I’M THE MASTER OF THE CEO” CHAPTER 6 “


(PRIMO POV)
+ hawak ko lang ang kamay ni Daddy, hindi parin sya nagigising, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bumukas ang pinto ng kwarto, at iniluwa si Alex na may dalang bag. Nakilala ko ang bag na dala nya.
Primo- Alex? Bat ikaw nagdala nyan?
+ napatingin sya kay daddy.
Alex- totoo ba? Sya ang daddy mo?
+ tumingin ako sa kanya at tumango na lang.
Alex- sorry sa nangyare bro, pakatatag ka.
Primo- Salamat.
Alex- sya nga pala, ako na ang nagdala nito, hindi na kaya ni Aya, naabutan ko sya sa bahay nyo, nagulat ako ng bigla na lang syang mahimatay, napansin ko nga ang putla nya, kaya tumawag ako ng nurse at assistance bago ako umalis.
+ nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, hinawakan ko sya sa braso.
Primo- Anong lagay nya? Masama ba? Ano daw dahilan sabi ng Nurse?
Alex- Bro Chill, okay na sya, sa puyat at pagod lang daw, pero nagpapahinga na sya sa kwarto mo.
+ napaupo ako at bumuntong hininga, akala ko kung ano ng nangyare sa kanya. Ganun na ba sya kapagod pag iintindi sakin? Tumungo na lang ako at napahawak ang dalawang kamay sa muka.
Alex- bro okay lang talaga sya, wag mo na isipin. Mas dapat mong alalahanin ang daddy mo, isa pa may nakapag video ng nangyare, kung ano ano ng kwento ang lumabas pero wag ka mag alala sigurado akong aayusin nila Sir Troy yun.
+ tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Ano namang Video! Tsk! Nakaka bwisit! Tiningnan ko na lang si Daddy.
Alex- total wala si Aya, ako na muna ang sasama sayo dito, sabihin mo lang kung may kaylangan ka.
+ tumango na lang ako at nagpasalamat. Isinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit. Ano ba tong nangyayare? Bakit si Daddy pa, kulang na kulang pa lahat ng time na binigay ko sa kanya.
(TROY POV)
+ nandito parin ako sa bahay ni primo, hindi ko pa madala pauwe ng condo nya si Aya ayoko ko kasing maistorbo ang pahinga nya, kaylangang kaylangan nya yun. Nakaupo lang ako sa sofa nya. Iniisip ko din na baka biglang bumalik si Primo at maabutan nyako dito, magtataka sya, kung kokomprotahin ko naman sya na pabayaan na si Aya, mas lalong magtataka sya, Gusto ko ng sabihin na hindi basta basta si Aya, na hindi nya dapat dinadanas to, na Prinsesa dapat ang tingin sa kanya, nakokonsensya ako habang naiisip na hinayaan ko lang sya sa mga naging desisyon nya dati. 3 hours na lang bago ang flight, wala pakong naiihanda kahit isa, kanina pa din tawag ng tawag ang secretary ko, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko sya pwedeng iwan ng ganto.
(PRIMO POV)
Alex- Bro!! Bro!!!!! Primo!!!!
+ napabalikwas ako sa pagkakaupo ng bigla akong magising. Habol hininga ako galing sa panaginip.
Alex- Ayos ka lang kanina ka pa Aya ng Aya bro!!!
+ masakit ang dibdib ko, hindi din ako mapakali, kaylangan kong makita si Aya.
Primo- Alex!
Alex- bakit bro?
Primo- dito ka lang ha. Bantayan mo si Daddy.
Alex- ha? Bakit san ka pupunta?
+ hindi ko na sya sinagot, lumapit ako kay Daddy at hinalkan sya sa noo.
Primo- tawagan moko agad pag may problema.
+ lumabas agad ako.
Alex- Bro!!
+ hindi ko alam kung bakit pero gusto ko talaga sya makita at masiguradong okay sya. Pinatakbo ko ng mabilis ang kotse, buti ito ang ginamit ni Alex. Pagdating ko sa building ng Condo ko, nagulat ako sa dami ng reporters na nakaharang, pano to? May isa pang tumingin sa direksyon ko, pinaandar ko agad ang kotse at baka makilala pa nila ito, sa likod ako dumaan, pagdating ko dun isang famillar na kotse ang nakaparada din. Pero hindi ko na inisip, mabilis akong pumasok at umakyat sa condo ko. Binuksan ko agad ang pinto.
Primo- Aya!!
+ isang babae at si Troy ang sumalubong sakin.
Troy- Primo.
+ hindi ko sya pinansin at dire diretso ako sa kwarto ko. Nakita ko syang tulog sa kama, agad akong lumapit at hinaplos ang ulo nya. Para akong nabunutan ng tinik ng makita kong okay sya.
Troy- Primo we need to talk.
+ tumingin ako sa kanya, ano nga bang ginagawa nya dito. Lumabas ako saglit at lumapit sa kanya.
Primo- anong ginagawa mo dito.
Troy- hinahanap kita, regarding sa issue na—
Primo- kung yung video o kung ano man ang sinasabi mo, tsaka ko na poproblemahin yun.
Troy- Primo, ipapaalala ko lang sayo, you are under the contract with my agency, anumang issue tungkol sayo, damay ang Agency, ang gusto ko lang makipag cooperate ka.
Primo- wag ka mag alala, sasabihan kita pag handa nako. Sa ngayun please marami akong inaasikaso.
+ nakatitig lang sya sakin.
Primo- sa pagkaka alam ko may flight ka ngayun diba? Unahin mo na muna yun, yung issue, lilipas yun.
+ umiwas na lang sya ng tingin at namay awang.
Troy- and one more thing, Check your PA sometimes, wag puro sarili. Kung ganyan ng ganyan, pede ko syang tanggalin bilang PA mo.
Primo- ako ang nag hire sa kanya, ako lang may karapatang alsin sya.
+ nagkatitigan kami, maya maya tumingin sya sa direksyon ni Aya.
Primo- kung wala ka ng sasabihin, you can leave.
+ umiwas sya ng tingin.
Troy- pagbalik ko galing thailand, mag uusap tayo.
+ pagkatapos ay muli syang sumulyap kay Aya bago umalis. Tinawag ko naman yung assistance at nakiusap na dalhan kami dito ng makakain. Bumalik ako sa kwarto at umupo sa gilid ni Aya. Sa isang taon na kasama ko sya, never aya bumigay ng ganto, never dumaan ang isang araw na hindi ko sya nakikita. Tama si Troy, lahat sila napansing maputla sya, bakit ako, ni hindi ko manlang nakita yun. Kumuha ako ng tubig para kapag nagising sya may maiinom sya agad. Tsaka nako babalik ng ospital pag nagising na sya at nasigurado kong okay na pakiramdam nya. All this time nakaupo lang ako sa gilid ng kama, minsan naiisip ko kung ano ba ginagawa ko dito, dapat ang hinihintay kong magising ay si Daddy pero nandito ako ngayun. Naramdaman kong gumalaw sya at maya maya nagising.
Primo- Aya?
+ ng makita nya ko umupo din sya, kaya magkaharap kami ngayun.
Aya- Sir! Anong ginagawa nyo dito?
+ nginitian ko lang sya.
Sir- diba dapat nasa ospital ka? Bakit mo iniwan si Sir luis. Hala, yung damit nyo nga pala, nasan na yun?
+ palinga linga sya,...


pero hinawakan ko sya sa leeg. Kaya napatigil sya. Tumingin sya sakin na nagtataka. Hinaplos ko ang buhok nya, masaya ako na okay na sya. Umiiwas sya ng tingin sakin, hinila ko ang ulo nya at lumapit din ako, dahan dahan ko syang hinalkan sa labi, bumitaw ako saglit sa halik pero hindi ako lumayo, magkadikit lang ang noo namin, tumingin ako sa kanya, at gulat na gulat ang muka nya. Hindi ko naman na siguro kaylangang magsalita para magpaliwanag sa kanya, hinila ko sya uli at hinalikan, unti unti ko syang inalalayan pahiga habang hindi ako bumibitaw sa halik, napakalambot ng mga labi nya, naramdaman ko din lumaban sya. Hindi ko pa sya natutuluyang ihiga, nagulat ako ng tapikin nyako sa dibdib kaya napabitaw ako sa halik at nagtatakang tumingin sa kanya.
Aya- te-teka Sir!
Primo- what?!
+ sumenyas sya na umatras ako.
Aya- atras atras po.
+ kaya umatras ako habang nakatingin padin sa kanya. Napaupo na uli ako.
Aya- hinga ka po.
Primo- ha?
Aya- hinga, yung malalim, mga tatlo.
Primo- bakit nga?!!
Aya- basta gawin mo na lang!
+ kahit di ko sya maintindihan, ginawa ko na lang ang sinabi nya, huminga ako ng malalim.
Aya- ayan, isaaaa, dalawaaaaa, tatlo!
Primo- o tapos?
Aya- okay ka na?
Primo- oo, ano bang sinasabi mo?
+ yumuko sya.
Aya- alam ko kasing nabibigla ka lang, na nagalala ka lang kaya nyo nagawa yun.
Primo- ang alin.
Aya- yung ano.
+ tapos ngumuso nguso sya. Haha kinatusan ko sya habang natatawa ako.
Aya- Ah!! Sir naman!!!
Primo- panira ka ih.
+ kung san san sya tumitingin nahihiya siguro. Huminga na lang ako ng malalim, at iniabot sa kanya ang tubig.
Primo- okay ka na?
+ tumango na lang sya.
Aya- sasamahan ko na lang po kyo pabalik ng ospital
Primo- hindi na, magpahinga ka na lang muna.
Aya- Sir, okay na okay ako! Promise
Primo- wag kang makulit. Magpahinga ka hanggang kelan mo gusto, dinala na ni alex ang dapat dadalhin mo, umuwi ka na lang pag kaya mo, uulitin ko, pag kaya mo na.
+ tumango tango na lang sya.
Primo- aalis muna ako.
Aya- sige po.
+ tumayo nako pero inihatid nya pako hanggang sa pinto.
Aya- ngat ka.
+ bago ko buksan ng pinto, niyakap ko sya.
Mejo nagulat pa sya pero tinapik tapik ko sya sa likod.
Primo- salamat ha.
Aya- hm?? Para san po?
Primo- basta.
+ bumitaw nako, tapos ay lumabas na
(AYA POV)
+ Shocckksss, ano yun??!!! Napayakap ako sa sarili ko, para akong kinukuryente, Aya kalma, nangingilabot ako, inay kupo, napahawak ako sa labi ko, halaaaa Ayaaaaaa!!!!! Di ko mapigilang mapangiti, sinampal ko ang sarili ko. Hindi oras ito para ngumiti ka. Pero kusang nabalik yung ngiti gagiii!!! Sinampal ko uli ang pisngi ko, mahiya ka sa sarili mo Zendaya! Kumulo ang tyan ko kaya, naglakad ako papunta sa ref nya at naghanap ng makakain, good thing may gatas at piece of cake sa loob, kinuha ko agad, di ko na kaya eh, gutom na gutom nako. Pagkatapos ko kumain, naisipan ko muna mag linis kahit konti lang, tapos magbibihis para makauwe saglit, habang nagpupunas punas ako ng gamit nya, napansin ko ang isang picture, Siguro si Primo to pati ang daddy nya, sa totoo lang inilibot ko ang paningin ko pero yun lang ang natatanging picture na naka display sa bahay nya nato, kahit picture nila ng mommy nya wala. Kaya siguro ganun na lang nya kamahal ang daddy nya. Napapangiti ako kasi nakikita ko rin yun. Habng tinititigan yun, pumasok na naman sa isip ko yung kiss kanina, napailing ako, ang lakas ng effect! Ngayun lang to nangyare sakin, pinakiramdaman ko ang dibdib ko, bakit ang lakas ng kabog, dahil ba nabigla ako, o hindi kayaaaaaaa, No!! Aya, nandito ka para bumawi sa pagliligtas nya sayo dati, hanggang dun lang yun.
Napabalikwas ako ng mag ring ang phone ko, hinanap ko pa ang bag ko at ng makita, sinagot ko agad.
[Steff- Aya, napanuod ko yung video, asan ka? Kamusta, Si sir Primo? ]
Aya- okay lang, nagka problema lang pero maaayos naman.
[ nagulat kasi ako at bigla na lang na cancell ang taping, katatapos ko lang panuorin yung video. ]
Aya- ahhh, pasensya na ha, wala tuloy trabaho ngayung araw.
[ ano ka ba, okay lang yun. Pag free ka labas tayo ha..]
Aya- sige sige sasabihan na lamang kita.
+ nagpaalam na sya kaya binaba ko nadin ang phone, nagpasya nakong magbihis at kaylangan ko rin naman na umuwi muna, magdidilim nadin kasi.
(ALLISSA POV)
+ nandito ako ngayun sa bahay nila Tita Loida, pagtapos naming manggaling sa hospital, kanina pako may iniisip eh.
Loida- here is your tea.
Allissa- thank you tita.
Loida- kanina ka pa tahimik, is something wrong, iniisip mo ba yung kanina? Wag mo na intindihin, sanay nako kay Primo, he is always like that, never na sya nakinig sakin, even I’ve tried my best.
Allissa- it’s not about that tita, but still, kelan pa sya umalis dito sa bahay nyo?
Loida- I dont know pero matagal nadin.
Allissa- Ngayun ko lang din po nalaman na hindi si Tito Enrico ang Daddy nya.
Loida- sorry, nabigla ka ba? Ayaw talaga nyang ipa alam kahit kanino. Hindi ko inexpect ang ganitong situation.
Allissa- hindi ba dapat matuwa pa sya, you gave him a stable father. Ano pa bang hahanapin nya kay Tito enrico?
Loida- hindi naman sa ganun.
Allissa- First meet sana uli namin kanina, pero it’s not that good. Dati ng mainitin ang ulo nya, pero hindi ko inasahan na mas malala pa ngayun.
Loida- sabi ko naman sayo wag mo na lang isipin yun. He is just too sensitive.
Allissa- by the way tita, that girl, yung PA, pano ba sya naging PA ni Primo?
Loida- in a usual way, nag apply sya, natanggap.
Allissa- pero naiirita ako, masyadong nagmamarunong.
Loida- ganyan talaga si Aya, 1 year na syang PA ni Primo, kaya lahat sinusunod nya.
Allissa- Aya? I never heard about the name, pero alam mo tita, she looks familiar.
Loida- what do you mean.
Allissa- do you have any background informations about her?
Loida- for what, lahat ng tungkol sa kanya, it’s between Primo and her.
+ Aya, Aya, Aya, san ko nga ba sya nakita? Hindi ko maisip pero parang nakita ko na ang muka nya dati. Hmm.. We’ll see.
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top