Love at First Seat Chapter 3:


Katatapos niya lang kumain at gusto na niyang kunin ang bill ng bigla siyang mapatingin sa babaeng kakalabas lang ng kitchen area ng restaurant. Napako ang tingin niya sa magandang binibining nakatayo sa may bar at kausap ang isang babaeng crew din. Napukaw nito ang kanyang atensyon dahil sa mahaba nitong buhok at maamong mukha nito. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba sa langit. Ngayon lang siya nakadama ng ganitong excitement mula ng maghiwalay sila ng long term fiancee niya. Gustong gusto na niyang kilalanin ang babae pero pagod na pagod na talaga siya at gustong gusto na niyang humiga at matulog. Some other time. I know we will meet again.
Napukaw lang ang pagmumuni muni niya ng magsalita ang waiter sa tabi niya.
“Sir, eto na po ang bill niyo.” nakangiting inabot sa kanya ng waiter ang chit.
“Kanina ka pa ba diyan?” pormal na tanong niya.
“Opo sir. Nakita ko rin po na tinitignan niyo ang assistant chef namin.” nangingiting sabi pa nito.
“Here’s my credit card. just charge my bill there.” pormal na sabi niya rito. Wala pang ilang minuto, bumalik na ang waiter dala ang kanyang credit card and officail reciept na kailangan niya pirmahan. Pagkapirmang pagkapirma niya, nagmamadali na siyang lumabas ng restaurant.
“Mag iingat ka dun bff ha. Lagi mo kaming tatawagan dito at lagi ka rin mag update ng status sa fb mo para naman may balita pa rin kami sa iyo.” naiiyak na niyakap siya ni agnes. Maluha luha rin siya dahil ito ang huling araw niya ng trabaho. Excited siya na at the same time malungkot kasi hindi siya sanay na bumabiyahe ng mag isa. Palagi na ay kasama niya si Agnes pero sa pagkakataong ito, hindi niya ito makakasama kaya naman parang ayaw na niyang tumuloy. Pero sabi nga nila, opportunity knocks only once so better grab it. And this opportunity really is what she wanted for the rest of her life. She wanted to have a vacation. After 3 straight years, magkakaroon na din siya ng isang engrandeng bakasyon.
“O, wala namang iyakan bff. Pinaiiyak mo naman ako eh. Isang linggo lang naman akong mawawala ano ka ba?” natatawang sabi niya.
“Jhemsie, mag iingat ka doon ha? Wag mo pababayaan ang sarili mo. Malaman ko lang na maayos kang makakarating doon at maayos kang makakauwi rito, sapat na para sa akin iyon.” niyakap siya ni nate. Ang lalaking matagal na siyang minamahal. Pero hindi naman niya kayang turuan ang puso niya na mahalin din ito.
“Kung pwede lang turuan ang puso kong mahalin ka, ginawa ko na noon pa Nate. Don’t worry, i’ll keep safe and I’ll always keep in touch with you guys.” mabilis na yakap ang ginawa niya at mabilis na nagpaalam. Excited siyang umuwi sa apartment niya dahil kinailangan niya pa mag ayos ng mga dadalhin niyang gamit papuntang palawan.
Pag dating na pagdating niya ng apartment, dali dali niyang kinuha ang maleta na gagamitin niya at nag simula na mag ayos ng mga gamit. Nang matapos, nagshower na siya at nahiga na sa kama at mabilis na nakatulog.
*** Sofitel Hotel***
Nagising si Jander sa tunog ng alarm clock. pagtingin niya sa orasan, 4:30 na! Shit! Malalate ako sa flight ko. Dali dali siyang nagpunta sa shower room at pagkatapos mag shower, nagcheck out na siya.
Pagdating niya sa Terminal 3, dumiretso na siya sa baggage check in counter para ma check in ang kanyang bagahe. Pagkatapos, dumiretso na siya sa boarding area. Nag iisang upuan nalang ang...


natitira kaya wala siyang choice kundi dun umupo. Pero nag alangan siya dahil isang babae ang makakatabi niya na mukhang antok na antok at pagod na pagod. Nang maka upo na siya, binuksan niya ang kanyang tablet para mag update sa kanyang twitter at pampalipas oras na din naman habang naghihintay. Ilang minuto na siyang nag twee tweet ng maramdaman niyang may ulong bumagsak sa balikat niya.
“Miss, gising! Hindi ako kama para tulugan mo at lalong hindi tulugan ang airport!” Naiinis na sabi niya rito. Nagising naman ito at nagkusot pa ng mga mata.
“Sorry mister, sobrang pagod lang talaga ako sa trabaho kaya antok na antok pa talaga ako.” Hinging paumanhin nito.
“No! I can’t accept your apology! Tignan mo ginawa mo sa shirt ko, Nilukot mo! Now, pano pa ko makaka alis nito gayong gusot na ang damit ko???” Pasigaw na sabi niya. Close to perfectionist kasi siya. Ayaw niyang gusot gusot ang damit niya at kailangan organized ang buong gamit niya.”Napaka walang modo mo naman! Nag sorry na nga iyong tao, ayaw mo pang i accept!” galit na rin ang babae.
“Miss, if you don’t know yet, airport ito, as in A-I-R-P-O-R-T! Ibig sabihin, hindi ito tulugan at lalong hindi ako kama para higaan mo!” Nanggagalaiting sambit niya. Magsasalita pa sana siya ng biglang tinawag na ang flight nila.
**Passengers bound to Palawan flight 408, please proceed to the boarding area.**
Nauna na ang babae maglakad papunta sa eroplanong sasakyan nila. Naku, makakasabay pa niya pala ang babaeng ito. Sana lang hindi niya ito makatabi sa upuan.
Samantala, inis na inis pa rin si Jemay sa lalaking nakasagutan niya kanina. Hay naku, ng magsabog siguro ng kayabangan ang Diyos, sinalo lahat ng lalaking iyon! Grrr…
Ipinagdadasal niya na sana hindi niya makasama sa iisang eroplano ang lalaki. Pero mukhang nagkamali siya. Nang makita na niya ang seat number niya, agad na siyang umayos ng upo. Hay salamat, makakatulog na ako ng maayos. Ilang sandali palang siyang nakakaidlip ng biglang may tumapik sa balikat niya.
“Miss, excuse me. Sa may window seat ang pwesto ko.”
“What? Sa may windows seat din ako.”
“Miss, baka nagkakamali ka. E4 ang nakalagay sa ticket ko.” naiinis na sabi na ng lalaki. Nang mapagmasdan niya ang mukha ng lalaking ito, nalaman niyang ito rin ang lalaking umaway sa kanya kanina sa labas. Gusto niyang gumanti rito kaya kahit alam niyang nasa E3 talaga ang ticket niya, hindi siya umalis sa upuan nito. Nakangiti pa nga siya ng magsalita rito.
“Oh, I’m sorry. I thought my seat number is E4. But since i’m comfortable enough with this seat, can we just exchange seats instead?”
“No! I tend to seat where i need to be seated. So if you’ll excuse me, better leave my seat please?”
“Alam mo, nakita mo na nga na nauna na ko umupo sa iyo, paaalisin mo pa din ako? How ungentleman you are!”
“Miss, wala sa bokabularyo ko ang magpakagentleman sa isang babaeng hindi naman karesperespeto okay? So now, go! Back off!” galit na sabi nito.
Para hindi nalang humaba ang gulo, naisip ni Jemay na lumipat nalang sa talagang upuan niya.
“Why, Thank you ma lady.” nang aasar na sabi nito.”Tse!” Inirapan na niya ito.
Ilang sandali pa, naramdaman nalang ni Jemay na umaangat na ang eroplano sa ere. Ilang minuto nalang at nasa palawan na siya. She will be enjoying her vacation. Atlast! Sana lang walang asungot na kagaya ng lalaking ito ang magpapasira ng mga araw niya doon






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. Wiertarki Udarowe

    Naprawdę podoba mi się twój szablon wp, skąd go pobrałeś? Z góry dziękuję!

    https://www.wiertarki.xmc.pl

  2. Ryby słonowodne

    By aktorka odniosła sukces, powinna mieć twarz Wenus, umysł Minewry, wdzięk Terpsychory, pamięć wziętego prawnika oraz skórę z gaźnika. E. Barrymore UMS*

    https://www.nahaczyku.xmc.pl

  3. Brawo! tak trzymać. Widaż, ze dbasz o merytoryczne wpisy na Twoim blogu są ciekawe i b. wartościowe, Dzieki i zapraszam do siebie…

    https://www.pianino.xmc.pl

  4. Wspaniały blog wiele przydatnych informacji jakie są twoje inspirację z czego czerpiesz tak wwyrafinowaną “moc twórczą” ?

    https://xmc.pl

Leave a Reply


top