“Nay! Bakit nasa labas kayo? At yung mga gamit natin?” takang tanong ni Claire nang maabutan niya yung nanay niya sa harap ng bahay nila na nakasanla sa pinagkakautangan nila dahil sa pag papagamot noon sa tatay niya.
Malungkot na tumingin sa kanya yung nanay niya. “Anak, pinalayas na tayo ni Madam Suzette.” pagtukoy niya sa matandang pinagkakautangan nila.
“Pasensiya kana anak, alam mo naman ipinambayad sa ibang utang natin yung pera at hindi tayo nakabayad ng ilang buwan.”
“Saan na tayo ngayon titira, Nay?” tanong niya habang tinutulungan niya magligpit ng ibang damit ang nanay niya sa bagahe.
“Tinawagan ku na yung Tiya Mildred mo at humingi ako ng pabor sa kanya, na kung okay lang na tumira muna tayo doon pansamantala sa kanila habang naghahanap ako ng pambayad sa utang natin.”
π Laking pasalamat ko na lang na may matitirhan kami ni Nanay, akala ko talaga makakaranas na ako makatulog sa kalsada. Hahanap ako ng raket para makatulong kay Nanay para makabalik kami sa tinutuluyan namin. π
ππππππππππ
BREAK nang klase nila. Umupo siya sa may bench malapit sa may basketball court at doon tinuloy ang pagkain ng sandwich niya at nagaaral para sa quiz nila.
Natigilan si Claire sa pagnguya nang may maramdaman siyang medyo mainit na dumampi sa ulo at kumalat yon pababa sa leeg niya hanggang tiyan.
“Dapat hindi lang sandwich ang kinakain mo.” naikuyom ni Claire ang kamao dahil nabosesan niya kung sino ang gumawa nun.
Tinapunan siya ng menudo sa ulo at pumunta sa harap niya na binubuksan din ang bottled water na hawak nito.
“Bakit wala kang tubig? Baka mabulunan ka.” napasinghap si Claire nang ibuhos din yun sa ulo niya. Medyo napapitlag din siya dahil malamig yon.
Ang daming nakatingin sakanila. Yung iba mukhang naaawa at ang iba naman ay mukhang natutuwa sa nangyayari.
“Kailan mo ba ako titigilan?” mariing tanong niya saka matalim na tumitig. Binato niya yung sandwich sa mukha ni Rain.
“Sabi ko sayo pumunta ka sa hide-out namin pero hindi ka sumunod,” sabi nito na nakipagtitigan din sa kanya at pinahid ang mukha na natamaan ng sandwich niya.
Hindi na ni Claire pinansin ni Rain. Hinablot na niya ang bag at di na pinansin. Pinagtitinginan siya ngayon dahil sa hitsura niya.
Napabuntong-hininga siya at pumunta sa locker room para kumuha ng extra na damit. Pumunta siya sa CR at doon siya nagpalit ng damit. Dalawang araw pa lang siya nakakapasok parang mababaliw na siya.
“Hindi ko alam na isip bata pala yung ulan na yon! Kainissssss.”
Nag-stay muna siya sa loob ng ilang minuto saka lumabas na. Ilag sakanya ang mga nakakasalubong niyang estudyante. Para bang may nakakahawa siyang sakit. Natigilan siya nang mag vibrate ang cellphone niya…
π΅ππΎπΌ: ππ½ππ΄πΆπΈπππ΄ππ΄π³ π½ππΌπ±π΄π
πΆππππ ππ ππππ πππππππππ ππ πππ ππππ ππππππππ ππ? ππππππ ππ ππ ππππ ππ ππππ-πππ πππππ πππ’ πππ-πππππππ πππ’π!
Napapikit nalang si Claire ng mariin.
“Isip bata . Wala talaga siyang alam gawin kundi mambwesit at mang-inis! Nagsorry na aku noon di pa ba sapat yun?” At napaismid siya na nilagay ang cellphone sa bag niya.
“Hoy!”
Naikuyom niya ang kanyang kamao. πSpeaking of Demonyo. π
“Ano ba kasi?! Di pa...
That is really fascinating, You’re an excessively skilled blogger. I’ve joined your rss feed and look forward to in the hunt for extra of your magnificent post. Additionally, I’ve shared your website in my social networks!
What’s Happening i’m new to this, I stumbled upon this I’ve found It positively useful and it has aided me out loads. I hope to contribute & help other users like its aided me. Great job.
When we look at these issues, we know that they are the key ones for our time.
you may have an ideal blog here! would you prefer to make some invite posts on my blog?
I think that may be an interesting element, it made me assume a bit. Thanks for sparking my considering cap. On occasion I get so much in a rut that I simply really feel like a record.
I favored your idea there, I tell you blogs are so helpful sometimes like looking into people’s private life’s and work.At times this world has too much information to grasp. Every new comment wonderful in its own right.
Wow, amazing blog layout! How long have you been blogging for? you made blogging look easy. The overall look of your site is great, as well as the content!
Great post, keep up the good work, I hope you don’t mind but I’ve added on my blog roll.
Greetings⦠your blog is very interesting and beautifully written.
What i discover troublesome is to find a weblog that may capture me for a minute however your blog is different. Bravo.