Halos mag-aalas tres na ng madaling araw pero naririto kami sa labas ng operating room at naghihintay sa maayos na paglabas ni Marie. Kanina pa ko nakayuko sa inuupuan ko at kinakabahan. Si Marg naman ay palakad-lakad din at halatang kinakabahan din. Si Caspian ay nagpaalam na may bibilhin daw muna sa labas. Isang oras na mahigit si Marie na nasa loob. Halos takbuhin ko ang pinto ng bumukas ito at lumabas ang dalawang nurse na agad ko namang hinarang.
“A-Ano pong nangyari? Ligtas na po ba siya?” Kabado kong tanong.
“Ma’am kailangan ko pong umalis huminahon na po muna kayo.” Nagmamadaling ani ng nurse at tumakbo na. Kinakabahang nagkatinginan kami ni Maharot at parehas na lumuluhang nagyakapan.
Diyos ko po. Napakabata pa po ni Marie huwag niyo po muna siyang kunin. Kailangan pa pong magbayad sa batas ng gumawa nito sa kaniya at kung walang batas ako na pong bahalang maningil sa mga animal na iyon. Mayamaya ay dumating si Caspian na may dalang kape na halatang mahal at isang box na doughnut. Inabutan niya ako ng isang cup ng kape pati si Marg na umiiyak at yumakap pa kay Caspian. Para-paraan ka beshie.
“May lumabas na ba kanina galing sa loob?” Banayad na tanong ni Caspian na nagpaluha sa akin. Tumango ako.
“May lumabas kaninang dalawang nurse na nagmamadali. Pero hindi ko alam kung bakit.”
“It’s fine. Everything’s going to be fine.” Sabi pa ni Caspian habang hinahaplos ang likuran ko. Nakalimutan ko na nga ang bangayan namin kanina sa barangay at maging ang binata ay ganoon din yata.
Ilang minuto lang ay bumalik sa amin ang dalawang nurse na hinihingal pa.
“Sino pong relative ng pasenyente sa inyo?” Tanong ng nurse.
“Wala po. Nasa probinsya ang relatives niya. Guardian niya lang po kami. Bakit po?” Kinakabahang tanong ko.
“Naubusan po kami ng stock ng dugo at nangangailangan po ang pasyente na masalinan agad—”
“What’s her blood type?” Putol ni Caspian sa nurse. Bahagya pang natulala ang nurse ng masilayan si Caspian.
“Miss ano daw type ng blood kailangan?” Tanong ni Maharot na namumugto ang mata at inirapan pa ang nurse na natameme. Nahihiya naman sumagot ito.
“B Negative po.”
“Shocks hindi ko alam ang type ng dugo ko. Basta may positive iyon eh.” Aning muli ni Maharot na muntik ko ng masabunutan. Natawa naman si Caspian.
“Type O Negative ako.” Mabilis na sabi ko sa nurse. At agad naman akong binatukan ni Marg.
“Gaga ka beshie. B Negative nga si baby Marie kailangan niya ay Positive para balance. Tsaka weh alam mo blood type mo? Wala kang maloloko dito beshie alam nating maganda ka lang.” Maingay na sabi ni Margarita na nagpapikit sa akin ng mariin.
“Alam mo besh mamaya makakalbo na kita.” Gigil na sabi ko kay Marg sabay tingin ng masama at agad namang tumiklop ang kaibigan. Takot niya lang makalbo siya. Si Caspian naman ay tawang tawa sa amin maging ang nurse ay napapangiti din. Nakakahiya talaga si Maharot.
“This way Ma’am.” Ani sa akin ng nurse.
“Caspian saan ka pupunta? Dito ka lang! Hindi pa tayo pero iniiwanan mo na ko!” Sigaw ni Maharot kay Caspian na nakasunod pala sa akin. Sinaway naman si Maharot ng nurse na isa pa bago kami pumasok sa loob. Buti nga napakaingay ng kaibigan napailing na lang ako. Dinala ako ng nurse sa isang kwarto at pinahiga.
“How did you know that B- and O- is compatible?” Tanong ni Caspian sa akin habang nakahiga na ko at kinukunan ng dugo habang abala ako sa pagpisil ng sponge ball.
“Noong naaksidente ang magulang ko. Nangailangan ng dugo si Nanay at B- din siya kaya naman noong tinanong ako ng nurse kung anong blood type ko doon ko nalaman na pwede pala ang dugo ko.” Nanghihinang sagot ko.
“Naaksidente ang magulang mo? How are they? Okay na ba sila? Tanong muli ni Caspian.
“Nabangga sila sa sinasakyan nilang trycicle ng isang malaking trak ng basura. Hindi sila nakaligtas.” Sagot ko habang malungkot na ngumiti. Umawang naman ang bibig ng binata.
“I’m sorry.”
“Wala na iyon. Tanggap ko na pero syempre masakit pa din lalo na kapag namimiss ko sila. Pero alam ko namang nasa mabuti na silang kalagayan.”
“Nahuli ba ang driver na nakabangga?”
“Patay din ang driver na nakabangga.” Nanghihinang sagot ko. Oo dead on...
hahaha nagkasundo sana all