πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ π”½π•†π•Œβ„π•‹π”Όπ”Όβ„• ✍︎


“HOY, Lara!” napatigil sa pagsusuklay si Lara at napatingin sa kanya.
“Bakit ka sumisigaw diyan?” nakapamaywang na tanong ni Lara.
“B-Bakit nandito ako?”
πŸ’­ Naalala ko pa nasa hide out ako kagabi eh, wala akong maalala na naglakad ako pauwi. πŸ’­
“Aba ewan ko, nakatulog na rin ako nung umalis ka. Paggising ko magkatabi na tayo.” lalong napakunot noo si Claire sa sinabi niya.
πŸ’­ Wala talaga akong maalala na bumalik ako dito kena Lara. Nakatulog pa nga ako sa hide out, eh. πŸ’­
“Bumangon kana at may pasok ka pa mamaya. May almusal na sa baba. Ikaw talagang babae ka.” napapailing na sabi ni Lara.
Naramdaman yang nahihilo siya pagbangon. Lalagnatin pa yata siya.
Natigilan siya at napansin yung sinagutan ni Rain. Kinuha niya at tinignan.
“Yes!” tuwang tuwa na sabi ni Claire.
πŸ’­ Magaling pala si Rain sa accounting, bakit hindi halata sa hitsura niya? πŸ’­
Kahit masama ang pakiramdam niya, maganda ang mood niya at pumasok pa rin sa school.
Bumungad kaagad si Mark sa school sakanya. “Claire!”
“Uy, Mark!” napakunot ang noo ni Mark.
“May lagnat ka ba?” tanong niya at sinalat ang noo ni Claire.
“Sh*t, may lagnat ka! Wag ka munang pumasok.” nag-aalalang sabi niya.
“Lagnat lang to, ano kaba! Papasok pa rin ako kahit may lagnat ako.”
“Sure ka? Ang putla mo, eh!” tumango lang si Claire at nag thumbs up.
Hinatid na siya ni Mark sa classroom niya, pero patuloy pa rin sa pangungulit si Mark kung ayos lang ba talaga siya.
“Magtetext na lang ako sayo kung hindi ako okay, ayos na ba yon?” tanong ni Claire.
Ngumiti at tumango naman si Rain. “Okay, basta magtext ka lang ha!”
Pumasok na sa room ni Claire nang makaalis si Mark. Pinigilan niyang mapangiti nang makita si Rain. Nakasubsob ang ulo sa desk.
πŸ’­ Mukhang puyat siya ah! πŸ’­
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Rain para hindi masagi. Hindi siya makamove on sa ginawa sakanya kagabi. Ang bait niya nang sampung beses.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
NATUTULOG lang si Rain buong oras ng klase.
πŸ’­ Mukhang puyat talaga siya, nakakaawa naman siya. Napuyat ba siya dahil sinagutan niya kagabi ang transaction ko? Medyo mahirap kasi talaga yon at hindi naman accountancy ang course niya. πŸ’­
Lumabas na ang prof namin at mga...


kaklase pero natutulog pa rin siya.
“Rain……” marahan niyang niyugyog si Rain para magising.
“Hmmmm…….” mahinang sabi niya. Tumunghay siya habang nagkukusot ng mga mata.
πŸ’­Ang cute niya tignan kapag nagkukusot ng mata, mukha siyang inosenteng bata. πŸ’­
“Bakit parang puyat ka?”
“Wala kang pakialam kung puyat ako.” masungit na sabi niya at tumayo na saka umalis.
Napaismid nalang si Claire. “Ang sungit pa rin talaga.”
Sumunod nalang siya kay Rain, nakarating sila sa building ng Fine Arts.
Napakunot noo si Claire.
πŸ’­ Anong ginagawa namin dito? πŸ’­
Pumasok kami sa isang room, napatungo siya dahil nakatingin sa kanila ang ibang estudyante.
“What are you doing here, Rain?”
Natigilan si Claire sa narinig na pamilyar na boses. Napatingin siya.
πŸ’­ Si Angenica…….πŸ’­
Napadako sakanya ang tingin ni Angenica. “You’re Claire, right? Why are you with him?” tanong ni Angenica saka tinuro si Rain.
“Listen, Nica…..”
Napatingin si Claire kay Rain, mukhang kinakabahan. First time niyang nakita na kinakabahan ito.
“Sorry, Angenica.” agad niyang pinangunahan si Rain. Nagtatakang napatingin sa kanya si Angenica.
“K-Kaya kayo naghiwalay ni Rain dati dahil sa akin, kasalanan ko.”
“I knew it. Kaya pala pamilyar ka. Ikaw yung babae sa restaurant na yon.” Napatango si Claire.
“S-Sana bigyan mo ko ng chance para maipaliwanag ang nangyari, kung bakit ko nagawa yon. At sana pati si Rain pakinggan mo dahil biktima lang din siya ng katangahan ko.” pakiusap ni Claire.
“Please, Angeni……”
“Its okay, I understand.” putol na sabi ni Angenica at nakangiting sabi sakanya.
Nagtatakang napatingin si Claire kay Angenica. “Hindi yon okay Angenica, k-kahit ano gagawin ko para mapatawad niyo ko.” kumuha siya ng maliit na papel at sinulat ang numero niya at inabot kay Claire.
“K-Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako, kung gusto mong malaman yung totoong dahilan ko kung bakit ko nagawa yon dati tawagan mo lang ako. Kahit ano gagawin ko, seryoso ako.” sabi ni Claire na nakatingin kay Angenica.
“Yan naman talaga ang dapat mong gawin.” malamig na sabi ni Rain at lumabas ng room.
Napatingin siya kay Angenica. Nginitian siya pero, hindi na yon ang matamis na ngiti na ibinigay niya kay Claire nung una silang magusap.
πŸ’­ Ibang ngiti ang ipinapakita niya sa akin ngayon at kinakabahan ako ah! πŸ’­






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top