HOW I LEFT HER


HOW I LEFT HER
🖊️R.V Nightmare
“Anak sana pagdating ng panahon na magkakaroon kana ng anak at sariling pamilya h’wag mong gagayahin si Papa,”
Isa akong grade 12 student at transferee sa skwelahan na ito. Ang hirap pagwala kang kakilala no? Wala naman akong magawa kung hindi sumunod nalang kay Mama at para sa’kin din naman ‘to.
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko ang isang Dalaga na mala-diyosa ang ganda. Nang mga oras na ‘yon ay nagbago ang pakirandam ko. Tila huminto ang pagtakbo ng oras nang kami ay magtagpo at pagtibok ng puso ko’y bumilis at siya si Aki.
“Good morning, pwede ba magtanong? Saan ang classroom ng grade 12?”
“Transferee ka? Tara dali! Ipapakilala kita sa mga classmate natin tiyak na matutuwa sila!”
tugon nito at nabigla ako sa paghawak niya saking mga kamay at paghila papasok ng silid aralan.
Tulala lang ako sa kanya habang siya ay nakangiti at sabik na ipakilala ako sa mga kaklase namin.
Pagpasok pa lang namin ay agad niya akong dinala sa gitna ng classroom malapit sa pisara at tinawag ang atensyon ng lahat.
“May bago tayong classmate after many years si Kaito!”
tuwang-tuwa na sambit ni Aki.
“Ako nga pala si Kaito Satō masaya akong makilala kayo,”
Nakakatuwa lang dahil ganoon nalang nila ako kung i-welcome.
-Recess time-
Katabi ko Aki sa upuan at kasama namin ang aming mga kaklase. Madali naman silang pakisamahan wala akong bigat na nararandaman at pinaparandam nila sa’kin na hindi ako bago o iba sa kanila.
“Wag ka mahihiyang maki-belong saamin ah!”
saad ni Aki habang akbay ang balikat ko.
“Salamat sa inyo,”
“Ano kaba tol? Natutuwa nga kami dahil may bago kaming kaklase,”
wika ng Lalake naming kaklase.
“Oo nga biruin mo ‘yon ilang taon ang dumaan bago ka dumating dito saamin!”
dagdag pa ng isa kong kaklase.
-Makalipas ang ilang buwan-
Kasabay ng paghaba ng panahon na pagsasama namin ni Aki ang paglalim ng nararandaman ko para sa kanya. Kung dati lang ay simpleng paghanga ngayon ay napapalitan na ng pagmamahal. Gusto ko ng aminin ang pag-ibig ko sa kanya subalit pinangungunahan ako ng takot na baka pagnalaman niya ito ay malamatan ang pagkakaibigan namin.
Dumating ang araw na nagkayayaan ng inuman. Saktong masama ang loob ni Aki sa mga magulang niya. At nagulat ako sa side niya na ito na daig pa ang Lalake sa pag inom.
Unang beses ko rin na makakainom ng alak hindi ko nagustuhan ang lasa pero ang hagod nito ay sobrang sarap sa lalamunan. Kaya lang ay mabilis akong tinamaan nito kahit na tatlong shot palang ang naiinom ko.
Sa apartment na tinutuluyan ng isa naming kaibigan kami naginuman. Pinagmamasdan ko lang si Aki kung paano niya tunggain na parang tubig ang bote ng alak.
Hindi kona magawa pang itayo ang katawan ko at sobra na akong nahihilo. Nang mga oras na ‘yon ay hindi kona rin alam ang mga pinagsasabi ko. Kaya aksidente kong naamin kay Aki ang nararandaman ko.
“Aki alam moba? N-na gusto kita? Unang araw palang ng pagkikita natin p*tang*na tinamaan na agad ako sayo! Kaso natatakot ako b-baka kasi nang dahil dito masira ang pagkakaibigan natin Aki, mahal na mahal kita,”
Tila natigilan ang lahat nang dahil sa sinabi ko habang nakatutok ang mga mata kay Aki.
“Ang torpe mo gago kung h-hindi kapa pala tatamaan ng alak t*ng*na hindi ka aamin? Pero Kaito gus-”
naputol sa pagsasalita si at natumba dahil sa kalasingan.
“Hindi lang pala bagyo ang nabubuo pati pag-ibig din ayeeeeh!”
panunukso ng mga kaibigan namin.
Magkahalong kaba at kilig ang emosyon na nararandaman ko. Pero mas nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Aki.
Nang lumalim na ang gabi ay nagpasya na silang umuwi habang si Aki ay tulog at mukhang hindi na makakauwi.
Kaya nagdesisyon ako na roon na palipasin ang gabi.
Magkatabi kami ni Aki sa kama habang ang kaibigan namin ay nasa sahig.
Seryoso akong nakatitig sa magandang mukha ni Aki. Akma kong hahalikan ang noo nito nang siya’y magising at magsalita.
“Kaito gusto rin kita,”
sambit niya.
Matapos ‘yon ay hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi at humalik. Sa sobrang init ng katawan ko ay hindi ko napigilan na gumanti.
Pumatong ito sa ibabaw ko habang dahan-dahan na hinuhubad ang daming pang-itaas. Pagkatapos ay sandaling tumayo para tanggalin ang tali sa buhok.
Hinimas ang hita mga hita ko hanggang dumako ang malambot niyang palad sa zipper ng pantalon ko. Marahang binuksan ito at hinimas ang bakat kong ari.


/> Matalim na tumitig sa akin bago hinubad ang suot kong salawal. Hinimas ang naninigas kong ari at saka pinasok sa kanyang pagka-babae.
-Kinabukasan-
Mailap kami sa isa’t isa ni Aki matapos ang nangyari sa aming dalawa kagabi. Nagtataka na nga ang mga kaibigan namin subalit wala kaming maisagot.
Lumipas ang ilang araw, ilang linggo at ilang buwan madalang pa rin kung kami ay magpansinan.
________________________________________________
Uwian nang makita ko si Aki na tumatakbo papuntang banyo. Kaya agad akong sumunod sa kanya para alamin kung may problema.
Nakatayo ako sa likod ng pinto para hintayin ang kanyang paglabas at dito ay nadinig ko ang pagsusuka niya.
Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na siya ng banyo namumutla at pinagpapawisan wala imik at agad na tumakbo paalis.
At hindi ko akalaing ‘yon na pala ang huling pagkakataon na kami ay magkikita. Maging mga magulang niya ay hindi alam kung nasaan siya.
Hindi na rin mawala sa aking dibdib ang kutob na baka nagbunga ang nangyari sa amin.
Malapit na ang aming graduation day subalit wala pa ring bakas ni Aki na makakapagsabi kung kumusta at nasaan na siya.
-Graduation day-
Masaya kaming lahat dahil tagumpay kaming nakapagtapos ng senior high.
Nakakarandam ako ng lungkot at panghihinayang para kay Aki sana kung nandito lang siya ay sabay-sabay kaming tutuntong sa enteblado.
Nang matapos ang graduation ay balak ng mga magulang ko na kumain sa labas ngunit tumanggi ako dito at mas pinili ko nalang na sa bahay gumawa ng selebrasyon.
Paalis na kami nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae, kaya lumingon ako.
“Kaito!”
sigaw ni Aki habang nakangiti sa akin.
Agad akong napatakbo sa tuwa. Sa wakas ay nagkita na kaming muli tatawagin ko sana ang aming mga kaibigan subalit tumanggi si Aki.
Nagpaalam muna ako sa aking mga magulang na susunod ako sa pag uwi.
Papalapit na ako kay Aki nang matanaw ko ang bitbit niya na sanggol.
“Ang cute cute naman ng baby mo,”
“Baby natin Kaito nagbunga ang nangyari sa atin,”
sagot ni Aki.
Nabigla ako sa kanyang sinabi, malalim na nag-isip at paglunok ng laway habang nakatitig sa sanggol.
Umupo ako sa isang tabi habang gulong-gulo ang isip. Hindi ko makita ang sarili ko bilang batang ama.
“Kaito hindi madaling tanggapin pero anak andito na ‘to hindi na natin mababawi pa ang katotohanan na isang Ama kana, panindigan mo naman ako pati na rin ang baby natin,”
Pagmamakaawa ni Aki.
“Mawawala ka ng ilang buwan tapos sasabihin mong may anak tayo?”
“Kaito nagtago ako dahil natatakot ako sa mga maaring masabi sa’kin ng mga tao at baka tuluyan na akong ipagtabuyan ng mga magulang ko!”
paliwanag ni Aki.
“Paano mo nasabing akin yan?”
“Kaito sa ating dalawa lang may nangyari!”
tugon niya.
Sobrang naguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari. Dali dali ko siyang tinalikuran at nagsimula sa paglalakad.
“Kaito please!”
sambit ni Aki habang bitbit ang anak namin.
Mabilis akong naglakad sa pagitan ng kalsada. Hindi pinapansin ang pagtawag ni Aki.
Samantalang siya’y parang aso na patuloy sa pagbuntot sa akin.
Pasakay na ako nang madinig ko ang pagbunggo ng kotse at sigawan ng mga tao na nagbigay dahilan para ako’y lumingon.
Sa paglingon ko ay nakita ko ang pagdami ng mga taong naguumpukan na nagdulot ng traffic. Mga dugong nagkalat sa paligid.
At nang ako ay lumapit. Tumambas sa’kin si Aki na duguan at nag aagaw buhay.
Agad na namuo ang mga luha ko sa mata at nagbabadyang bumagsak.
Nang ako’y kanyang makita ay akma niyang ibinibigay sa akin ang sanggol.
“Aki i-i’m sorry wag mo akong iiwan please! Aki!”
Akap ko ang duguan niyang katawan at ang aming anak. Habang hawak niya ang pisngi ko at pinipilit na huminga.
“Kaito, palagi mong ipapaala sa kanya na sobrang mahal na mahal ko siya, ikaw lang ang una at huling lalake na minahal ko paalam Kaito,”
sambit niya bago tuluyang mawalan ng buhay.
Walang tigil na pag-agos ng mga luha. Tanging pagsisi nalang ang nararandaman ko. Habang bitbit ang aming anak at pinapanood ng maraming tao.
-Makalipas ang isang taon-
Hawak ko si Akito ang anak namin sa harap ng puntod ni Aki.
“Aki kasama ko si Akito at gaya ng bilin mo ay araw-araw kong ipinaalala sa kanya kung gaano mo siya kamahal,
Anak sana pagdating ng panahon na magkakaroon kana ng anak at sariling pamilya h’wag mong gagayahin si Papa tumayo ka sa sarili mong paa at harapin ang lahat ng responsibilidad mahal na mahal kita,”
-Wakas-





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top