10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒 Chapter 6


10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒
Chapter 6: Heartbeat
“Mahal ko!” tawag niya sa akin. Agad ko siyang nilingon, hindi ko man nakita ang kanyang mukha ay ramdam ko ang kanyang mga titig sa akin.
“Hmm?” Sagot ko sa kanya. Habang ang mga mata ko ay nasa kanya parin nakatingin.
“Me amor, te amo, oh irog ko.” sagot niya na ikinabilis ng tibok ng aking puso. Nagwawala ang aking sistema sa sa mga salita na kanyang binitawan. Tatlong salita na iisa ang ibig sabihin na siyang nagpabaliw sa nanahimik kong puso.
Tulala akong naka tingin sa kanya, hindi nakapag bigay reaksyon sa matamis niyang salita.
“Nabigla ba kita, irog ko? Hindi mo kailangan sagutin iyon, hindi naman ako nagtatanong. Nais ko lang malaman ang laman nitong puso ko.” puno ng pag-iintindi at pagmamahal niyang sabi.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat pag bitaw niya sa mga salitang iyon ay ramdam na ramdam ko. Wari’y ay hindi lang ito ang unang beses na sinabi niya sa akin ito.
“Pasensya Kana, ginoo. Ako ay nabigla lang sa iyong pag tapat. Masyado pa kasing maaga para sa akin. Kailan lang kita nakilala at magkaiba ang ating mundo. Oo andito ako ngayon pero May katapusan din ito.” Walang pa ligoy ligoy na sa sabi ko. Pinili kong isantabi ang aking kilig na nararamdaman dahil ayaw kong masaktan pagdating ng panahon. Ayaw ko siyang, ayaw kong makita siyang lumuluha habang ako ay papatalikod na sa kanya.
“Handa akong lumabag sa utos, mahal ko, Makapiling lamang kita.” seryusong turan nito na nagpabalig sa kiliti ng aking puso.
“Pwede mo ba ako samahang mamasyal?”pag iba ko...


sa aming usapan. Ayokong malunod sa mga pangako.
“Handa akong samahan ka, mahal ko, kahit hanggang sa kabilang mundo man iyon. Matagal ko naman itong ginagawa, ang subaybayan ka. ” Sabi niya at ibinulong ang huling linya na dahilan na hindi ko narinig.
“Ano iyon?” Pangusisa ko sa kanya.
“Wala iyon. Maghanda kana, mahabang paglalakbay ang ating gagawin. Baka bukas na tayo makabalik. Ayaw kong mabagot ka dito sa palasyo at ako ay iyong iwan.” Pabirong sabi nito na ikinamangha nanaman niya.
“Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan?” Pabiro ko ding tanong sa kanya.
Sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang humalakhak. Napakaganda palang pakinggan, para itong musika sa aking pandinig. Sa kanyang halakhak kaya niyang pagwalain ang aking nahihimbing na puso.
Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Kay daling lumambot ng aking puso pag dating sa nilalang na ito. Anong mahika kaya ang kanyang ginamit upang mapaamo ako sa ganito ka iksing sandali?
“Wala akong mahika na ginamit,mahal ko.” Biglang sabi ng ginoo.
Nanlaki ang aking mga mata at dahan dahan siyang nilingon. “Nababasa mo ang aking isipan?” Namamanghang tanong ko sa kanya.
“Nakalimutan mo yatang iba ako sa iyo,mahal ko. Wala ka ngang tiwala sa akin. Nakakalungkot lang isipin .” umiling-iling na sabi nito at tuluyan ng tumalikod. Naiwan akong nakatulala, nakokonsensya sa aking pinag-iisip tungkol sa kanya.
Kung alam ko lang na nababasa niya aking isipan ay hindi ako mag isip ng ganoon. Nasasaktan ko ang nilalang na walang ibang ginawa kundi ang alagaan at pahalagahan.
Ang tanga mo Athena! Hindi ka nag-isip! Bulyaw ko sa aking sarili at pabagsak na nahiga sa malambot na kama.
>>Happy reading!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top