Dangerous Love Chapter 3


Dangerous Love❤️
💮Chapter 3💮
Summer POV
Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina na may nambastos saakin habang kumakanta ako.
Naiyak nalang ako bigla dahil naawa ako sa sarili ko dahil sa ganitong lugar ako nagttrabahaho.
Kaya nagkakamalan na tuloy akong babaing bayaran.
Nilapitan ako ng kaibigan ko.
“Okey kalang ba?” Pag aalala nyang sabi saakin
“Oo okey lang ako.”
“Pasinsya kana lassing lang kasi ang costumer na iyon..”
Pina uwi mona nila ako dahil sa nangyari. .
Kaya nandito ako ngayon sa ospital binabantayan ang nanay ko.
Hindi parin talaga mawala ang takot na naramdaman ko dahil sa nangyari.
Kilalang kilala ko ang taong nambastos saakin dahil angkan nya ang mga taong nagpahirap sa papa ko sa kulongan. Ang kina iinis ko bakit nagpakita pa sya… Kakalimutan kona sana ang lahat pero ng nagpakita ang lalaking iyon. . Muli kung naramdaman ang poot at galit ko sa pamilya ni Jordan. Sila ang dahilan ng pagkamatay ni tatay at sila ang dahilan kung bakit lagi akong pinaparusahan ni Nanay.
Dahil hindi ko sinusonod ang gusto ni nanay. . Gusto ni Nanay na akitin ko ang taga pagmana na si Aiden.
Pero hindi ko kayang akitin sya. Hindi ko kayang mapalapit sa kanya. Hindi ko kayang may niluluko akong tao.
Nagsinungaling ako na walang maalala sa nangyari saakin dahil ayaw kong ipilit nanaman saakin ni nanay na akitin si Aiden.
Dahil kahit anong gawin ko hinding hindi mahuhulog ang loob saakin ni Aiden.
Kaya ako na ang sumoko at umiwas kay Aiden isang taon na ang nakakalipas. . At ayaw ko nang magkrus pa ang landas naming dalawa ni Aiden.
Pero hito ang kuya nanaman nya ang magpapabalik sa poot at galit ko sa pamilya nila.
Namumuo na ulit sa puso ang maghigante pero mali parin na gumawa ng masama.
Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko gagawin ang gusto ng nanay ko. Ayaw kong mag higante dahil alam mo makakarma din ang taong nagpahirap sa tatay ko sa kulongan.
. . . . . . . . . . . .
Kinaumagahan ay naghahanap ako ulit ng trabaho. . Sa gabi lang kasi ako nagttrabaho sa Bar. . Pag nakahanap na ako ng matinong trabaho aalis na ako sa Bar na iyon.
Ang totoo nyan may nahanap akong magandang pagtrabahuan kaya lang pag aari iyon ng mga Salazar.
Alam kong maganda ang opportunity ko doon pag nag apply ako kaya lang pag aari iyon ng mga Salazar. At ayaw kong may nakikita akong kampon ng mga Salazar.
Pero kung hindi ako mag aapply dito baka . habang buhay na akong magttrabaho sa Bar na iyon.
Kung paeeralin ko ang pride ko walang mangyayari sa buhay ko. Ito lang ang pag asa ko alam kung makakapasok ako sa trabaho sa restawran na iyon pero natatakot parin akong umapak sa pag aari ng mga Salazar dahil sinusumpa ko ang mga Salazar.
Pero wala na akong choice kundi ang mag apply at umalis sa Bar na iyon.
Pumasok na ako sa Loob ng Restawran na iyon siguro naman wala doon ang Boss nila.
Nag apply na ako. Sabi ko na nga ba na...


pasok ako sa trabaho na ito kaya lang waitress lang ang napasukan ko kung nag apply lang sana ako noong isang araw baka mas mataas ang nakuha kong posisyon. .bagong bukas lang ang Restawran na ito kaya talagang marami silang ihihire. .
Pero okey lang atleast may trabaho na ako. Kahit papaano malaki din ang sahod. Lalaki pa daw ang sahod ko pag nag marami na ang costumer na pupunta kaya kailangan daw paghusayan ang trabaho para malaki sahod. .
Bukas nang umaga daw ako magsisimulang magtrabaho dahil bukas. . Magbubukas na sila.
Masaya kung ibinalita sa kaibigan kong si Clara. Masaya naman syang malaman na nakahanap ako ng desinting trabaho. Pero pinigilan mona nya akong wag monang mag resign sa Bar kasi wala pa daw silang nakukuhang bagong Singer.
Nangako ang kaibigan ko na pag may nahanap na daw sila na bagong singer saka daw aalis.
Pumayag naman ako malaki naman sahod kaya hindi mona ako umalis sa BAR na iyon.
Alam ko na balang araw makikita ako dito ni Aiden kaya hinanda kona ang sarili ko sa muli naming pagkikita.
Siguro nagtataka kayo kung paano kami unang nagkita ni Aiden.
Una kaming nagkakilala ni Aiden ng pinipilit ako ni Nanay na akitin sya.
Sinundan ko si Aiden sa Davao nalaman ko na hinahanap nya ang asawa nyang si Roxanne.
Nag panggap akong may alam sa kinaroroonan ni Summer para naman mapalapit ako sa kanya kaya lang biglang nagkagulo nalaman nya na nagpapanggap lang ako na may alam so yun nagalit saakin. Hindi na kami nagkita pa mula ng magalit sya saakin.
Kaya hinahanda kona ang sarili ko na makita sya sa Bar na ito. Alam ko naman na hindi ko sya maiiwasan.
💮💮💮💮💮💮💮💮
Jordan POV
Nagising ako na masakit na masakit ang ulo ko. Nakita kong nakatayo si mama sa harap ko at masama ang tingin.
“Ano ba ang ginagawa mo. . Bakit kaba naglassing kagabi?” Galit na sabi ng mama ko.
“Nagkayayaan lang kami ng mga ka officemate ko. Wala namang masama doon. ” Pagdadahilan ko.
“Nalaman ko na may Binastos kang babai doon. ”
“Ma… Ayaw ko mo nang pag usapan yan. Masakit ang ulo ko wag nyo nang dagdagan.”
Biglang may pumasok na Maid.
“Sir, kung gising na raw po kayo. . Pumunta daw po kayo kay Don. Salazar kakausapin ko daw kayo. ”
“Sabihin mo pupunta ako.”
Lumabas na ang maid.
“Ako mona ang kausapin mo”
“Ma! Mamaya na Dadaan pa ako kay Lolo may sasabihin daw sa akin. Maiwan ko mona kayo. ”
Lumabas na si Jordan sa kwarto nya at pumasok na sa office ni Don. Salazar.
“Pinapatawag nyo daw ako Lolo.”
“Oo. . Dahil may kailangan akong ipagawa sayo. Ngayong araw na ito magbubukas ako ng isang Restawran at gusto ko ikaw ang magmanage ng Restawran na iyon. Siguraduhin mong mapapalago mo ang Restawran na iyon. At dito mo mapapatunayan kung hanggang saan ang kaya mong gawin. Patunayan mong karapat dapat kang maging taga pag mana”
“Maasahan nyo po ako Lolo. Hindi ko kayo bibiguin. ”
Napangiti sya dahil pagkakataon nyang ipakita ang kakayahan nya at sisiguraduhin nyang karapatdapat syang maging taga pagmana.
To be continue






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top