabi, basta may lakad daw sila ni Jayvee.
Vince : Jayvee?
Kate : oo, Jayvee
Vince : Jayvee!!
Kate ; may problema ba Vince?
.
Nakaramdam ng panibugho si Vince, bakit hindi manlang daw siya sinabihan ni Abby na may lakad ito, sana daw ay siya ang sumama kay Abby at hindi ang Jayvee nayun.
.
Kate : hoy Vince okay ka lang, natulala ka na diyan.
Vince : ah, sige kate subukan ko siyang puntahan sa restaurant.
Kate : sige.
.
Mabilis na umalis si Vince, si Kate naman ay naiiling na natatawa..
.
Kate : Hay pag-ibig nga naman!!
.
At Hanggang sa makalipas ang oras ay naroon sa restaurant si Vince, ngunit wala pa roon si Abby. Tinatawagan niya si Abby sa celphone ngunit hindi siya nito sinasagot. Kaya matiyaga siyang naghintay sa restaurant.
.
Debbie : sir Vince baka po gusto niyo po ng coffee o hot tea habang hinihintay ninyo si Maam abby.
Vince : coffee na lang po.
Debbie : sige po, magpapadala po ako ng coffee ninyo.
.
Nagleave si Vince sa trabaho para sa pag aayos nila ni Abby sa kanilang kasal, oras na ang lumipas ay wala pa din si Abby, ang pagkakaalam ni Vince ay wala namang pasok si Abby sa culinary school ngayong araw, saan daw ba kaya nagpunta si Abby na kasama pa si Jayvee, nakaka dalawang tasa na siya ng kape at ubos na ang pangalawang baso..at hanggang sa natanaw na ni Vince sa labas si Abby, at mukhang masayang masaya pa ito sa pakikipag usap kay Jayvee, at naningkit ang kanyang mga mata dahil hindi niya nagustuhan ang pag akbay ni Jayvee kay Abby, parang gusto daw niyang manuntok ng mukha ng isang lalake na lumalapit pa daw sa babae na malapit ng ikasal. At hanggang sa nakapasok na si abby at Jayvee sa loob ng restaurant, nakaakbay pa din si Jayvee kay Abby.
.
Waitress : maam abby si sir Vince po.
.
Sabay na napalingon si Abby at Jayvee kung saan ay naroon si Vince..
.
Abby : V-Vince!!
.
Tumayo si Vince sa pagkakaupo at nilapitan si Abby..
.
Vince : pare sobrang close mo sa magiging misis ko ah, at kailangan mo pa siyang akbayan sa harap ko!
.
Mabilis na inalis ni Jayvee ang pagkakaakbay kay Abby, si abby naman ay parang nakita niya ang inis sa mga mata ni Vince, at dahil don ay natatawa siya sa isip niya, dahil daw ang galing daw talagang umarte, galing magpanggap.
.
Abby : bakit nandito ka?(tanong niya kay Vince)
Vince : may pupuntahan tayo!
Abby : hindi ako pwede busy ako!
.
Naiirita si Vince kay Jayvee dahil bakit hindi pa daw ito lumayo kay abby at gusto pa daw yatang makinig sa kung anong pinag uusapan nila, lumapit si Vince kay Abby, yong malapit na malapit, hinapit niya si abby at inilapit niya ang mukha niya sa dalaga, yong sobrang lapit, yong halos magkadikit na ang kanilang ilong, at hanggang sa nakaramdam si Jayvee, lumayo na siya sa dalawa at nagpunta na ito sa kusina, samantalang si Abby naman ay hindi na siya humihinga sa mga sandaling iyon, para siyang naestatwa at tumigil ang kanyang mundo, na kagabi at kanina lang ay naiinis siya dito.
.
Vince : Love, i miss you!
.
At nagulat si Abby nang maramdaman niya ang labi ni Vince sa kanyang mga labi, at sa mga sandaling iyong ay nawawala na ang kangang puso, ang saya ng kanyang puso ay naglaho ang inis na kanina lang ay kanyang nararamdaman, tinatakasan na si Abby ng lakas kaya kailangan na niyang kumapit kay Vince dahil kanina habang papalapit ang mukha ni Vince ay unti unti naman niyang inilalayo, at noon ay medyo nakaliyad na siya at pakiramdam nia ay babagsak siya kaya napakapit siya kay Vince, at hanggang sa napansin na lang nilang dalawa ang mga tao na naroon sa loob ng restaurant ay nakatingin ang lahat sa kanilang dalawa, mabilis na naghiwalay si Abby at Vince.
.
Vince : nagpa-practice lang kami para wedding kiss namin!
.
hiyang hiya si Abby sa mga tao na naroon, at ramdam niya na nag-iinit ang kanyang pisngi, at dahil itoy namumula sa hiya at sa kilig, mabilis na hinila ni Abby si Vince sa labas ng reataurant, nagpunta sila sa pinakalikod ng restaurant kung saan ay walang makakarinig sa kanilang pag-uusapan.
.
Abby : ano bang ginagawa mo dito Vince??(pagalit niyang sabi)
Vince : hindi mo sinasagot yong phone mo, kagabi pa ako tawag ng tawag pero hindi mo sinasagot.
Abby : nakalimutan ko yong phone ko sa bahay, kaya hindi ko nasasagot.


/> Vince : eh kagabi, bakit hindi mo sinasagot?
Abby : nakatulog na kasi ako kaya hindi ko sinasagot.
Vince : ganun ba, nakatulog ka na kaya hindi mo sinasagot, ibig sabihin sinadya mong hindi sagutin.
Abby : anong sinadya!!
Vince : love naman ang linaw, tulog ka na kaya di mo sinasagot!
Abby : oo nga!!
Vince : diba ang dapat na sabihin ay, nakatulog ka na kaya hindi mo nasagot.
Abby : alam mo pinabahaba mo lang.
Vince : iba kasi ang hindi sinasagot sa hindi nasagot! Malaki ang pagkakaiba ng dalawang salita, sige isipin mo.
Abby : ano ba kasi ang kailangan mo sakin?
Vince : ikaw!(agad niyang sagot)
.
Naalarma na naman si Abby dahil mabilis na lumapit si Vince sa kanya, ngunit agad siyang umatras ngunit wala na pala siyang aatrasan dahil corner na siya ni Vince sa pader, hindi siya maka alis sa kinatatayuan niya dahil nakaharang ang mga braso ni Vince, pigil niya ang hininga dahil sobrang napakalapit na naman ng kanilang mga mukha,
.
Abby : V-vince!
Vince : ikaw ang kailangan ko abby!
.
Nagtama ang kanilang mga mata, si abby ay naguguluhan sa mga ikinikilos at ipinapakita sa kanya ni Vince, pakiramdam niya parang hindi na ito bakla at napapalunok si Abby dahil bumaba ang tingin ni Vince sa kanyang mga labi. At nakikita ni Abby na taas baba ang adams apple ni Vince, naghuhumiyaw si Abby sa kanyang isip, bakit daw ganoon na ang pakiramdam niya kay Vince na parang lalakeng lalake na ito! At hanggang sa lalo pang inilalapit ni Vince ang mukha nito kay Abby, ngunit ng pumasok sa isip ni abby na ginagawa ni Vince iyon dahil kailangan nilang masanay sa isat isa, dahil kailangan daw nila na magampanan na totoo silang nagmamahalan, bigla niyang tinulak ng malakas si Vince.
.
Abby : hoy vince mahalaga ang oras ko, kaya sabihin mo kung ano ang pakay mo kung bakit mo ako pinuntaha dito!
Vince : marami tayong aasikasuhin para sa kasal natin.
Abby : hindi ba pwedeng ikaw na lang ang bahala diyan sa mga dapat ayusin.
Vince : hindi pwede love, dapat dalawa tayong mag aayos ng marriage certificate natin, at saka bakit ako lang ang uutusan mo, alalahanin mo kasal nating dalawa yun.
Abby : Oo kasal natin, pero peke naman!!( sabi ng isip)
Vince : at saka may prenup shoot tayo ngayon.
Abby : bakit kailangan pa ng prenup-prenup na yan? Hindi ba pwedeng magkita na lang tayo sa araw na kung kelan ang kasal natin ha?
Vince : hindi pwede, basta sasama ka sakin ngayon at inaasahan tayo nila papa at mama.
.
Hindi na nakipagtalo pa si Abby, makalipas ang oras ay naroon na sila na nag aayos ng marriage certificate nila, sa isip ni Abby na hindi daw ba pwedeng pagawa na lang sila sa mga naggagawa ng mga pekeng dokumento, at bakit daw ba kailangan pa nila sa Munisipyo pa sila kukuha, eh sayang lang naman daw kung nagpapanggap lang sila, at hindi makapaniwala si Abby na sa loob ng isang linggo ay ikakasal na sila.
.
Abby : bakit ba sobrang napakabilis naman.
Vince : matagal na ang isang linggo, kung pwede nga lang ngayon na eh.
.
Hindi na umimik si Abby, dahil sa isip ni Abby kaya nagmamadali si Vince ay para maisakatuparan na daw nito ang inaasam asam na malipat ang kompanya sa pangalan nito, makalipas ang mga oras ay naroon na sila sa set ng kanilang prenup photo shoot, halos gabi na silang natapos, pagod na pagod ang katawan ni abby sa kakapalit ng damit, parang dinaig pa niya ang modelo sa mga damit na pinasusuot sa kanya, ang mama ni Vince ay sobrang napaka mitikolosa pag dating sa mga suot niyang damit sa sapatos, at hanggang sa make up, ngunit sa pagkakataong iyon ay nag enjoy naman si Abby, nawaglit ng pansamatala sa iaipan niya ang salitang peke, dahil nag enjoy siya na kasama si Joanne, dahil napaka giliw na ito sa kanya, sabi ni abby tama naman pala ang sabi ni kate na mabait ang mama ni Vince, marahil daw ay dahil lang kay natalie kaya naging hindi maganda ang una nilang pagkikita.
.
Joanne : Abby salamat!(malambing na sabi)
Abby : salamat po saan?
Joanne : dahil nandiyan ka para sa anak ko.
.
Ngiti lang ang tugon ni Abby kay Joanne.
.
Joanne : alam abby, hanggang ngayon ay nahihiya ako sa mga sinabi ko sayo noon, maling mali ako dun sa mga paratang ko sayo, para ngang gusto kong lumuhod-
Abby : huwag po ninyong gagawin yun, dahil wala po akong galit sa inyo, opo aminin ko po nasaktan ako, pero naisip ko din po na pinoprotektahan lang po ninyo ang anak ninyo, at humahanga po ako sa inyo dahil mahal na mahal po ninyo ang inyong anak.
Joanne : tama ka abby, mahal na mahal ko ang aking mga anak.
.
Nakita ni Abby na lumungkot ang mukha ni Joanne, at alam ni abby ang dahilan ng paglungkot ng ginang, at dahil daw kay Andrei, ang panganay na anak.
.
Abby : Huwag na po kayong malungkot, dahil makakasama na po ninyo ang inyong anak.
Joanne : sana nga abby, lagi kong ipinagdadasal na sana ay bumalik na ang anak ko sa aming bahay, pangarap namin ni Vince na mabuo ulit ang aming pamilya.
Abby : mangayari po yun..
.
At sa paguusap nila ay dumating ang mag ama, si Rodolfo at Vince.
.
Rodolfo : mukhang seryoso ang inyong pinag uusapan ah.
Joanne : hindi naman masyado Rudy.
Vince : Love, ano ihahatid na kita.
Abby : oo, pwede na po ba akong umalis?(tanong niya kay Joanne)
Joanne : mag dinner muna sana tayo.
Rodolfo : oo nga naman abby, gusto kong kumain sa restaurant mo.
Abby : opo, sige po, magandang idea po yan.
.
Makalipas ang mga oras ay naroon na sila sa restaurant, naroon si Kate masaya niyang sinalubong ang magulang ni Vince, nakipag kwentuhan ng sandali si Kate at umalis na din ito dahil sinsundo na ito ni Alvin.
.
Abby : kate, salamat!
Kate : Wala yun, ikaw pa ba..
.
Nagpaalam ba din si Alvin kila Vince at sa magulang ni Vince, masayang kumakain ang apat, natutuwa ang si Vince dahil noon lang nakita ni Vince na tumatawa ang papa niya habang kumakain, di tulad noon na lagi silang seryoso kapag nasa harapan sila ng pagkain, at Hanggang sa natapos na nilang pagsaluhan ang masarap na hinain sa table nila.
.
Rodolfo : Jo dapat dito na lang tayo lagi mag dinner, iba dito sa restaurant na ito, parang nakakagaan ng pakiramdam ang sasarap ng mga pagkain, natuwa naman si Abby sa sinabi ng papa ni Vince..
.
Rodolfo : pwede ba yun abby?
Abby : opo naman, kahit po, breakfast at lunch..
Joanne : ayoko naman, kasi masisira ang diet ko!
.
Nagtawanan silang apat, para silang sumasalamin sa isang masayang pamilya, kahit papaano si Abby ay nakalimutan ang nasa isip na silay nagpapanggap lang, nawala ang pagka-ilang niya kay Vince, at talagang makikita sa kanila na sila ay totoong couple, at makalipas ang oras ay umuwi na ang mga magulang ni Vince, masaya si Vince dahil mukhang malaki ang pinagbago ng papa niya, naging sweet na ito sa mama niya, at makalipas pa ang oras ay wala na silang costumer kaya magsasara na sila, at hanggang sa makalipas ang mga sandali ay sakay na sila sa kotse ni Vince.
.
Vince : i-ajust ko yong sandalan mo para makahiga ka, alam kong sobra kang napagod nitong buong maghapon.
Abby : oo nga sobra, tiyak kong makakatulog ako agad nito.
Vince : habang nasa byahe tayo, matulog ka muna, gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo.
Abby : okay lang ba?
Vince : oo naman.
Abby : sige salamat!
.
Pumwesto na si Abby, at dahil sa nakomportable naman siya sa pag unat ng likod niya, ay hindi nagtagal nakatulog na nga si abby, at Hanggang sa makarating an sila sa bahay ni Alvin ay tulog na tulog pa din si Abby, ipinasok na lang ni Vince ang kanyang kotse hanggang sa loob ng bakuran, para hindi na masyadong magkalad ng malayo si Abby, at sa mga sandaling iyon ay nagising na din si Abby.
.
Abby : hala napasarap yong tulog ko.
Vince ; okay lang..
.
Nasa garden sina Alvin at ang dalawang matanda, nagkakasiyahan ang tatlo, kasama doon si Mang bernie, nag iinuman ang apat, bumaba na si Vince upang ipagbukas niya ng pinto si Abby, nilapitan sila ni Alvin, at tinawag si Vince upang maki join sa kanila, hindi naman nakatanggi si Vince, nahiya siyang tumanggi lalo na at tinatawag din siya ni tatay Ernesto.
.
Abby : naku, mukhang nakadami na po kayo ng naiinum mga tatay.
Dante : konti pa lang ang naiinom namin ng tatay mo.
Alvin : huwag kang mag alala Abby, hindi ko hahayaang malasing ang mga tatay natin, halika Vince, inuman tayo!
.
Si Alvin na ang medyo tipsy..
.
Abby : naku huwag ninyong lalasingin si Vince.
Alvin : huwag kang mag alala, hindi namin lalasingin ang mapapangasawa mo, at kahit malasing siya okay lang, dito na siya magpalipas ng gabi.
.
Nag alala si Abby, baka mangayayri na naman yong katulad noon.
.
Abby : ah basta huwag ninyo siyang lalasingin.
Vince : okay lang love, hindi ako magpapakalasing.
.
Iniwan na ni abby ang mga lalake, at pumasok na siya sa loob ng bahay, hindi siya mapakali dahil inaalala niya si Vince na baka daw kapag nalasing ay maging madaldal, at baka daw maibuking ni Vince ang kanilang sikreto at kapag nagkataon, malaking gulo ang mangyayari. Hindi matutuloy ang kasal nila at hindi mangayari na malipat ang kompanya sa pangalan nito. At makalipas ang mga oras, lasing na nga si Vince, pero ang dalawang matanda, at si mang Bernie ay hindi na umiinom, nakikipag kwentuhan na lang sila sa dalawang nagpapaligsahan ng inom si Alvin at si Vince.
.
Vince : Tay, kahit buhay ko handa kong ibuwis para sa anak ninyo, mahal na mahal ko po ang anak ninyo tay!!(nabubulol niyang sabi kay tatay Ernesto)
.
At ang lahat ng sinasabi ni Vince ay dinig na dinig ni Abby.
.
Abby : grabe, talagang ayaw niyang pabuking, kahit pala lasing ay nagpapanggap pa din, gusto talagang makuha ang kompanya!(sabi sa isip ni abby)
.
Sa isiping iyon ni abby, ay naroon na naman ang lungkot sa kanyang puso, at hanggang sa nagpapaalam ng umuwi si Vince.
.
Alvin : Vince, dito ka na magpalipas ng gabi.
Vince : Okay lang Alvin, kaya mo pa namang magmaeho.
Ernesto : tama si Alvin anak, dito ka na magpalipas ng gabi, hindi ka na namin papayagan, delikado na, may kasabihan nga ang matatanda, kapag naitakda na ang kasal ng isang tao, ay dapat magdodoble ingat, dahil malapit daw ito sa aksidente,
Dante : oo Vince, makinig ka sa amin.
Ernesto : Halika na sa loob at ihahatid na kita sa kwarto ni Abby.
.
At napanganga na lang si Abby sa sinabi ng tatay niya, sa kwarto niya patutulugin ng tatay niya si Vince, at sa mga sandaling iyon ay lumabas na si Abby sa pinagkukublihan niya..
.
Ernesto : Abby, anak nariyan ka na pala, nalasing si Vince, gustong umuwi, ang sabi namin dito na siya magpalipas ng gabi, kaya idala mo na siya sa loob sa kwarto mo.
Alvin : oo Abby, ikaw na ang bahala sa magiging asawa mo.
Abby : bakit ako?
Alvin : sino pa ba, eh ikaw ang asawa.
Abby : sir naman, hindi ko pa siya asawa.
Vince : love, ilang araw na lang magiging misis na kita.
.
Hindi na nagsalita pa si Abby, dahil baka mamaya daw siya pa mismo ang makapag buking sa lihim nila.
.
Ernesto : ipunta mo na siya sa kwarto mo.
Abby : sa kwarto ko tay!(gulat niyang sabi)
Alvin : saan pa ba? Alangan naman patulugin mo siya sa Sala.
.
Wala nang nagawa si Abby kundi sundin ang mga ito, inakay niya papasok ng bahay si Vince hanggang sa kwarto niya, Hanggang sa naroon naipunta na nya ng kama si vince, nag aalala si Abby baka daw mamaya ay gawin na naman na magbold ni Alvin doon sa kwarto niya, tulad noon nang malasing si Vince.
.
Abby : Vince umayos ka ha, huwag kang magsusuka, at huwag ka ding mag-huhub–
.
Hindi itinuloy ni Abby ang sinasabi.
.
Abby : mahiga ka na nga lang.
.
Ipinahiga niya si Vince sa kama, tinanggal niya ang sapatos nito, at hanggang sa nagulat si abby dahil naghuhubad ito.
.
Abby : hoy bakit tinatanggal mo yong damit mo?(naalarma niyang tanong)
Vince : Hindi ako makakatulog pag may damit, lalo na ito polo naaalinsanganan ako.
Abby : bibigyan kita ng damit na manipis, tyak ko na hindi ka maaalinsanganan pag suot mo yun.
.
Hinanap ni Abby ang manipis niyang Tshirt, at ng makita niya, ay isinuot na niya kay Vince iyon, nahiling ni Abby na sana ay huwag magsuka si Vince, si abby ay nanatili lang na naka upo sa kabilang gilid ng kama, pinagmamasdan niya ang nakapikit na si Vince, hindi niya sigurado kung nakatulog na ito, iniisip ni Abby, kung sa labas na lang siya ulit matutulog, ngunit naisip din niya na mamamaya daw ay magsuka si Vince kung lalabas na siya agad, meron siyang palanggana sa ibaba ng kama, pang antabay daw kapag masusuka si Vince dahil ayaw niyang masukahan ang kanyang kama, hihintayin na lang daw muna niya na makatulog ng mabuti ito, bagao siya lalabas, sa kakahintay niya ay di na niya namalayan na nakatulog na siya sa tabi ni Vince, at hanggang sa pagsapit ng umaga, pamulat ng kanyang mga mata, hindi siya makakilos dahil dahil nakakulong siya sa mga yakap at dantay na Vince, hindi alam ni abby ang gagawin, natataranta siya mga sandaling iyon, dahan dahan niyang tinatanggal ang braso ni Vince na nakayakap sa kanya, ngunit laking gulat niya ng mas humigpit ang mga yakap ni Vince sa kanya, at mas lalo pa siyang kinabig nito palapit, at ang mukha ni Vince ay halos nakadikit na sa pisngi niya, at ramdam na ramdam niya ang ang hininga ni Vince na tumatama sa kanyang pisngi, sobrang bilis na ng tibok ng puso niya, nagtatanong ang isip niya kung gising na daw ba kaya si Vince, at ng maisip nga niya na baka gising na ito, at baka daw gusto lang siyang igoodtime nito, mabilis siyang kumilos.
.
Abby : hoy Vince umayos ka nga!(malakas niyang sabi)
.
Malakas siyang kumawala sa pagkakayakap kay Vince, at hanggang sa makawala na nga ito, samantalang si Vince ay nanatili itong nakatulog, nakahinga ng maluwag si Abby, mabuti na lang daw ay tulog pa si vince.
.
Abby : woahh grabe, ang hirap nito, nakakainis ka Vince, pinahihirapan mo ako!!(sabi sa isip)
.
Mabilis nang lumabas si abby ng kwarto, at nang makalabas ng kwarto si Abby, ay nagmulat ng mga mata si Vince at nakaguhit ang mga ngiti sa kanyang labi.
.
Itutuloy..
.
Ipagpaumanhin po kung natagalan, dami ko lang pong ginagawa kasi ngyon.naging busy ako..salamat po sa mga patuloy na nagbabasa..






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Hilda valenzuela

    Sana po masundan na Ng episode.

  2. Hilda valenzuela

    sana po masundan na episode.

Leave a Reply


top