– Sa panulat ni Rocel P. Cheche
( Ang Tapatang Rolly at Rollyson).
” Rollyson, gaya ng sinabi ng Mommy at Daddy mo matagal ko na silang kakilala, Madalas nagkikita kami sa mga malalaking pagtitipon at siyempre lahat ng pinag-uusapan namin ay tungkol sa NEGOSYO pero minsan naikukuwento at napag-uusapan rin ang buhay ng bawat isa.” Pagtatakip ni Rolly at pag-iwas niya sa mga tanong ni Rollyson.
” Ah… kaya naman po pala parang kilalang kilala nyo na ang isa’t isa dahil madalas pala kayong nagkakasama sa mga pagtitipon..” paniwalang paniwalang si Rollyson.
Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ni Rolly ang totoo dahil alam niyang nasa kalagitnaan ng pagluluksa ang Mag-Ina at kung sabihin man niya ang totoo paano at saan siya magsisimula, ano ang maaari niyang sabihin at ipaliwanag kay Rollyson ngayong alam na alam niya na sobrang tindi ng pagmamahal ni Rollyson sa kinagisnang Ama na si Edward.
Lumipas ang isang linggo mula ng mamatay si Edward hanggang sa maihatid na ito sa huling hantungan, hindi parin umaalis si Rolly sa piling ni Rea, araw araw siyang naroon sa bahay nila Rea, maaga siyang umuuwi at hinahabilin na lang sa mga empleyado niya ang mga ilang trabaho na hindi na niya magawang tapusin pa para lang makita niya si Rea.
Niligawan niyang muli at sinuyo si Rea at mabilis naman siyang sinagot ni Rea ng matamis na
” Oo ” pero ito’y isang lihim, itinatago nila kay Rollyson.
Isang araw dumalaw uli si Rolly kay Rea pero ito’y sa Company nila Rea, Nang mga oras na iyon may mga meeting na dinaluhan si Rollyson at siya ang gumagawa ng mga naiwanang trabaho ng kanyang
Ama-amahang si Edward.
Pagkakataon ito sa dalawa para maipadama nila ang pagmamahalang itinatago nila magpahanggang ngayon…
Nasa loob ng office niya si Rea na mukhang abalang abala ito sa trabaho at bukas naman ang pinto pero kumatok parin si Rolly na may dalang tatlong pirasong Rosas at katamtamang laki ng box ng chocolate.
” Rea, This is Rolly… maaari ba akong pumasok? .” Pakiusap na wika ni Rolly.
” Yes! Why not?…Please come in….” wika naman ni Rea.
” This is for you.” iniabot ni Rolly ang mga dala niyang mga Rosas at chocolate.
” Wala ka talagang kakupas kupas… nag-abala ka pa, ok thanks !.” pabirong wika ni Rea.
” Rea, how many times I told you… I LOVE YOU… I love you so much.” wika ng nakangiting si Rolly.
” I know that Rolly… I LOVE YOU TOO…” wika naman ng nakangiti rin na si Rea.
Sadyang pilyo talaga...