Love at First Seat Chapter 2:


Author: Crystal Rogue
“JL!” tinawag siya ng mama niya ng makita siya nitong pababa ng hagdan.
“Mom! How many times do i tell you not to call me JL anymore? Jander or Lexi ang nickname ko sa mga kaibigan ko! Please mom! Hindi na ako batang paslit para tawagin mo pang JL!” at mabilis na tinalikuran niya ang kanyang mama. Knowing his mother, alam niyang nasaktan na naman niya ito. Pero sanay na siya. Ilang taon na ba sila hindi nagkakausap ng maayos ng dahil lang sa isang nakraang pinipilit niyang kalimutan? Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw na nasira ang pamilya nila ng dahil sa kagagawan ng kanyang mama.
“I’m sorry anak. Saan ka pupunta? ” sigaw nito sa kanya. Alam niyang pipigilan na naman siya nitong puntahan ang kanyang ama. Mula kasi ng maghiwalay sila nito, madalang na niya makita ang kanyang ama sa bahay nila. At madalang na din siya kung umuwi sa bahay nila.
Mas gugustuhin pa niyang umuwi sa condo niya sa Makati o kaya ay maglagi sa isa sa mga cottage ng El Nido Palawan kesa umuwi dito sa bahay na parang wala na rin namang taong nakatira.
How he missed the times when they are still happy family. AS in happy na halos siya lang ang binibigyan ng atensyon ng kanyang mga magulang. Pero when he started studying, nawala lahat ng atensyon ng kanyang papa sa kanilang mag ina dahil kinailangan daw nitong magtrabaho para sa ikagaganda ng kinabukasan niya. Tuloy, naging dahilan iyon para magloko ang mama niya.
Yes! Palawan. Bakit nga ba hindi niya naisip agad ang lugar na iyon? Bigla siyang bumalik sa loob ng bahay at mabilis na umakyat sa kwarto niya at nag empake. Nang pababa na siya ng hagdanan, nakita niya ang mama niya na nakatingin sa mga dala niyang maleta.
“At saan ka na naman pupuntang bata ka ha?” Galit na ang tinig ng kanyang mama. Hindi na sana niya papansinin ito ng bigla na lamang nito hinila ang isa sa mga maleta niya.
“Mom! Pabayaan niyo na ako. Magpapalamig lang ako. Babalik din ako. Kung kelan, hindi ko pa alam.” Paliwanag niya at lumabas na ng pinto ng malaking bahay.
Tiningnan niya ng huling tingin ang bahay na kinalakhan niya. He used to have a lot of childhood memories in this big house. Pero ayaw na niya maalala pa ang kahit na ano mula sa pagkabata niya.
“Jander! Please! Wag ka naman umalis. Wala ng mag aasikaso ng mga businesses natin. Pano na ang Raintree?” Narinig niyang sigaw ng mama niya. Nang maalala ang Raintree, napabalik siya.
Ang raintree ang kaisa isang itinayo niyang negosyo na maituturing niyang kanya talaga. Ni hindi siya nanghiram ng puhunan sa pamilya niya. Instead, he worked hard to achieve the financial stability to put up his own business.
“Don’t you dare touch Raintree mother! Kahit umalis ako, alam kong mapagkakatiwalaan ang mga empleyado ko roon. and isa pa, lagi ko pa rin naman imomonitor ang negosyo ko....


Aalis na ako. and mom, mag iingat kayo palagi.” Yun lang at nagmamadali na siyang umalis.
Pagdating niya sa cebu pacific ticket booth, dali dali siyang nagpabook for today’s flight going to Palawan but unfortunately, fully booked na daw. Kung magchachance passenger naman siya, maghihintay siya ng pasaherong hindi tutuloy but the percentage is just 50% kaya nag decide nalang siya na magpabook tomorrow early in the morning.
“Miss, sige, pwede ba magpabook ng earliest flight tomorrow?” sabi niya sa reservations agent.
” Sir, let me check, uhm ang pinaka earliest flight is around 5 am. ok lang ba sa inyo yun sir?” magalang na tanong ng tikcet agent.
“yes. it’s fine with me. book me now. And can you please give me the seat near the window?” special request niya.
“Sir, the only available seat is the seat number E4. If i booked you this seat the total amount including taxes is P6,785.90, is that okay with you sir?” Tanong naman ulit nito.
“yes, here’s my credit card. Charged it here. ” at hinintay nga niyang i charge sa kanyang credit card ang kanyang expenses. Nang matapos ang agent, binigyan siya nito ng offical reciept at sinabing ang ticket niya ay isesend na lamang sa kanyang email address. Pagkatapos niyang magbayad, nagmamadali siyang umalis. Gustong gusto na niya magpahinga kaya maghahanap nalang muna siya ng malapit na pwede pagstay an over the night. Napili niyang sa makati na din mag stay dahil nandoon na din naman siya. He found the Sofitel hotel which is accessible sa mga call center agents dahil napapaligiran ito ng mga shops and buildings. Nakaramdam siya ng gutom kaya pinili na lamang niya kumain sa isang restaurant na malapit sa hotel na tutuluyan niya bago pumunta sa Sofitel.
Pagkapasok na pagkapasok palang niya ng Restaurant, napansin na niyang maganda ang ambience ng lugar. Sana lang masarap din ang pagkain.
Nang makita siya ng isang crew binati siya nito agad.
“Good ,morning sir! table for one sir? This way please. Follow me.” magalang siya nitong itunuro sa nag iisang bakanteng upuan na nakaview sa bintana. Glass windows ang paligad kaya kitang kita niya ang buong buildings and shops na nakapaligid dito.
“What’s your menu here? Your best seller?” pormal na tanong niya sa crew.
“Ahm sir, ang pinaka best seller po namin ay ang Camaron rebusado in an Orange and mustard sauce.” magalang at nakangiting sabi ng crew.
“Hmm, sige pa order ng isa and ice tea bottomless. less ice.” Sabi niya sa crew.
“Ulitin ko lang po ang order niyo sir, one Camaron rebusado in an Orange and mustard sauce and one ice tea bottomless, less ice, am i correct sir?” nakangiting tanong nito.
“Yes.” yun lang at ibinalik na niya ang tingin sa labas ng bintana.
“Sir, sorry to keep you waiting, your order will be served in 15 minutes.” paalala ng magandang crew.
Hindi siya sumagot dahil ayaw na niya makipag usap. Gusto na niya makapagpahinga dahil hindi siya nakatulog ng maayos sa bahay kagabi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top