Meant to be? Chapter 27


Naging alerto si Nice upang maiwasang maka engkwentro si Khate. Kaya kahit ang closeness nila ni Rica ay naapektuhan.
Napansin nya ring may nabago sa dalaga
umiiwas na rin ito sa kanya. At ang malala isa ito sa nagkakalat ng paninira sa kanya sa loob at labas ng klase.
Dalawang klase ang naging welcome sa kanya ng mga estudyante. Yong iba masaya at proud sa pagkapanalo nya pero may iba ring pinag kakalat ang kalandian daw nya at tuluyang inagaw ang Ace Lacson ni Khate Bermudes. Kilala kasi ang dalawa sa paaralan nila.
At sino namang di masasaktan kung pupunta ka ng cafereria maririnig at makikita mo ang pagbubulong bulungan ng mga estudyante patungkol sayo.
Kaya may mga pagkakataong habang nagtuturo ang guro.. Pumapatak na lang ang mga luha nya, kay bilis lang ng mga pangyayari. At inilihim nya kay Ace ang mga naranasan nya sa paaralan.
Total ilang buwan na lang din, lilisanin nya na rin ito. Masakit lang dahil di nya magawang ipagtanggol ang sarili, dahil makikitid ang utak ng iilan, maiistress lang sya kung kanyang papatulan.
Si Mitch lang ang tangi nyang nalalabasan ng hinanakit, college na rin ito at kaedad lang ni Khate.
Naging matatag at palaban sya sa buhay nilang mag ama na kelangan ng diskarte para umusad.
Ngayon pala’y sa buhay pag ibig nya hindi pa rin pala magiging madali ang lahat. Pero kung yon ang kapalaran na bigay ng nasa itaas☝️tatanggapin nya ng maluwag. Kahit na mahirap.
Kasalukuyan syang naglalakad papuntang antayan nya kay Ace. Nang may napansin syang sapatos na nakisabay, pag angat nya, si Grey.
Musta na..
G-Grey?
At your service maam..
Kailan ka pa dumating?
” Ikaw kasi e, nagpakita ka sakin di ako nakatiis napauwi ako ng wala sa oras dito. And I don’t care if you’re already with somebody. Kahit pa may asawa ka na, it won’t prevent me from going near you. At higit pa don.”
Di sya nakasagot, nang biglang hawakan nito ang kamay nya.. Agad nya iyong naiwaksi at kinabog na sya ng kaba na sanhi ng kanyang panginginig at pagyuko. Dumistansya agad sya.
Napaangat sya ng may marinig syang parang may sinapak o ano. Napatabon sya ng bibig ng makita si Ace na sinusuntok na si Grey. Aawatin na nya sana ng mapabaling ang mukha nito ng magantihan ni Grey, napasigaw sya sa gulat.. Pakiramdam nya sya ang nasuntok ngayo’y si Grey naman ang sinigawan nya! .. At mabilis nyang nabato ng aklat sa...


batok ang lalaki. Napalingon ito at sinamaan sya ng tingin pero sumunod ang lungkot na sumilay sa mukha nito.
Agad syang nahablot ni Ace, at muli nitong binigyan si Grey. Mas lalong bumangis si Grey at para na itong nawawala sa katinuan. Nabahala si Nice.. Mukhang magpapatayan na ang dalawa!
Napahawak sya sa kanyang tyan ng may madamang biglaang kirot. Tinambol na kasi sya ng kaba. At kanina pa sya sigaw ng sigaw..hanggang may guard nang tumatakbo patungo sa kinaroroonan nila. May mga nanonood na ring ilang estudyante.
Kinailangan pang apat ang umawat sa walang tigil na pagbubuno ng dalawa. At kahit inaawat na, sumusugod pa rin sabay kanya kanyang mura! Duguan na ang mga mukha nila pareho.
Bigla nyang sinigawan uli si Ace, dahil kumikirot pa rin ang tyan nya, nawawalan na sya ng lakas..
Tsaka pa ito napalingon, at pagkakita sa kanyang anyo, patakbo itong lumapit napalayo na kasi ang mga ito sa kanya.
Bigla sya nitong binuhat papuntang sasakyan, nakasunod lang ng tanaw si Grey.
Binisita nya lang ang dalaga dahil pabalik na rin kasi sya ng Manila. Buti natyempuhan nya pero syempre di na sya nagulat nang maka engkwentro rin ang lalaking yon! Kung di lang sila naawat, may paglalagyan ito sa kanya! Tsaka nya pinahid ang nalasahang likido sa gilid ng labi.
Sa kanyang unit napagdesisyunan ni Ace na umuwi. Ayaw nyang malaman ng papa nya ang nangyari. Dahil kung hindi sya masesermonan, baka maisipan nitong magsampa pa ng kaso. Kilala nya ang papa nya, ayaw nitong naaagrabyado ginagamit lagi ang posisyon.
Tinawagan niya si Alvin na nursing ang kurso.. Di makapaniwala si Nice na mag na nurse pala ang kwelang kaibigan nito. Wala sa itsura.
Pinalinis niya kay Alvin ang sugat at may mga gamot at panglinis na rin itong bitbit.
Habang katabi nya si Nice, ay nasa harap ng sofa ang papa nito. At pinag uusapan na nila si Greg.
Nakikita ni Nice na di pa humuhupa ang galit ng katabi. Halos tabla rin kasi sila.
Natatakot syang sa susunod, mas malala pa ang mangyayari pag nagkrus pa uli ang landas ng dalawa.
Buti at nawala na ang pananakit ng tyan nya. Nang mapagsolo sila ni Alvin sinabi nitong seloso talaga si Ace pero hindi naman umaabot sa puntong tulad nang nangyaring iyon.
Sa unit muna namalagi ang dalawa habang di pa gumagaling ang sugat ng binata. Sa sala sila natutulog ng papa ni Nice at solo ang dalaga sa kwarto.
Masaya si Nice dahil kasama nya ang dalawang superhero nya. Ang dalawang lalaking tanging pamilya nya. Ang tanging meron sya, At mahal na mahal nya ang dalawang ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top