Love at First Seat Chapter 1:


Author: Crystal Rogue
Genre: RomCom
Narindi si Jemay sa pagtawag sa kanya ng kaibigan niyang si Agness. Babae ito pero kung umasta ay daig pa ang pagiging bakla dahil sa sobrang ingay ng boses. Pero sanay na siya rito. Sa tagal ng pinagsamahan nila since college days pa, alam na alam na niya ang ugali at likaw ng bituka nito.
” Jhems!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” nagtititili ito habang papalapit sa kanya. Hindi na muna niya ito pinansin dahil siguradong chismis lang naman ang dala nito. *hay naku* sabi niya sa isip niya.
“Ano na naman bang chismis yang dala mo huh agness?? ang aga aga eh iniistorbo mo ako sa trabaho ko dito. mabuti pa bumalik ka nalang muna sa labas at baka may pumasok na customer.” sabi niya sa kaibigan na hindi ito tinitignan,. Alam niyang hindi ito aalis hanggat hindi niya ito kinakausap ng matino. Matinong as in kelangan makinig siya sa buong kwento nito na minsan aabot na ng kinabukasan eh hindi pa din tapos ang kwento.
“Sister! naku, magugulat at mashoshock ka ever sa ibabalita ko sa iyo!” Pambibitin ulit ni agnes. Wala na siyang nagawa kundi ang itigil na muna ang pagluluto at hinarap ito. nagpunas siya ng kamay sa hand towel at umupo sa tapat nito.
“O, ano na naman yang nasagap mo aber? bagong prospect mo na naman ba? bagong papa mo? o ikakasal ka na??” sunod sunod na tanong niya. Sa totoo lang, ayaw na ayaw niya na naiistorbo siya sa oras ng trabaho pero knowing her all in one bestfriend, YES! All in one. malalaman niyo rin later kung bakit all in one. Hehehe. Anyhow, ayun nga, dahil kilala niya ito, alam niyang kelangan niya ito bigyan ng Full Atensyon niya. Yes! As in full! todo todong FULL ATTENTION! Na minsan nakakainis na. pero wala naman siyang choice.
“Ay! Wala sa mind ko ang pag aasawa sister! And hindi rin ito tungkol sa akin, tungkol ito sa iyo ate!” nangingiting sabi pa nito. ANU DAW?? Tungkol daw ito sa kanya???
“Anong sabi mo?? anong tungkol ito sa akin? May nagawa ba ako para paalisin ng boss natin?” nag aalalang tanong na niya rito. Nakakakaba na talaga ang bestfriend niyang ito huh. Sukat ba namang ibitin pa siya.
”Ay gaga! Ano beh?? Hindi ito tungkol sa work. It’s time for you to relax.. Binigyan ka ni Bossing ng 1 week all expense paid vacay in Palawan! Take note ate, hindi lang...


basta basta palawan ate! Sa El Nido Resort pa! Ang say mo huh? ang haba na talaga ng hair mo! It’s you already ate! Ikaw na!” over acting na sabi ng bestfriend ko. Pero ako, shocked at hindi pa rin makapaniwala. Imagine, makakapunta ako sa palawan and yet, hindi pa ako gagastos?? Wow! as in Wow na wow!
Sa totoo lang, matagal ko nang gusto pumunta ng Palawan. kahit 3 days vacation lang, pero due to some circumstances, hindi o maiwan iwan ang trabaho ko at ang pinakamasaklap sa lahat eh, mahal. Kelangan ko pa mag ipon ng mahigit kumulang 15 thousand para lang makapagbakasyon ako ng 3 days! And now? Makakapag bakasyon na ako! Hindi lang 3 days, 1 week pa! What a LUCK!
“AYYYYYYYYYYY! Best friend, totoo ba talaga iyan? Kelan naman ang alis nating dalawa?” sobrang na excite ako, ni hindi ko muna naitanong kung sasama ba ang aking bestfriend. Kung nakilala niyo kami, iisipin niyo na may relasyon kami. Well, meron nga, hahaha! We’re like twins! kaya inseparable talaga kami. Nalungkot ako bigla ng sabihin niyang hindi raw siya makakasama.
“Best friend, hindi ako kasama eh. Ikaw lang ang pinagbigyan ni bossing ng bakasyon. Kasi daw super stressed ka na raw sa work. Imaginin mo daw kasi, within 3 years time, tumaas ng 75% ang profit ng OSH ( Outback Steak House) Kaya raw kelangan mo naman daw makapag relax and unwind man lang.” Malungkot na sabi ni Agness.
“Ganun? Ayoko naman magbakasyon ng mag isa lang. Alam mo namang hindi ako sanay pumunta ng ibang lugar ng hindi ka kasama.”
“Alam ko naman yun bestfriend eh. Pero this time, you need to go alone. Sayang naman yung opportunity. Promise, kapag nakakuha ako ng leave, susunod ako agad agad dun. Promise!” pakikay na sabi pa nito. Dahil dun, nakuha na niyang ngumiti. Alam niya na matagal na siyang pinipilit nito magbakasyon and she knows there will be a right time for that. And now is the right time.
“Oh siya sige na, since tapos na ang chismis break, bumalik ka na sa labas. Baka parehas pa tayo mapagalitan ni Bossing.” Pagtataboy niya rito.
“Hmp! Palibhasa tungkol sa iyo ang chismax kaya kung ipagtabuyan mo ako ganyan na lang. Oh siya bff, see you later! And don’t forget, dapat pag balik mo dito galing Palawan, may fafa ka na huh? Dapat un kasing hunk ni Bossing.” Nagtatawang iniwan na siya nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top