Her Greatest Downfall🍁☪
📚CHAPTER 4📚
“S-Sino ka? Nasaan si Elena?” Tanong ko sa entranghero na nakangisi pa din.
“You’ll know me later. But for now pwede bang bitawan na kita? Hindi mo ba nararamdamang nagagalit na iyong alaga ko? Hmmm.”
Nanlaki ang mata ko nang may maramdamang matigas na bagay sa tiyan kaya naman nagpapasag ako at nagsisigaw.
“B-Bastos!”
Natawa naman ang lalaki at umiiling na umahon na at nagsuot ng pantalon at t-shirt. Kaya naman kitang-kita kong nakaboxer lamang siyang itim at ang magandang hulma ng katawan niya ay nakabalandra sa akin. Nag-init naman ang mukha ko ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya naman mabilis akong tumalikod. Baka isipin pa ng lalaking mayabang na ito na type ko siya.
“See you at home.” Iyon ang huli kong narinig sa lalaki na umalis na sakay ng kabayo. Anong see you at home? Baliw ba iyon? Pero parang pamilyar ang lalaki hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Baka trabahador sa farm? Wala naman kasing ibang taong makakapunta dito kung hindi mga trabahador dahil private property ito ni Greg.
“Donya! Donya!” Narinig kong tawag ni Elena kaya naman lumangoy na ko papalapit.
“Nakita mo ba iyong lalaki kanina?” Agad ko na tanong kay Elena.
“Sino pong lalaki?! May ginawa po ba sa inyo?! Nasaktan po ba kayo?!” Tarantang tanong ni Elena at chineck agad ang katawan ko ng umahon ako kinuha ang towel ko.
“Hindi. May lalaki kasi kanina na nagligtas sa akin noong pinulikat ako. Nasaan ka ba kanina?”
“Nagbanyo po. Sobrang sakit na po ng tiyan ko kanina kaya hindi na po ko nakapagpaalam. Sorry po.”
“Ayos lang. Hindi naman niya ko sinaktan. Baka nagtatrabaho lang iyon sa may farm. Pero teka ayos na bang pakiramdam mo? Ang dami mo kasing nakain kagabi.” Natatawang sabi ko para hindi na siya mag-alala pa. Natawa na din lang si Elena.
Inaya ko siyang maupo sa nakalatag na tela. Binuksan ko na isa-isa ang tupperwares na kinuha ko sa basket. Mayroong sinigang, pritong isda at saging na panghimagas. Kumulo naman agad ang tiyan ko ng makita at maamoy ko na ang pagkain. Kaya naman nagsimula na kaming dalawang kumain habang nagkukwentohan. Napag-alaman ko na isang taon pa lang pala naninilbihan si Elena sa mga Hidalgo maging ang iba pang katulong tanging si Manang Pasing lang ang matagal na sa mansyon.
Pero nanlamig ako ng mabanggit ni Elena ang anak ni Greg na si Gio na yumao. Na para daw si Greg si Gio palagi daw itong tahimik at wala sa mansyon at madalas masangkot sa gulo. Marami pa kaming napagkwentohan ni Elena kaya naman hindi na namin namalayan na mag-gagabi na kung hindi pa dumilim. Kaya naman nagmamadali na kaming umuwi baka kanina pa kong hinahanap ni Greg tiyak na malalagot ako. Napasarap kasi kami sa kwentohan at namiss ko din ang may nakakausap.
Pagdating sa mansyon ay may nakita akong isang gray na sportscar na halatang mamahalin. Nakaparada ito katabi ng sasakyan ni Greg kaya naman kinabahan ako nang mapagtantong nakauwi na ang asawa. Nagmamadali akong umakyat sa hagdan papuntang malaking kahoy na pinto ngunit pagbukas ko ay sigaw agad ni Greg ang narinig ko.
“Why are you here?! Answer me?! Kailan ka pa dumating?!” Namumulang tanong ni Greg sa lalaking nakaupo sa sofa na hindi ko pa nakikita at nakatalikod sa akin.
“Just earlier. Aren’t you glad that I’m home?” sagot ng lalaki.
“Sinong may sabing maaari ka ng umuwi?! Pack your things and go back to Canada now!” Mariing sabi ni Greg na parang tumataas na ang presyon kaya naman lumapit na ako sa asawa at inilalayan ito. Kaya naman pagharap ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa ay halos lumuwa ang mata ko at atakehin ako sa puso.
Siya iyong lalaki kanina sa batis. Pero bakit siya nandito? At bakit siya sinisigawan ni Greg?
“Finally. Hi again. Wait, what should I call you? Auntie? Mom? Dad what shall I call her?”
“Dad?” Naguguluhang pag-uulit ko. Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin.
“I’m Adam your husband’s son. Other son rather. It’s nice meeting you again, Stepmom.” Sabay lahad ng kamay ko nang hindi ko kunin ang kamay niya ay siya ang kusang kumuha...