The Broken Wife Chapter 30


Serenity
Sobra-sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon lalo na at hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa aking pamilya. Simula nang matanggap ko ang kahon na iyon ay naging ganito na kami ngayon. Sinabi na ni Ryker sa kanyang mga magulang ang naging dahilan ng pag-alis namin sa aming sariling bahay at agad naman silang nagsuplong sa pulis.
Katatapos ko lamang maligo at papunta na ako sa may kusina nang makita ko sila Linda at Maria na nagbubulungan. Nang makita nila ako ay agad naman silang tumigil at saka napatingin sa akin. Agad nila akong inalokan ng pagkain na akin namang malugod na tinanggap.
“Ma’am, ayos lang ho ba kayo? Mukha ho kayong matamlay ah?” tanong ni Linda sa akin at hindi ko na lang sinagot si Linda at nagsimulang kumain na.
“Si Ryker nasaan siya?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Ahm, pumunta ho sila ni Sir Mark sa town para raw ho mamili ng mga groceries.” Napatingin ako kay Maria at Linda sabay nagtatakang nagtanong sa kanila.
“Groceries? Akala ko ba ay nakabili na si Mark kahapon? Bakit bumibili nanaman sila ng groceries?” Nagtinginan naman silang dalawa sabay nagkibit balikat sa aking tanong. “Iyong mga bata nasaan ho sila?”
“Ay, sinama ho silang dalawa ni Sir Ryker, Ma’am. Nagpumilit ho kasi iyong kambal kaya napilitang isama sila ni Ryker.” Napatango naman ako sa isinagot ni Ate Linda sa akin at itinuloy ang aking kinakain.
Nang matapos kong kainin ang aking almusal ay kinuha ko itong pagkakataon upang mag-ikot-ikot dito sa biniling bahay ni Ryker. Habang nagiikot ay napadpad ang aking paa sa may pinto ng library room. Pagpasok ay namangha ako sa laki nito dahil ang daming mga libro at lahat ng nandito ay halos libre lahat tungkol sa medisina.
Habang nag-iikot ako ay isa-isa kong dinaanan ang bawat libro na aking makita nang may mahagip ang aking mga mata. Sa lahat ng libro ay ito lamang ang tangin nag-iisang malaking libro at kulay asul ito pero dahil sa kalumaan ay may halo na itong alikabok. Hinugot ko ito at saka nakita ko na mukha itong photo album kaya naman binuklat ko ito. Medyo makapal ito kaya naman sigurado ako maraming litrato ang nakapaloob dito.
Habang linilipat ko ang pahina ng bawat album ay natutuwa ako sa aking nakikita dahil mukhang photo album ito ni Mark noong bata pa siya. Iyong mga litrato na nandito ay mga picture niya noong baby siya hanggang sa lumaki siya hanggang sa nag-aral at kung anu-ano pa. Parang bawat chapter na nangyari sa buhay niya ay nandito. Akmang isasara ko na ito nang paglipat ko ay nakita ko ang litrato ni Ryker at may kasama siyang babae. Pagtingin ko sa baba ng litrato ay laking gulat ko na kuha ito sa America. Ang nakapagtataka ay parang kinuhanan lamang ito ng hindi alam nina Ryker at Laila.
Tinignan ko ang sunod na pahina at lahat ng mga kuha na nandito ay walang iba kundi sina Ryker at Laila na magkasama, kumakain, magkayakap, at marami pang iba. At kapansin-pansin na lahat ng ito ay mga stolen lamang na para bang nakasunod si Mark sa kanilang dalawa. Gusto ko nang itigil ang pagbubuklat nang sa sunod na pahina ay napamaang ako at halos magulat sa aking nakita. Sina Mark at Laila na magkasama habang naghahalikan na para bang wala nang bukas at ang mas nakagigimbal sa lahat ay nakita kong suot ni Laila iyong singsing na binigay sa kanya ni Ryker. Ito iyong daliri na nakuha ko na nakapanloob sa isang kahon. Laila is two timing Ryker with his bestfriend Mark at ang nakakatakot ay alam ni Mark na sila noon nina Laila at Ryker.
Bumalik lahat sa akin ang mga sinabi ni Ryker noong mga panahon na natanggap ko iyong kahon. Ito iyong mga panahon na wala na si Laila sa Pilipinas pero si Mark ay nandito sa Pilipinas. Kahapon ay wala si Mark pero kagabi ay nalaman naming nasira lahat ng mga gamit sa aming bahay. Halos lumaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko at mapagtagpi-tagpi ko ang lahat ng aking mga nalaman. Mark is in love with Laila, and he wants to take revenge on my family and me. He wants to kill Ryker to avenge for Laila. Agad kong nabitawan ang hawak kong album at dali-dali akong lumabas ng library room.
Histerikal kong hinanap ang aking cellphone upang tawagan si Ryker at nang mahanp ko ito ay hinanap ko ang susi ng aking kotse habang dina-dial ko ang number niya pero cannot be reach na ito. Oh my god, please be...


okay. Naiiyak na ako at hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin at nagdadasal na lamang ako. Hindi ko pa rin ma-contact si Ryker kaya naman bumaba ako nang makita ako nila Linda.
“Ma’am? Hala dios ko ayos ka lang ho ba?” tanong ni Linda.
“Linda kailangan kong sundan sina Ryker dahil nasa kapahamakan sila,” umiiyak kong sabi at pilit akong pinapatahan ni Linda. “I need to follow them please!”
Dumating naman sina Kuya Robert at Maria na nagtatakang napatingin sa akin at tinanong si Linda kung ano ang nangyayari? Agad ko namang linapitan si Kuya Robert at sinabing ipag-drive niya ako papunta sa town.
“Ma’am Serenity, maghunus dili ka ho at baka mapano ang bata sa sinapupunan mo,” pag-aalalang sabi sa akin ni Maria pero hindi ako nakinig at patuloy na umiiyak at nakikiusap kay Kuya Robert.
Tumango na lamang si Kuya Robert at akmang bubuksan na sana ni Kuya Robert ang pinto ay ilinuwa nun sina Ryker, Ryder at Ryleigh na may bitbit na mga pagkain at kung anu-ano pa. Nang makita ko sila na ayos lang ay gano’n na lamang ang tuwa ko kaya naman nawala ang aking kaba at agad na sinugod ng yakap si Ryker ng sibrang higpit sabay yinakap din ang aking mga anak.
“Serenity?” tanong ni Ryker sa akin pero umiyak lamang ako.
“Mommy? Are you okay? Why are you crying?” tanong ni Ryleigh sa akin at umiling lamang ako.
“My love, what’s wrong?” Humikbi ako at pinahid ko ang aking luha at akmang sasabihin na kay Ryker ang aking nalaman nang makita ko si Mark na papasok na sana ng bahay.
Agad akong natakot at gano’n na lamang ang galit ko sa kanya sabay sinugod siya ng sampal at suntok na ikinagulat nilang lahat. Rinig ko ang mga sigaw at singhap ng mga tao sa aking paligid at pilit naman akong inawat ni Ryker habang si Linda ay kinuha ang mga bata papasok sa loob. Si Kuya Robert naman ang pumagitna sa amin habang nakatayong gulat na gulat lamang si Maria sa isang tabi. Sinigawan ko si Mark pero pilit akong pinigilan ni Ryker.
“My love, stop it! What the hell is wrong with you?” Pigil sa akin ni Ryker pero umiyak ako at napaupo sa sahig.
Agad namang nagpakuha si Ryker kay Maria ng isang baso ng tubig at pilit akong pinapatahan ni Ryker. Nakita ko rin na may sugat sa kanyang pisngi si Mark at masama akong napatingin sa kanya sabay napatingin sa aking asawa.
“Alam ko na kung sino ang nagpadala ng kahon sa akin at alam ko kung sino ang pumasok sa bahay natin para guluhin ito.” Napakunot si Ryker na napatingin sa akin sabay itinuro si Mark.
Nakita kong lumaki ang mga mata ni Mark sa aking sinabi lalo na nang ituro ko siya. Napasinghap sila Linda at si Kuya Robert naman ay hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. Nakita kong umiling si Ryker sa aking sinabi at mukhang hindi siya naniniwala sa aking sinabi kaya naman pinakuha ko kay Maria iyong album na nakita ko sa library room kanina. Pagkakuha niya nito ay agad ko itong inabot kay Ryker at pinakita sa kanya iyong litrato na aking nakita.
“W-What is she saying bro?” pakunwaring tanong niya kay Ryker.
“Huwag ka nang magmaang-maangan pa! Huling-huli ka na sa kasinungalingan mo!” sigaw ko sa kanya at kita ko ang galit sa mga mata ni Ryker.
Tumayo si Ryker at napatingin ng diretso kay Mark at napatingin naman si Mark sa hawak ni Ryker na album. Nakita ko na nawalan ng dugo ang mukha ni Mark dahil sa kaba.
“Ryker, I-I can explain.” Ibinato ni Ryker sa kanya iyong album at sinugod niya rin ito pero agad naman siyang napigilan ulit ni Kuya Robert.
“Hayop kang tarantado ka! Itinuring kitang kaibigan pero aahasin mo lang pala ako! Hindi ka na nakontento at pati pamilya ko gusto mo pang saktan!” Turo niya kay Mark samantalang tinulungan ako ni Maria na tumayo. “I trusted you like a brother, you asshole!”
“Ryker, hindi mo ako masisisi kung minahal ko rin si Laila. Kaso hindi ko alam na—”
“Hayop ka!” Susugurin sanang muli ni Ryker si Mark pero bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at natumba ako dahilan para mapasigaw si Maria.
“Ma’am! Ma’am! Sir Ryker, si Ma’am Serenity po!” rinig kong sigaw ni Maria.
Ang huling naalala ko na lang ay ang mga sigaw ni Ryker at Maria at tuluyan na akong nawalan ng malay.
– sa lahat ng humula na si Mark ang kasabwat… Basahin nio nlng pero… 😂 –






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top