𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗔𝗞𝗢 𝗚𝗨𝗦𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗥𝗨𝗦𝗛 𝗞𝗢


𝐖𝐑𝐈𝐓𝐓𝐄𝐍 𝐁𝐘: 𝐁𝐈𝐍𝐈𝐁𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐘𝐍 𝐑𝐎𝐁 /
𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐒 𝐋𝐘𝐍 𝐑𝐎𝐁 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐄𝐑𝐒
“Ano girl hanggang titig kana lang jan sa crush mong yan?” Ang sabi ng kaibigan kung walang jowa.
“Anong pake mo? Ikaw nga hindi ka crinushback ng crush mo.” Ang sabi ko rito.
“At least ako umamin ako sa kanyang may crush ako sa kanya eh ikaw hanggang titig na lang.” Napairap na lamang ako sa ere.
“Wag kang excited makakaamin din ako sa kanya.” Ang sabi ko sa kanya at saka tiningnan si Airon.
“Bahala ka sa buhay mo. Alam mo namang ang daming nagkakagusto jan? Paano kung maunahan ka.” Nakangising sabi nito sakin. Napabuntong hininga na lamang ako.
Paano kung hindi pala ako gusto ng taong gusto ko?
“Bahala na.” Ang sabi ko saka tumingin na lamang sa teacher sa unahan.
I’m Freya 17 years old and I have a crush he’s Airon masungit at hindi namamansin.
Recess time ay pumunta ako sa canteen. Bumili ako ng favorite kung lollipop saka ice cream. Aalis na sana ako ng makita ko si Airon na may ibang babaeng kasama habang masaya silang nagtatawanan.
‘Sino naman yon? Mas maganda naman ako dun.’ I said in my mind saka nag lakad na lamang papalayo, pasalamat siya at may dala akong favorite kung food tss.
“Hi?” Napatingin ako sa lalaking lumapit sakin.
“Bakit?” Nakataas kilay kung sabi.
“Can we be friends?” Matamis itong ngumiti at lumabas ang dimple nito na lalong nag pa gwapo dito. Bakit ngayon ko lang ata to nakita dito?
“Transfer ka ba sa school na to?” I said saka naupo sa isang upuan saka pinapak ang ice cream kung binili baka kasi matunaw ng di ko kinakain.
“Yes… actually kakalipat ko lang kahapon sa bahay ng kapatid ko at agad nag transfer sa school na pinapasukan ng kapatid ko. By the way I’m Justine and you?” Ang sabi nito, nahagip ng mata ko si Airon na masamang nakatingin samin. Ano naman ibig sabihin nun?
“I’m Freya.” Tipid kung sagot at saka inubos ang ice cream na kinakain ko.
“You’re so cute.” Ang sabi niya saka pinisil ang pisngi ko, kingina feeling close ka dude?
“Wag mo nga kung hawakan, sige na at may klase pa ako.” Ang sabi ko saka tumayo na at saka dali daling nag punta sa classroom.
Pagkaupo ko pa lamang ay siya namang pag pasok ni Airon. Madilim ang mukha at saka ako tiningnan ng masama.
“Anong nangyari girl? Bat parang galit na galit si Airon?” Bulong sakin ni Bea.
“Iwan ko.” Ang sabi ko saka tumingin sa teacher na kakapasok pa lamang.
“Good morning everyone. Mayroon kayong bagong classmate he’s Justine Lim Park kapatid ni Airon.” Ang sabi ni sir kaya naman napatingin ako sa pintuan. Gagi?! Myghod totoo ba to? Mag kapatid si Airon at Justine?
Tumingin ako kay Justine at nakatingin naman ito sakin. Napatingin naman ako kay Airon at ang sama ng tingin kay Justine.
“Girl ge-gera na ata.” Bulong sakin ni Bea.
“Bakit?” Ang sabi ko saka tumingin ulit kay Airon pero nakatingin na ito sakin, kaya naman napayuko ako. Bat ba kasi hindi ko kayang makipagtitigan kay Airon? Mas lalo ata akong naiinlove sa kanya.
“Mukhang nag seselos si Airon?” Ang sabi ni Bea kaya naman napaismid ako.
“Bakit naman yon magseselos?” Hindi na nagsalita si Bea kaya naman hindi kona lang din pinansin.
***
Uwian na at naglalakad akong mag isa nakanguso at badtrip na tumingin sa mga studyanteng nakakasabay ko. Paano kaya ako makaka amin kay Airon na crush ko siya?
Nabuhayan ako ng loob...


ng makita ko siyang makakasalubong ko? Saan kaya punta nito?
“A-airon…” Ang sabi ko sa kinakabahang tono ng boses.
Napatingin ito sakin at kunot noong bumuka ang bibig.
“Why?” Grabe ang sungit talaga.
“I have something to tell you.” Ang sabi ko saka tumingin sa mata niya, hindi siya nag salita at hinintay na lamang ako sa sunod kung sasabihin.
“G-gusto kita Airon.” Ang sabi ko at pumikit para di ko makita ang reaksyon niya, kung matatawa ba o magagalit siya. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin siya kumikibo kaya naman iminulat ko na lamang ang mata ko, gaya ng dati wala paring pinagbago gwapo parin, hsyt wala paring pakealam.
“Gusto nga kita, wala ka man lang bang sasabihin?” Inis na sabi ko at saka tinaasan siya ng kilay.
“Anong gusto mong sabihin ko?” Ang sabi niya saka ng cross arms.
“G-gusto kung sabihin mo sakin kung may nararamdaman ka man lang sakin.” Nakayuko kung sabi. May ibang studyante na tumitingin samin but I don’t care.
“Wala naman akong nararamdaman.” Deretsahan niyang sabi sakin, feeling ko maiiyak na ako.
“Wala naman kasi akong sakit.” Ang sabi niya kaya naman napataas ang kilay ko? Nang iinsulto ba siya?
“I mean? Gusto mo rin ba ako?” Wala na akong pakealam kung desperada ako basta ang mahalaga malaman ko kung gusto niya rin ba ako.
“Hindi kita gusto…” He said may sasabihin pa sana siya pero tumakbo na ako. Ang sakit. Ayuko na talaga mag ka crush potangina. Umiiyak akong nakarating sa bahay, tinanong ako ni mama pero hindi ko yun pinansin. Sana hindi na lang kita naging crush potangina ka Airon hindi ka sana icrushback ng crush mo.
***
Kinabukasan pumasok parin ako sa school kahit mugto yung mata ko kakaiyak kagabi. Wala na akong pakealam kung ano man ang sasabihin nila basta wala silang pake dun.
“Oy girl anong nangyari sa mata mo?” Bungad sakin ni Bea.
“Wala naman kinagat lang ng ipis.” Ang sabi ko saka nag lakad papuntang classroom, sumunod naman siya.
“Ay gagi ka ba? Ganyan ba yan pag kinagat ng ipis?” Ang sabi pa nito.
“Ey Freya.” Napatingin ako kay Justine ng tawagin niya ako.
“Bakit?” Ang sabi ko saka siya tiningnan ng masama.
“Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?” Hindi ko ito pinansin at nag lakad na lamang. Pero hinigit niya ang kamay ko.
“Ang sungit mo naman.” Nakangiti niyang sabi.
“Wow? Close na kayo.” Sabi naman ni Bea.
Nabigla ako ng may humatak sakin papalayo kay Justine, ng tingnan ko ito ay nanlaki ang mata ko ng makitang si Airon yun.
“Your mine.” Cold niyang sabi saka ako hinalakin sa labi. Hindi ako maka react dahil sa pagkabigla.
“Hindi kita gusto dahil mahal na kita.” Ang sabi niya bago ako inakbayan at hinarap sila Justine at Bea.
“Wala na dapat umagaw sa babaeng ito?” Sabay turo sakin.
“Dahil akin lamang siya.” Dugtong nito sa sasabihin niya.
Umalis siya kasama ako at di ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko parin alam kung ano bang sasabihin ko. Sobrang nakakabigla ang pangyayari.
“Mula ngayon akin kana hindi ka pwede sa iba at walang pwedeng umagaw sayo dahil pag mamay-ari na kita, naiintindihan mo?” Ang sabi ni Airon saka ngumiti sakin at hinalikan ako sa labi pero smack lang naman yon.
“I love you Airon.” I said saka ngumiti sa kanya.
“I love you too Freya…” Niyakap niya ako ng mahigpit kaya ginantihan ko rin iyon ng yakap.
HINDI AKO GUSTO NG CRUSH KO DAHIL MAHAL NIYA NA AKO






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top