*2U* Chapter 10


(Syto POV)
+ Katatapos ko lang mag hain ng umagahan ng bumaba na si Tanya sa kwarto nya, medyo sabog ang itsura nya, dahil narin ng hang over, ng makita nyako, nanlaki ang mata nya at nagtakip ng muka.
Tanya- wag mo kong tingnan!
+ natawa na lang ako.
Syto- umupo ka na, araw araw naman ganyan ang itsura mo eh.
+sinamaan nyako ng tingin at pumunta sa lababo para magmumog, pagkatapos ay bumulong sya, na akala nya siguro hindi ko narinig.
Tanya – kaya pala may paghalik ka pa, “di naman tinuloy”(pabulong)
+sana nilaksan na nya.
Tanya- pasensya ka na ha, makulit ata ako kagabi, hindi kasi ako mahilig uminom eh.
Syto- ok lang. Pasensya ka narin ha.
+ sumubo na sya ng kanin.
Tanya- para san?
Syto- kasi hindi ko naituloy.
+ nasamid sya sa sinabi ko kaya inabutan ko agad sya ng tubig. Hinihimas nya ang lalamunan nya habang nakatingin sakin. Natawa na naman ako.
Tanya- Sira ulo ka ba?
Syto- ano?! Haha tapusin mo na yang pagkain mo, may pupuntahan tayo.
Tanya- saan na naman?
Syto- basta.
Tanya- akala ko ba lilipat ka na?
Syto- oo.
+ napatigil sya. Medyo humina ang boses nya.
Tanya- ahh, tuloy na pala talaga.
+ hayy, napaka bulok nya talaga sa pagkukunware.
Tanya- Mabuti naman kung ganun, total nagkaliwanagan naman na tayo eh, mabuti narin sigurong magsimula na lang tayo pareho, ingat na lang!!
+ ano kayang magandang gawin sa babaeng to? I-audition ko kaya to sa TV, ang galing umarte eh.
Syto- oo nga eh. Kaya bilisan mo na dyan, hindi tayo pwedeng malate.
+ tumayo nako at inayos ang pinagkainan ko, saka naligo at nagbihis, ganun din naman sya pagkatapos nya kumain, halatang matamlay sya, hindi masyadong nagiiimik. isinama ko sya sa Bar na pinagtatrabahuhan ko.
Tanya- anong ginagawa natin dito? Bat moko sinama dito? Eh ikaw ang nagtatrabaho dito.
Syto- pano mo alam?
Tanya- kasi—
Ken- KUYA!!
Syto- oh?
Ken- ok na lahat, kaylangan na lang natin mag ensayo ng konti.
Syto- ha? Bakit? May performance sched ba tayo mamaya?
Ken- wala kuya, pero may darating na producer mamaya dito, inuutusan tayo ni Boss na magrecord ng piece para mai present nya mamaya. O diba? Kung saka sakali, this is it!!
(Tanya POV)
+ Excited na excited na naman si Ken, nakakatuwa talaga sya. Samantalang si Syto parang wala lang.
Ken- matagal na nating hinihintay to kuya, sana makuha tayo. Think positive, basta laging tatandaan, ang nananalo ay ang nagwawagi!!
+ ano daw? Hahaha. Di ko mapigilang mapangiti sa energy ni Ken. Nag side eye naman sakin si Syto.
Syto- saya mo.
+ napabuntong hininga na lang ako, hanggang ngayun. Bitbit nya parin ang ugali nyang yun. Biglang may tatlong lumapit samin. Yung mga kabanda nya.
Jin- Mabuti nandito ka na.
Myel- syempre, hindi tayo makakapag simula kung wala sya.
+ ang ganda naman nya. Sa unang tingin kitang kita na agad sa kanya na myembro sya ng isang banda, napaka astig ng porma nya, hayyy sana lahat. Napatingin sya sakin.
Myel- ikaw siguro si Tanya?
+ ngumiti na lang ako.
Myel- Syto, tara na, baka maabutan pa tayo ni Boss na nakatunganga.
+ hinila nya na si Syto.
Ken- Tanya, dito ka lang ha, panuorin mo na lang kami manuod, padadalhan kita dyan ng maiinom mo ha, wag ka mag alala mabili—
Syto- Ken!!!
Ken- hayss, andyan na po.
+ tumingin saglit si Syto sakin. Bakit kasi isinama pa nyako dito, eh wala naman akong gagawin dito. Tulad nito, nakaupo lang ako. Edi sana nandun ako sa labas ngayun at naghahanap ng trabaho.
=maam, pine apple shake po.
Tanya- salamat po.
+ hmm, ok narin, as if mapapagod ako diba? Maya maya nagsimula na silang tumugtog, di ko naiwasang mapatingin sa kanila. Dahil magaling talaga sila, napatingin ako sa direksyon ni Syto, nakangiti sya ngayun, bagay na bagay sa kanya ang hawak nyang gitara, kung ikukumpura ang itsura nya ngayun sa una naming pagkikita, masasabi kong iba. Parang kaylan lang, napakadami kong dahilan para iwasan at layuan sya, pero ngayon.. Nasan na lahat yun?
Ken- Oh! Pwede na agad yun.
Jin- nirecord mo ba?
Ken- oo naman.
Jin- pano, magrecord pa tayo ng iba para sigurado.
Ken- hayy, excited talaga ako, pakiramdam ko makukuha ako.
Jin- ikaw?
Ken- Tayo! Bingi ka ba? Sabi ko tayo.
+ hahaha, nakakatuwa talaga yun. Nagsimula na ulit silang tumugtog ng bago.
Myel- pwedeng— Oh My God!!
+ tumigil silang lahat at tumingin sa likod ko kaya napalingon narin ako, may mga lalakeng pumasok at dire diretso lang sila.
Tumalon agad si Syto sa Stage at hinila ako.
Syto- Tanya, halika na.
Tanya- ha? Bakit?
Ken- kuya, dumaan na kayo sa likod, kami na bahala dito.
+ anong nangyayare?
= SYTO!!!! NASAN SI SYTO?!!
+ nakatago lang kami sa likod ng stage, hindi ko alam kung anong nangyayare.
Myel- Chris. Pwede bang wag kang mang gulo dito?
Chris- Myel, maganda ka parin, pasensya ka na pero si Syto ang kaylangan ko.
+ magtatanong sana ako kay Syto kung anong nangyayare pero tinakpan nya ang bibig ko.
Myel- wala sya rito, matagal na syang hindi pumapasok, kaya wala kang dapat hanapin dito.
Chris- masarap sanang maniwala sayo, kaso di tayo close!! Men!! Hanapin nyo!!!
+ bigla na naman akong hinila ni Syto at may pinto kaming nilbasan sa likod.
Tanya- Syto ano ba kasing–
= ayun sila!
Syto- mamaya ko na ipapaliwanag. Wag kang bibitaw sakin.
+ takbo lang kami ng takbo, di ko alam kung san kami pupunta nito. Buti na lang nakasapatos ako. Pumasok kami sa isang dept. Store. At medyo hinihingal nako katatakbo. Nakita naming may mga pumasok rin na mga lalake, sa loob.
Dali dali nyakong hinila papsok sa isang fitting room, naririnig namin na papalapit sila, bigla akong binuhat ni Syto paharap sa kanya kay naipulupot ko ang paa ko sa bewang nya.
Tanya- ay!!
Syto- wag kang maingay.
+ nakahawak lang ako sa leeg nya, napatingin ako sa kanya na masugid na nakikiramdam sa labas.
Tanya- uhhm, Syto?
Syto- shhhh..
Tanya- bakit kaylangan mokong buhatin?
Syto- baliw ka ba, nakikita mo ba ang awang ng pinto na yan, pag nasilip nilang dalawa ang paa dito, edi malalaman nilang nandito tayo.
+ oo nga naman. Ang bobo mo Tanya! Sinilip nya saglit kung wala na ba yung mga lalake. At mukang wala na.
Tanya- Wala na?
+ tumango lang sya at tumingin sakin kaya napatingin narin ako sa kanya, buhat parin nyako, napaiwas ako ng tingin dahil napaka awkward ng position namin ngayun.
Tanya- b-bababa nako.
+ ibinaba nya nako
Tanya- bakit ba kasi tayo tumatakbo? Tsaka sino yung Chris na yun?
Syto- kung sasabihin ko ba maniniwala ka sakin.
Tanya- kaya nga nagtatanong eh.
+ medyo naghehesitate pa sya.
Syto- hindi ka ba naiinitan dito. Gusto mo labas na tayo.
+ inapakan ko ang paa nya sabay labas ng fitting room. Nakaka bwisit, hinila nyako dito, napagod ako kakatakbo tapos hindi nya manlang sasabihin kung bakit? Nagsisimula na namang masira ang araw ko.
Syto- oy! Wag ka nga magpadalos dalos dyan, mamaya makita tayo dyan.
+ kung ano man ang atraso mo, makita ka sana.
Syto- Tanya… Oyy…
+ bahala ka sa buhay mo.
Syto- Tanya!
+ hindi ko na lang sya pinansin. Atsaka bakit ba kasi nyako isinama. Nagulat ako ng bigla nyakong hilahin at takpan ang bibig. Hinila nyako hanggang sa sulok ng isang pader.
Tanya- mmm!!!!
Syto- wag kang maingay!
+ bakit? Hala baka nakita uli kami. Tsk!! Bakit ba kasi hinahabol ng mga yun si Syto!!!! Binitiwan nya na ang bibig ko, magkaharapan kami ngayon at nakasandal ako sa pader.
Tanya- ano? Nakita ba tayo? Nandyan na ba sila? Ha?
+ hindi sya sumasagot.
Tanya- hoy ano?
+ bigla syang ngumiti at tumawa.
Tanya- Hindi ako nakikipag biruan sayo Syto ha!
Syto- Galit ka na naman.
Tanya- sadya!! Alam mo, kinikilabutan nako sa mga nangyayare ha. Kung ayaw mong sabihin sakin kung anong dahilan edi wag!
+ tinabig ko na sya...


at naglakad, nakasunod lang sya. Bahala sya sa buhay nya, siguro nga mabuting umalis na sya sa bahay ko! *mabuti nga ba? * tama lang na lumayo na sya. * tama nga ba? * hindi ko sya kaylangan! *hindi nga ba?!! * kalalakad ko, diko napansin na wala na sya sa likod ko.
San napunta yun? Imposibleng naligaw na yun. Ala ewan! Naglakad lang ako ng naglakad, hanggang sa mapagod ako dahil narin medyo mainit, napaupo na lang ako sa isang bench sa harap ng isang shop. Biglang may umupo sa tabi ko na mama’ na naka sumbrelo at inabutan ako ng tubig.
Tanya- salamat na lang ho, bibili na lang ho ako.
Syto- alam na alam kong mapapagod ka.
+ sa galing naman talagang sumulpot kahit saan.
Syto- mainit. Inumin mo na to.
+ tinanggal na nya ang sumbrelo at tumingin sakin.
Tanya- talagang nagagawa mo pakong kausapin eh nho?
+ isinuot nya sakin ang sumbrelo nya.
Syto- kaya ako hinahabol ng mga lalakeng yun, kasi may bagay silang gustong makuha sakin.
Tanya- ha? Ano naman yun?
Syto- basta.
Tanya- ganun?
Syto- atleast sinabi ko na sayo ang dahilan ha. Tsaka, ang totoo, naiwala ko rin yung bagay nayun, kaya hindi ko sila pwedeng harapin. Hindi dahil duwag ako, kundi dahil nag aalala ako na baka kung anong gawin nila sa mga taong mahahalaga sakin.
+ kung ano man ang bagay na yun, napaka halaga siguro nun.
Syto- siguro sapat na dahilan narin yun, para umalis nako sa bahay mo.
+ bat parang nalungkot ako.
Tanya- ahh, hehe.
Syto- kaso… Hindi ako makaalis eh.
Tanya- hmm? Bakit naman?
+ tumingin sya sakin ng malapitan.
Syto- kasi may isang tao dyan na, nakiusap sakin na wag umalis. At utang na loob narin siguro, mukang hindi nga ata ako makakalis.
+ pwede naman nyang sabihing hindi na sya aalis, bakit parang kinokonsensya pa nyako.
Sinamaan nyako ng tingin.
Syto- bakit?
Tanya- ako ba ang tinutukoy mo?
Syto- hindi bat–
Tanya- at kasalanan ko pa pala na napilitan kang manatili?!!!
Syto- ha?
Tanya- ano?!!
Syto- hindi ikaw yun okay, si ano, Si Tessie yun, si Tessie.
+ gustokong matawa pero hindi!!!
Tanya- ahh si Tessie.
Syto- oo, di pa daw kasi tayo bayad sa kuryente ngayung buwan.
Tanya- ahaha, ganun?
Syto- oo tsaka tubig.
+ hahaha. Tawang tawa lang ako. Di ko alam kung anong ginagawa namin pero, ibang iba na talaga sya ngayun.
(Myel POV)
Myel- sabihin nyo nga sakin, bakit hanggang ngayun hinahabol parin ng kuya ni Clarise si Syto?
Ken- mabuti pang kay kuya muna itanong yan.
Jim- Kasi nga. Nakay Syto pa yung bagay na ipinagkatiwala sa kanya ni Clarise nung sila pa.
Ken- ikaw!! Lagot ka kay kuya.
Jim- alam naman nating lahat eh, ano naman kung malaman pa ni Myel.
Myel- at gaano naman kahalaga yung bagay na yun na hanggang ngayun hindi nila tigilan si Syto.
Jim- mahalaga talaga. Tsaka, kilala naman natin yung chris na yun, basta kunektado sa pera, hindi nun palalampasin.
Myel- anong pera?
Jim- yung bagay na yun na nakay Syto. Mahal pa kesa sa inaakala nyo.
+ ano ba kasi yun? At hanggang ngayun hindi tigilan ng anino ni Clarise si Syto. Tsaka san na kaya napunta yun, at bakit kasa kasama nya pa yung Tanya na yun. Tsk!
(Syto POV)
+ ngiting ngiti ang babaeng to ngayun. At the end of the day, sa Carnaval ko lang naman sya talaga gustong dalhin, dahil narin hindi manlang kami nakapag liwaliw nung huling punta namin dito, bukod sa kasama yung bubwit, inabot pako pako ng ka abnuan.
Syto- ang saya mo no?
+ bigla syang sumimangot.
Tanya- ang galing mo talaga manira ng mood eh nho?
Syto- sakto lang.
Tanya- alam mo, kesa mag pagod tayo dito, bat di na lang tayo mag grocery? Para makapag luto naman ako mamaya.
+ hindi na lang ako umimik at tumango na lang. Pag dating namin sa dept. Store, namili na sya ng mga lulutuin. Ako naman taga tulak lang ng cart. Abalang abala sya sa pamimili, hindi nyako pinapansin, hmm. Sumakay ako sa cart at umupo sa edge nun.
Tanya- ano pa bang kula—-???? Anong ginagawa mo dyan.
Syto- pagod nako. Ikaw naman magtulak.
Tanya- sira ulo.
+ tas tinulak na nya haha. O diba, ganun lang yun.
Syto- kuha ka nun.
Tanya- para sabihin ko sayo, wala pakong trabaho ha.
Syto- alam ko. Sinabi ko bang ikaw ang magbabayad?
+ nag pout na lang sya.
Tanya- o sige bayaran mo rin lahat ng nilagay ko dito ha.
+ huminga na lang ako ng malalim. Ano pa nga ba? Biglang may nakasalubong kaming dalawang babae na namimili din.
= omg. Ang pogi bess.
=oo nga. *giggle*
+ tagal na! Ang mga babae talaga, kahit saan na lang eh. Masyado pang halata, di manlang nagpakipot.
=hi po.
+ tinanguan ko lang sila. Tapos nagdire diretso na sila ng lakad. Bigla naman pwersahang tinulak ni Tanya ang cart kaya dumiretso ako mismo sa lalagyan ng pinamili.
Syto- Oy!!!! Bakit? Masakit yun ha.
Tanya- bagay ka dyan.
Syto- sus, gusto mo narin akong bilhin nho? Gusto mo nakong iuwe?
Tanya- alam mo dumadaldal ka. Baba!!
Syto- to naman binibiro lang.
Tanya- Sabing Baba!!
Syto- eto na.
+ bumaba nako, baka bawian pako nito pag uwe.
Tanya- Umuwe ka magisa!!!!
+ dumiretso na sya sa counter. Hmm, halata namang nagselos. Eh kung sabihin ko kayang nag i love you sya sakin kagabi? Tsss. Sumunod nako sa kanya. Baka mag alburuto pa. Pagkatapos namin mabayaran, umuwe na kami. Di na naman nyako kinakausap. Tsk, kahit ako naman nagtataka kung bakit ang daldal ko ngayun, pero di naman ako nagreklamo haha. Nagbihis na muna sya tsaka nagsimulang mag gayat ng lulutuin. Lumapit ako.
Syto- akin na yan.
+ tinaasan nyako ng kilay. Sinamaan ko naman sya ng tingin at tinitigan. Napaiwas sya.
Syto- ako na, baka kung mapano ka pa.
+ binigay naman nya ang kutsilyo. Pero bago ako mag gayat, dahan dahan akong lumapit sa kanya hawak parin ang kutsilyo. Alam kong medyo natakot sya dahil nanlaki ang mata nya, at umatras.
Tanya- anong ginagawa mo?
Syto- sure ka bang matalas to?
Tanya- hindi ako natutuwa Syto ha.
Syto- baka lang kasi, hindi tumalab.
Tanya- ibaba mo yan!
Syto- gusto ko lang malaman kung matalas nga.
+ napa atras sya ng napa atras hanggang mapasandal sya sa gilid ng lamesa. Ikinulong ko sya ng magkabilang braso ko. Magka titigan lang kami at halata ang takot sa kanya. Biglaan kong itinusok sa patatas na nasa gilid ng lamesa ang kutsilyo, napa iktad naman sya nun at napapikit. Napatawa ako ng bahagya. Binitawan ko na ang kutsilyo pero hindi ko parin sya pinakawalan sa pagkakakulong.
Syto- Sabihin mo nga sakin Tanya. Hanggang ngayun ba takot ka parin sakin?
+ iminulat nya ang mata nya.
Tanya- lagi mo ba yang gagawin?!!
Syto- wala ka bang tiwala sakin?
Tanya- pano magkakaron? Kung lagi mokong tinatakot ng ganyan?!
+ hindi ko sya sinagot, tinitigan ko lang sya ng matagal, ganun din sya.
Syto- hindi ba pwedeng gusto lang kitang biruan.
Tanya- muka bakong natutuwa?
Syto- hindi ba pwedeng namiss ko lang yung takot mong itsura?
+ medyo nawala yung pagkakakunot ng noo nya. Nauwe na naman kami sa titigan, pero this time ramdam ko ang kabog ng dibdib nya. Hinawi ko ang buhok nya sa balikat at marahan ko syang hinawakan sa batok. Unti unti akong lumapit sa kanya.
(Tanya POV)
Tanya- kung ano mang binabalak mo, wag mo nang ituloy.
+ alam ko naman ang balak nya eh. Pero ewan, tuwing iniisip ko na gagawin nya yun, naguguluhan ako.
Tanya- Syto Sinasabi ko sayo——
Syto- Ssshhhh. Baka lang kasi nakalimutan mo na, na ako parin si Syto.
+ unti unti syang lumalapit.
Tanya- Syto.
Syto- hm?
Tanya- papahinga nako.
+ mejo umatras sya, tumungo at tumawa ng mahina.
Syto- sige, nasa kwarto mo lang ang mga gamot.
+ tumango na lang ako at dali daling umakyat sa taas. Hindi pwedeng ganto. Nalalabuan ako, ayoko magmukang umaasa sa wala.
Itutuloy…..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top