WAITING FOR YOU


WAITING FOR YOU
“Hanggang kaylan ka maghihintay?” Someone asking me ,I look at her with wider smiles.
“Hanggang sa bumalik sya” kumunot naman ang noo niya
“Baka hindi na yun dumating limang taon na rin ang lumipas baka nakalimutan ka nga rin niya eh” saad nito at umalis
marami talagang taong naiinip hindi namn sila yung naghihintay
basta ngayon at sa darating pang mga araw patuloy pa rin akong maghihintay.
Ako si Athena nicole claveria ang babaeng patuloy na naghihintay.
“Babalik pa ba talaga sya? Kaylan?” Saad ko sa sarili habang naka upo sa buhangin sa tabing dagat
Minsan gusto ko nalang maniwala sa sinasabi ng iba na Hindi na talaga sya babalik..pero Hindi mag hihintay ako, alam Kong tutuparin nya ang pangako nya saking babalik sya
Flash Back
“Khalix, aalis kanaba talaga?” Tanong ko Kay khalix habang pinipigilan ang sarili sa pag luha
“Oo,athena wala rin naman akong magagawa ehh, alam mo naman yun diba?” sagot nito habang nka ngiti
“Pero babalik ka naman diba?” Muli Kong pag tanong
“Pangako Babalik ako” sagot nito at humarap sa akin
End of flashback
Your promise is my strength , please bumalik kana I can’t handle my self lalo na ngayon I have sick I don’t have a lot of time to wait for you
“Athena pumasok kana sa kwarto mo malamig dito at wag mo na syang hintayin pinaasa mo lang yang sarili mo” akira shouted, mali bang maghintay?
“Mali bang maghintay sa taong labis mong minamahal? I just want to be happy bago ako matulog ng pang habang buhay alam ko naman na hindi nyo ako naiintindihan pero sana respetohin nyo ang desisyon ko” saad ko habang patuloy ang pag agos ng mga luha galing saaking mga mata
“Athena gusto ka lang naming maging masaya at wag kang umasa sa taong walang kasiguraduhan kung babalik pa” saad ni akira habang yakap yakap ako
“Yun na nga akira gusto kong sumaya kahit sa maikling panahon lang gusto ko syang makita kahit saglit lang kahit na hindi na ako ,kahit na may iba na basta makita ko sya bago ako magpahinga” humalas ako sa pagkakayakap at muling tiningnan kung gaano kaganda ang bawat alon sa malaking dagat
“Sana dito ako malagutan ng hininga at sana dito ko rin sya muling makita” bulong ko sarili
“Don’t waste your time with the person who left you” saad ni akhira na ikinayuko ko naman, at Hindi ko alam ang isa-sagot
“Bat kaba kasi umalis Khalix kung alam mo lang sobra akong nahihirapan ngayong wala ka sa aking tabi” bulong ko sa sarili
“Tara na Athena umuwi na tayo, dahil lumalalim na’rin ang gabi”
“Athena pumasok na tayo malamig dito” muling saad ni akira ngunit sa pagkakataon ito ay hinila niya na ako
Akira pov
A weeks had passed
“A-thena-
” maghihintay ako alam kong dadating sya hindi ko alam kung ilang oras o minuto nalang ang itatagal ng buhay ko mas gusto ko nang ilaan ang mga natitirang oras ko sa mundong ito ng masayang naghihintay” pagpuputol niya sasabihin ko habang nakangiti
“Minuto o masuwerte pa ako kung aabot pa ako ng isang oras” nakangiti pero patuloy na umaagos ang luha sa kanya pisnge ,parang kumikirot yung puso ko dahil sa nakikita ko,parang umaarte syang walang sakit pero ramdam na ramdam ko yung sakit na dinadamdam niya
“K-halix” napa lingon ako kay Athena ng mahina niyang banggitin ang pangalan ni khalix at tumingin rin kung san sya nakatingin
“A-athena” halos hindi na marinig ang pagbigkas sa pangalan ni athena ni khalix
“Natupad mo ang pangako mo ,bumalik ka” masayang saad ni athena habang patuloy pa ring tumutulo ang kanyang luha,habang si khalix naman ay unti unting lumalapit sa kanya at pinipigilan ang pag iyak
“Masaya ako na nakita kitang muli kahit sa huling pagkakataon khalix ngayon ay maaari na akong mamahinga” saad ni athena at sumandal sa balikat ni khalix
“Athena!athena! ATHENAAAAAA!” Sigaw ni khalix at niyakap ng mahigpit si athena na ngayon ay namamahinga na
“M-ay in-iw-an sulat si athe-na h-heto” umiiyak na saad ni tita ang mommy ni athena ,iniabot niya saakin ang isang sulat at isa naman para kay khalix
To my cousin/bestfriend akira
Akira thank you for always staying with me ikaw yung laging nandyan para saakin Simula ng malaman kong may sakit ako ,thank you for helping and thank you dahil ginawa mo ang lahat para saakin ,thank you akira because you’re the person make me realize I’m worth it kahit na ganito ako kahit na mahina ako ,kahit na maraming bagay ang hindi ko pwedeng gawin , thank you for all….lagi mong tandaan mawala man ako sa mundong ito masaya ako dahil may tanong laging nandyan para saakin I love you akira.
From your bes/coz
Habang binabasa ko ang sulat na ginawa niya para saakin ay parang akong nalulunod sa sarili kong luha ayaw niyang tumigil at patuloy lang sa pagluha
Kahit sa huling pagkakataon nakita kitang ngumiti at alam kong masaya kana kung nasan ka man ngayon athena.
Masaya ako dahil nakita mo ang taong matagal mong hinintay
Nung una nawalan ako pag asang mahanap si khalix pero ngayon masaya na ako at nagkita na silang muli
Flashback
“Hanapin nyo na sya ilang araw na lang o baka nga bukas wala na si athena hanapin nyo na si khalix” halos din mapakaling saad ko
“Balita namin nasa ibang bansa sya hanggang ngayon at wala na syang balak bumalik pa dito” anika said with sad tone
“Basta pilitin nyo sya kahit saglit lang syang makita ni Athena okay na yun alam kong kahit sa huling pagkakataon ay magiging masaya si athena” I shouted
Bakit ba kase ang unfair ng mundo may sakit si Athena sa puso at wala kaming makuhang heart donor halos limang taon na rin syang nagtitiis sa sakit niya ,naawa na ako sa pinsan ko dahil sa limang taon wala syang ginawa kundi maghintay
[Akira hindi namin sya mahanap dito sa US]halos bumagsak ako...


sa sahig ng marinig yun sa telepono mula kay anica
End Flashback
Khalix pov
Its almost 5years simula ng huli Kong maka sama at makita si Athena bago ako pumunta dito sa US,
kamusta na kaya sya, naaalala pa kaya nya’ko, gustong gusto kona syang makita at makasama uli, and I think this is the right time para bumalik na’ko sa tabi nya,
Pangako ko athena, sa aking pag balik gagawin ko Ang mga bagay na Hindi ko nagawa sayo dahil sa pag punta ko dito sa US,
alam Kong nangako ako sayo na babalik ako at ito na yun, Babalik na’ko sa tabi mo at pangako kung Hindi na kita iiwan pang muli.
Fast forward
Andito na’ko ngayon sa airport para maka uwi na at surpresahin si athena
“Kuya!” Rinig Kong pag tawag sakin ng kapatid Kong si kyla.
“Ohh ang ganda mo ahh by the way nasan pala si mommy? Sumama rin ba sya sa pag punta dito?”
“Yes kuya nandon rin sya sa kotse” sagot nito habang naka ngiti
“Anak pumasok na kayo sa kotse para maka uwi na tayo’t don na’rin kayo mag usap sa bahay” pagtawag ni mommy, at agad naman kaming pumasok.
“Mommy pwede po’ba muna akong umalis? May bibisitahin lang po ako”
Pag papaalam ko Kay mommy, pupunta ako sa bahay Nina athena
“Sige anak pero bumalik ka pagka tapos ha para sabay tayo mamayang mag hapunan” sagot ni mommy na sinuklian ko nalang ng ngiti
Fast forward
Nandito na’ko ngayon sa harap ng bahay Nina athena para bisitahin sya.
kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang gate
“Ohh iho ikaw pala kaylan ka’pa naka balik dito?” Tanong ni manang Ellys na bakas sa mukha ang pagka gulat na may halong saya.
(Katulong Nina Athena)
“Kaka uwi ko lang po kaya dumeretso na’ko dito sa bahay Nina Athena para bisitahin sya” sagot ko at ngumiti
“Alam mo ba iho walang araw na Hindi umiiyak si Athena Simula ng umalis ka, at hangang ngayon hinihiling nya na makita ka nya kahit sa huling Pag- kakataon lang”
“A-ano po’ng ibig sabihin nyong sa huling Pag kaka taon? May masama po bang nangyari Kay athena?”
“Alam mo iho ma’s maganda kung sakanya mo ito mismo malaman”
Anong ng yayari, bat ayaw sabihin ni manang Ellys ang nangyayari Kay athena
“A-hm pwede po ba akong pumasok sa loob para puntahan si Athena?”
“Wala sya dito iho, nag bakasyon sila ng Mommy nya sa resort na pagmamay-ari din ng daddy nya, dun sa…lagi ninyong pinupuntahan dati sa tuwing mag kasama kayo”
Mahabang saad nito
“Ah sige maraming salamat po manang Ellys at aalis na po ako”
Agad akong sumakay ng kotse at nag madaling pumunta sa sinasabing resort ni manang Ellys
Ilang minuto lang ay naka rating na’nga ako sa resort na sinabi ni manang Ellys, pinark ko muna ang sasakyan ko at bumaba
Kokonti lang ang tao kaya madali ko nang nakita ang mommy ni Athena
“Magandang hapon po tita Valerie” pag bati ko ng maka lapit ako dito
“Ohh magandang hapon rin sayo iho buti at naka uwi kana ilang araw kana kase’ng hinihintay ni athena”
“A-h maari ko po ba syang makita?”
“halika sumunod ka sa akin at dadalhin kita sa kanya” mahaba nitong saad habang napipilitang ngumiti
Nakita Kong naka upo sa may dalampasigan si Athena na naka tingin sa Malayo habang patuloy ang pag agos ng mga luha galing sa kanyang mga mata, na agad sa aking nakapag pahinto agad, Napansin ko ring naroon sa tabi nya ang pinsan nyang si akira,
pero bat sya umiiyak? Ano bang nangyayari?, yan lang ang mga tanong na naglaro sa aking isipan ng makita ko si athena.
Lumingon ito sa kina tatayuan ko, at bumakas sa kanyang mukha ang pagka gulat.
“K-khalix” mahina nyang pag banggit sa pangalan ko
“A-athena” na uutal Kong pag bigkas sa kanyang pangalan
“Natupad mo ang pangako mo, bumalik ka”naka ngiti nitong saad habang tumutulo ang kanyang mga luha,
ang pagkagulat sa kanyang mukha ay napalitan ng mga matamis na ngiti
Unti unti akong lumapit sa kanyang kinaka upuan habang pinipigilan ang pag tulo ng mga luha mula saking mga mata
“masaya ako na nakita kitang muli kahit sa huling pagkakataon khalix ngayon ay maaari na akong mamahinga “saad nito at sumandal sa aking balik at
“Athena!athena! ATHENAAAAAA!” Sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit na ngayon ay Hindi na gumagalaw
Bat ganon? anong nangyari? Bat kung saan nandito nako sa tabi mo ay saka mo naman ako iniwan athena? Mahina Kong sambit habang yakap-yakap si Athena
“M-ay in-iw-ang sulat si Athe-na h-heto” umiiyak na saad ni tita ang mommy ni athena
To :khalix
Matagal kitang hinintay at patuloy na hinihintay sa bawat araw ,sa bawat oras pati na rin sa bawat minuto ,masaya ako na nakilala kita khalix Simula ng ikaw ay umalis hinding hindi ka nawala dito sa puso’t isip ko ,bawat araw umaasa akong muli na kitang makikita ,makakasama katulad ng dati na aalala mo pa ba ang tulang aking sinulat para sayo,ang tulang hindi professional pero galing saaking pusong ikaw lamang ang sinisigaw, Kung hindi na ay ipapa alala ko muli sayo ,isinulat kong muli ang mga katagang aking sinambit
Para ka palang buwan
Kay liwanag sa kalawakan
Kaya pag wala ka ay para ako’y nasa kadiliman
Gusto kong laging kang Masilayan
Umaapaw ang kagalakan
Sa tuwing ikaw naririyan.
Katulad ng mga bituin
Gusto kitang laging kapiling.
Yan ang mga katagang aking sinambit sana’y naaalala mo pa dahil ang tula na yan ay aking pinag isipan at dadalhin hanggang sa aking paglisan…..paalam mahal kong buwan.
From : athena
Bakit ba kase ngayon ko lang naisipang umuwi?bakit???bakit mo ako iniwan athena marami pa tayong pangarap diba? Marami pa tayong mga lugar na hindi napupuntahan dahil sabi mo sabay nating pupuntahan lahat ng lugar na yun ,paano na ako ngayong wala kana? Sabi ko naman sayo babalikan kita diba pero huli na ang lahat.
“Hanggang sa muli mahal ko”
Written by_mavis and xianπŸ“
[First collab with xian]
[Work of fiction]






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top