His my Doctor and Im His Patient
AUTHOR:Aceasher Weiner
Status:On Going
–chapter 1–
HAZEL P.O.V
“..Okay lang ba ang anak ko doc?” .Rinig kong tanong Ni Mommy,Nakapikit lamang ako habang pinakikinggan ang Sinasabi nila.
“Sa Ngayon po Oo,Pero hindi ko po sigurado ang pwedeng mangyari sa Inyong anak….
At Hindi Rin po namin Magagabayan ang inyong Anak dahil sa Kulang ang aming kagamitan para sa Operasion at sa pag papagamot..”
Rinig kong sagot ng doctor kay Mommy,Narinig ko pa ang pag buntong hininga ni Mama.
Alam kong Sobrang rami ng Problema ang Dinaranas ni Mama dahil saakin.
Bakit ba kasi may sakit ako…
siguro kung di nalang ako naging Anak ni Mama sigurado ay walang Magiging problema si Mama.
Ako lang naman lagi ang nag dadala ng sakit ng ulo kanila dad,At dahil doon ay Umalis si dad papuntang Hawai para Ituloy ang na udlot na trabaho niya bilang Isang Piloto.
oo aaminin ko na Saksakan kami ng Yaman,Marami kaming pera.Bahay,Pagkain.
Pero,Lahat ng perang iyon Hindi makakatulong sa Pag galing ko.
Bakit?
Alam ko namang wala ng gamot saakin,Para saan pa ang Pag sasalba saakin eh kung una palang ay di na mangyayari yon..
Buti sana kung sa Movie lang na kapag may Heart Disease,Heart donor lang ang katapat para mabuhay.
Iba talaga ang tunay na buhay kaysa sa Totoong Realidad.
“Pero paano si Hazel?Mayroon bang Private hospital na pwede na ming lipatan?” .Rinig kong tanong Ni Mama,nag tutulog tulugan lang ako kasi Papainumin nanaman nila ako ng Gamot.
ew,Pait pait Parang Gusto kong isuka baga ko sa sobrang pait.
“Yes Meroon po akong alam na pwede nyong Lipatan…
Saglit po at isusulat ko lang ang Address..” .Rinig ko ang pag alis ng doctor,Idinilat ko ang mata ko ng Kaunti at nagulat ako ng Makitang nakatitig si Mama saakin.
Titigan kaming dalawa.
Anak ng kamatis,papainumin nanaman ako ng gamot!
Ayaw!
Mabilis kong ipinikit ang Mata ko.
“..Gising ka?”
“Di ma..tulog po ako..–Aray!”
Napangiwi ako ng Kurutin ako ni Mama sa Braso.
“Ikaw!pilosopo ka ha!” .Sumbat ni Mama saakin habang dinidilatan pa ako ng Mata.
“Mama naman eh Binibiro lang kita..Huhu!” .mangiyak ngiyak kong Hinimas ang Namumulang braso ko.
Ito lagi ang Umiikot sa utak ko eh..Bakit ba ang hilig Mangurot ng Mga Mama?
Bakit?
Sakit kaya,Tapos ang tulis pa ng Kuko.
“Ma ayoko uminom ng Gamot…” .Pag iinarte ko kay Mama.
“Di kana iinom ng Gamot,Lilipat na tayo ng Hospital…” .Tumango ako.
Bumalik ang doctor dala dala ang Isang maliit na papel.
“Ma’am itong hospital po ang Pinaka maganda at Mas May maayos na kagamitan..Pero
Tanging may kaya lang po ang nakakapasok dito,Masyado pong Mahal ang Lahat ng gastusin doon.”
Tinignan namin ni Mama ang Adress.
Biaves hospital
ayan ang pangalan ng Hospital.
“Sige salamat doc,Wala akong paki kung gaano kalaki ang babayarin,Basta gumaling lang ang anak ko..”
Halos maluha ako sa Sinabini Mama.
Napayuko ako upang itago ang Namumuong luha sa aking Mata.
Pero paano kung hindi ako gumaling…?
—
——
Sarap
Hawak ko ang Isang Ice Cream habang Nilalasap ang toppings sa Taas,Hinihintay ko si mama na matapos makipag usap sa Nurse.
Nandito na kami mismo sa hospital,
biaves hospital,Halatang may kaya lang talaga ang Makakapasok dito.
Labas palang pang Sosyalin na,
May Malaking istatwa sa Gitna ng Daan.
Napakalawak Dito,Tapos Ang laki ng Building.
Kahit saan ako tumingin ay Puro mga Pasyente na nakaupo,Nasa wheelchair o Nag...