π—šπ—œπ—₯π—Ÿπ—™π—₯π—œπ—˜π—‘π—— π—žπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š! π—”π—‘π—”π—ž π—”π—žπ—’!


π—šπ—œπ—₯π—Ÿπ—™π—₯π—œπ—˜π—‘π—— π—žπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š! π—”π—‘π—”π—ž π—”π—žπ—’!
β€œAng ganda ko, ” sambit ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.
Bihis na bihis ako ngayon dahil lalabas kami ngayon ng bunso kong kapatid.
Nangako ako dito na ililibre ko siya ng ice-cream sa mall pag nakuha ko na yong unang sweldo ko sa companya kung saan ako nagtatrabaho.
β€œAlisha! Are you done?! ” sigaw ko dito sa labas ng kwarto niya. She’s 7 years old.
Dahan-dahan bumukas ang pinto at niluwa ang cute kong kapatid.
Napangiti ako ng makita na bagay sakanya yong damit na ka-couple ng damit ko ngayon.
β€œCute mo talaga! Tara na! ” hinawakan ko kamay niya at sabay kami lumabas ng bahay.
_______________
β€œBunso oh, ” Inabot ko sakanya yong isang cup ng ice-cream.
β€œThank you, ate. ” ang lapad ng ngiti nito kaya ‘di ko mapigilan pisilin ang cute niyang ilong.
β€œMamaya pupunta tayo sa funclub maraming mga games do’n para mag enjoy ka naman, but for now ubusin mo muna ‘yang ice-cream mo, ” napatango naman siya at nagsimula na kumain.
Nasa isang table kami katapat lang ‘yong ice-cream area na binilhan ko kanina.
Nilibot ko ang paningin sa magandang view ng mall pero sa dalawang tao naagaw ang atensyon ko.
Sa tingin ko magjowa ang dalawa dahil ang sweet nila nagsusubuan pa ng ice-cream.
Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa kalandian nila.
β€œPublic place ‘to, dito pa talaga naghahalikan, ” bulong ko sa sarili habang nakatingin parin sakanila.
β€œAno ‘yon, ate?” napatingin ako sa kapatid ko.
β€œWala, tuloy molang yang kain mo, ”
Walang forever!!
Gusto ko isigaw yan para tumigil sila pero h’wag nalang masyadong maraming tao nakakahiya.
Napangiti nalang ako ng may naisip na kalukuhan.
β€œBunso, game kaba? ” bulong ko dito.
β€œSaan...


po? ” tinuro ko yong magjowa gamit ang nguso ko. Napatingin naman siya do’n.
Hinila ko siya sa gilid at nagtago.
β€œAno po gagawin? ” tanong nito.
β€œIkaw na bahala, basta guluhin mo lang sila, ” napatango naman Ito.
Matalino kapatid ko at sa murang edad marami na siyang alam.
Naglakad na ito palapit sa magjowa. Hindi ako malayo sa kanila kaya naririnig ko usapan nila.
β€œDaddy!” sigaw ng kapatid ko ng makalapit Ito.
Nagulat ang magjowa. Pinipigilan ko naman yong tawa ko.
β€œWhat did you say, little girl? ” may inis yong boses ng babae at ang sama ng tingin sa boyfriend nito.
β€œI said daddy, he’s my daddy! ” turo ng kapatid ko sa lalaki.
β€œH-hoy bata! Wala akong anak. Kung nangtrip kalang pwede ba—”
β€œNo! Mommy told me that you’re my daddy! ” sigaw ng kapatid ko dahilan ng makaagaw Ito ng atensyon ng ibang tao.
β€œCan you please shut u—”
β€œYou shut up! Girlfriend kalang! Anak ako! ” napamaang ang bibig ko at nanlaki ang mata ko at the same time natuwa dahil sa galing ng kapatid ko.
Tumayo ang babae at plano ng umalis pero pinigilan ng lalaki.
β€œCinthia, please let me explain first! Hindi ko kilala—”
Isang malutong na sampal ang binigay sakanya. Sakit non.
β€œYou lied to me! Isang pagkakamali ko na naniwala ako sa mga pangako mo, Clifford! I don’t wanna see you’re face again! We’re over! ” sigaw nito at may binato na isang maliit na bagay sa lalaki bago ito umalis.
β€œAte, umalis na tayo! ” nandito na pala ang kapatid ko hindi ko manlang napansin.
β€œSige, tara na”
β€œHoy!”
Aalis na sana kami ng sumigaw ang lalaki.
Humarap kami dito at kumaway bago tumakbo palabas ng mall.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top