His Lola’s Last will Chapter 1


His Lola’s Last will
Chapter 1
Nagising ako sa ingay ng mag asawang nasa kabilang kwarto ko. As usual nag sisigawan na naman.
Every single morning day.
Sila na ata ang pinaka epiktib kong alarm clock sa umaga. Walang silbi ang alarm ng phone ko sa kanila.
Samahan mo pa ang maingay na mrt na nasa ulunan ng apartment ko at mga jeepney na tila nagpapaligsahan sa pagpapatunog ng mga busina.
Oh diba complete orchestra.
Pero bukod sa mga ingay na nabanggit ko ito na yata ang pinakamatinding pampagising na natanggap ko ngayong umaga.
‘Anak may ibabalita ako sayo wag kang mabibigla’
Napahigop ako ng mainit ng kape bago sumagot. Kailangan ko munang initan ang sikmura ko bago ko namnamin ang problemang hatid ng tinig ni mama na nasa kabilang linya ng telepono ko.
Okay im ready..
‘Anu yun mama..’
‘Si papa mo..’ ano natukhang na ba? Isip isip ko .
‘Anong nangyari ke papa?’ matabang pa sa kapeng iniinom kong naitanong.
‘Nahulihan ng sh*bu..’
Oh okay.. as if may pagbabago pa sa ama ko.Sa loob ng 25 years ko sa mundo hindi na nawalan ng problema si mama sa magaling nyang asawa.
Totoo nga siguro ang kasabihan ng mga matatanda saming probinsya. Ang ad*k ay ad*k. Babalik babalik parin sa bisyo kahit na anong gawin. Well hindi ko namn nilalahat. Siguro nga nagbubukod tangi lang talaga ang ama ko.
Bukod tanging ad*k.
So ano nanaman ang gagawin ko? Tumataginting na pera nanamn ba ang nagbabadyang lumipad mula sa bulsa kong said na?
‘Anak.. baka naman..’
‘Ma.. wala pa akong pera, kakaumpisa ko palng sa work ko..’ ni hindi pa nga ako nakakaisang linggo sa bago kong trabaho. Utang pa nga ang gingastos kong allowance dito sa manila.
Sa loob ng dalawang buwang pamamalagi ko rito mula ng umalis ako ng probinsya ay nito lang ako nakahanap ng matinong trabaho.
Trabahong hindi ko kailan man pinangarap.
Care giver. Nang mga matatanda pa.
Kaso wala akong choice. Kailangan eh.
Hindi kami mayaman. At may isa pa akong kapatid na nasa kolehiyo.Pasanin pa ang ama kong walang s*lbi.
Hays..
‘Kailan ka ba kasi kukunin ng pinsan mo sa America’ napaikot ako ng mata sabay ipit ko ng phone sa kabilang balikat habang abala ang kamay ko sa pag tu- toothbrush.
‘Ma, hindi pa nga pwede need ko pa ng experience ng pagiging care giver..’ paulit ulit na lang kami. Required nga ang current experience para mapasa yung application ko sa US ayon narin kay Regie , ang long lost kong pinsan na nakadistino sa Tate, at syang nag suggest sakin na mag aral ng care giver. In demand daw kasi sa States ang ganung trabaho ngayon at dahil sa pangarap kong makapag abroad at maka ahon sa hirap ,napilitan akong mag switch ng career.
‘Eh hanggang kailan ka ba jan?’
‘Mga six months siguro, depende.. basta need ko lang ng experience..cge na ma maliligo na ako baka malate pa ako’ pagdadahilan ko, the more na humahaba kasi ang usapan namin the more na nadaragdagan ang lintanya nya.. yoko na, kota na ako today.
‘Um anak.. sandali lang.. kung pwede sana mag abot kanamn dito kahit konti lang’
‘Ma.. wala na nga akong pera, hindi ba nakaka bale naman kayo sa factory , try nyu muna dun..’ naiirita na ako. Ano ako bangko?Unli money. Ganern.
‘Hindi na kasi ako makakabale dun anak..’may kung anong pag aalinlangan sa himig ni mama na nagbigay agad ng konting kaba sa dibdib ko.
‘Ba-bakit?’ Dont tell me nagsara na ang factory? Or worst..
‘Anak, na lay off ako..’
Nalulon ko ata ang minumumug kong tubig sa gulat.
May ilang minuto na akong nakatayo sa harapan ng ATM machine.
Kahit saang angulo ko tignan ang amount na nilalaman ng atm card ko hindi ko pa rin mababago ang numerong nakarehistro dito.
1545 pesos.
Ang kaisu isunang perang naitabi ko mula sa dati kong trabaho bilang private teacher sa probinsya namin bago ito nagsara dahil sa bankruptcy.
Pang emergency sana. Pero hindi ko iniexpect na sa gantong emergency ko ito magagamit.


/> Sh*t talaga.
Wala na yatang katapusan ang problema ko.
Mag p*k-p*k na lang kaya ako?
Kaso ano naman ang ma i oofer ko?’
Hindi naman ako marunong mag helicopter.
Virg*nity na lang ang maipagmamalaki ko.
May bibili ba ng isang milyon nito sa panahon ngayon?
Sh*t na nababal*w na ata ako.. makapagwitdraw na nga At naghihintay na si western union sakin..
‘Excuse miss , marunong ka bang gumamit nyan? If not, pwede ba tumabi ka muna, nakakabaala ka ng pila.’
Saglit naiwan sa ere ang aking daliri pagkarinig ko sa mala announcer sa radyo na tinig ng lalaki na nagmula sa aking likuran .
Gusto ko sanang lingunin ito para tapunan ng tingin pero mas hinihingi ng oras ko ang pag lalabas ng pera, lalo pa ilang minuto na lang malalate na ako.
Kaya mamang ano please lang mag hintay ka jan.
‘D*mn it ! Hanggang dito ba namn mabagal pa din ang mga tao! Of all places bakit kasi dito pa ako sa pinas na napadpad!’
Napatikwas ang bagong ahit kong kilay at hindi na ako nakatiis. Abat ang yabang .. so anong ibig nyang sabihin, makukupad ang nga tao dito sa pinas! Teka nga..!
Inis na nilingon ko ang mainiping , feeling state side na kurimaw at handa na talaga akong bigyan ito ng isang matinding…
Oh my.. ang pogi naman nito..
Ang malulutonng kong mga mura na dapat sana ay ibabato ko sa damuhong ito ay napalitan ng pag singhap.
Literal atang binahayan ng langaw ang bibig ko sa luwang ng pagkakaawang nito.
He’s probably 6 footer, balingkinitan, moreno pero makinis, mukhang CEO sa mga nababasa kong pocket book dahil sa mala Mr. Gray nitong pormahan. Kumpleto sa business attire.Sa likod ng makapal na lente ng salamin nito ay kita ko parin ang kagwapuhan nya. Makapal na kilay, matangos na ilong , malalalim na kulay tsokolateng mga mata na para bang sa tingin palang pigtas na lahat ng dapat mapigtas sa suot mo, at ang mga labi nya , sh*t ang pupula na medyo kumibot pa dahilan para mapakurap ako.. ng mga dalawang beses ata,
In short ang yummy nya!
‘Are you done?’ Boses palang ulam na!
‘Huh? Dan? Sinong dan?’ Sh*t nag hang ata ako.
‘I said tapos ka na bang gumamit ng machine?’
‘Ah machine.. um’ bigla akong natang*han at napatitig sa atm card ko. Ano na nga bang gagawin ko?
‘F*ck!’ yung mura nyang iyon ang nagpabalik ng huwisyo ko at matik na nag painit din ng magkabilang pisngi ko.
‘Um.. ano sorry naman.. saglit lang po’. Gusto kong batukan ang sarili ko nang muli akong humarap sa atm machine.At litong napapindot ng aparato.
What the.. bakit ba ako nag sorry? At bakit ba kasi ang tagal lumabas ng pera ko! Bw*set bigla akong na pressure ke mamang pogi!
Halos ma pa amen halelluah ako ng sa wakas lumabas na din ang pera ko.
‘Thank God shes done!’ Sarkastik ang dating nang tinig nyang iyon kaya matik muli akong napapihit ng tingin.
This time hindi ko na napigilang irapan sya ng matalim.
Pero ang tindi. Ni hindi man lang tinablan. Bagkus tinaasan lang din ako ng kilay.
‘May I?’ Blangko ang mukhang anas nya sakin na para bang inip na inip nang palayasin ako sa pwesto ko.
‘Hmp! Eh di yan,. Enjoy!’ Tinapatan ko ang pagka sarcastic nya kanina sabay layas.
Ni hindi ko na binigyan ng isa pang sulyap ang anim*l.
Nagpupuyos ang damdamin ko sa inis!
Sino ba sya?!
Pogi nga, Antipatiko naman!
Nang bigla kong maalalang sipatin ang relo ko.
Anak ka ng..! ! Malalate na pala ako!
Nang dahil sa lalaking iyon mapapagalitan na naman ako ng amo ko!
Mamaya na lang ako magpapadala.
Ibinulsa ko ng maigi ang na withdraw na pera sa shoulder bag ko.
Nang may napuna akong parang may kulang sa dala ko.
Hmp! Mamaya ko na lng alalahanin, ang mahalaga nandito ang cash ko. Maya pay nagmamadali na akong pumara ng taxi.
May 5 minuto pa ako bago malate!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top