Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER TWELVE.


BUMALIK sila sa sasakyan at kinuha lang ang mga gamit at naglakad nalang sila pauwi dahil hindi nga makakaandar ito.Pagkauwi ay bumungad sa kanila ang nag-aalalang tiya.ang dami nitong tanong sa kanila ni pablo.Gaya ng kamusta sila,May nangyari ba daw masama sa kanila o nasaktan ba sila at lahat ng iyon ay si Pablo ang sumagot.
“Mabuti naman kong ganoon.Salamat talaga pablo iho ha,”
“Wala po iyon tita.Sige po mauuna narin po ako at baka nag-aalala na rin sakin sila lola dahil di ako nakauwi kagabi”
“Sige mag-ingat ka”
“Opo,Mix una nako”
Tumango siya.”Oo.Salamat”
Ngumiti ito sa kanya bago umalis.Siya naman ay dumiretso sa kwarto.At doon hindi maubus-ubusan ng tanong ang pinsang si faith sa kanya lalo nang sinabi niya ditong magkasama silang natulog ni pablo sa isang kwarto pero siya ang nasa papag at ito naman ay nasa baba.
“Grabe na ito cuz ha,I can’t believe it!Two enemies sleeping together?.”
“Anong two enemies ka diyan.FYI lang cuz di na kami enemies ni pablo diba.We’re not Enemies but hindi ko rin naman masasabing friends kami pero di kami mag-kaaway”
“Fine.So kamusta naman ang buong gabi niyo sa kubo?.May nangyari ba ?lalo na’t malamig doon”
“Okay lang naman nagkwentuhan lang kami ng kunti tapos tulog inantok na ako eh”
“So walang nangyari?”
“Nangyari?Ano namang mangyayari?”Kunot noong tanong niya.bigla itong ngumisi kaya na punto niya ang ibig sabihin nito kaya wala habas niya itong hinampas ng unan.Tumakbo ito papalayo sa kanya kaya hinabol niya.Kaya ang nangyari ay naghabulan sila sa loob ng kwarto.
“Ang green mo faith!”
“Nagbabakasali lang naman kasi ako cuz.Malay mo si pablo na pala ang papalit kay xander diyan sa puso mo”Anito habang patuloy parin sila sa hahabulan.
“Sira*lo ka matagal nang wala sa puso ko si xander ano ba”
“So si pablo na ba?”
Napahinto siya sa tanong ng pinsan.Nasa puso niya na nga ba talaga ang binata?
“O?Si pablo na nga?”
Tumingin siya sa nakangising pinsan.”H-hindi no”
“Wehh?”
“Hindi nga”
“Sure ka?”
“Oo”
“Hindi eh,Si pablo na eh”Pang-aasar pa nito.
“HINDI NGA KULIT MO AH!”Hindi niya na napigilang sigawan ito.
Humalakhak ito.”Grabe ka cuz Di ka masyadong halata ha.Di talaga.”
“Pwede ba faith tumigil ka.Hindi ko siya gusto okay”Aniya dito at tinalikura tsaka dumiretso sa banyo.
“Teka nga cuz,wala naman akong sinabing gusto mo siya ah.Sinabi ko lang kong siya na ang pumalit sa puso mo, but hindi ibig sabihin nun na gusto mo siya ang tinutukoy ko.Ang ibig kong sabihin ay kong siya na ba ang pumalit sa puso mo bilang isang lalaking kaibigan.diba naging friends kayo ni...


xander noon?”Ani ng pinsan na sumunod pala sa kanya papasok ng banyo.Pinamulahan siya at Lumingon dito.May nakapaskil nangangasar na ngiti ito sa labi.
Gusto niyang sabunutan ang pinsan dahil sa pang-aasar nito ngunit bago niya pa ito nagawa ay nakalabas na ito ng banyo kaya ang nagawa niya nalang ay sigawan ito.
“BWES*T KA FAITH!!!!!!”
Narinig niya pa itong tumawa ng malakas.
“ANO cuz,Aminin mo na kasi crush mo si pablo no??”Pangungulit ni faith sa kanya.Kakatapos lang nilang maghapunan at nandito sila ngayon sa kanilang kwarto para maghanda ng matulog.
“Pwede ba faith sabi kong tigilan mo ako sa ganyan mo.”
“Eh gusto ko lang naman kasi malaman”
“Hindi nga sabi”
“Sure na sure ka talaga?”
“O-Oo”Hindi niya alam kong bakit bigla siyang Nautal.”Teka nga bakit mo ba pinagpipilitang crush ko si pablo?.Diba ikaw ang may gusto sa kanya?Bakit ngayon ako ang pinagtutulakan mo doon?”
Umupo ito mula sa pagkakahiga at tiningnan siya.”Kasi cuz,Sa totoo lang di ko naman talaga crush”
“Diba sabi mo type mo siya?”
“Yes,I said That.But that is a joke.I’m just looking for your reaction”
“At bakit mo naman tinitingnan ang reaction ko aber?”
“Malay ko bang kaya mo sinusungitan si pablo ay dahil crush mo siya at ayaw mo lang ipahalata”
Napairap siya at napailing.Baliw talaga itong pinsan niya.
“Hindi ko siya crush kaya ko siya sinusungitan.Sinusungitan ko siya dahil galit at naiirita ako noon sa kanya”
“Ngayon di kana galit at naiirita sa kanya”
“Di na”
“That means may tiyansang maging kayo ni pablo?”
‘Ito na naman siya’
“Stop,faith.”Mariing aniya dito sabay talikod at Pikit ng mata.
“Bakit di mo subukan Mix.Alam mo may spark akong nakikita sa inyo ni pablo eh.Bagay kayo sa totoo lang.Malay mo siya na ang Mr.Right mo.O diba ang swerte mo?.Gwapo na,Macho pa tapos super bait pa o saan kana?Kay pablo na”
“Sira ulo,tumigil ka nga”
Tumawa ito.”Oo hindi na..Ay wait cuz”
“Ano na naman iyon”
“Yayain mo kaya si pablo bukas”
Napalingon siya rito.”Yayaan saan?”
“Mag date”
“MAG-DATE!?”
Nasisiraan na talaga itong pinsan niya.Bakit niya yayaing magdate si pablo?edi baka iisipin nito na may gusto siya rito.
“Ang OA na reaction mo mix.Friendly date ang ibig kong sabihin.Pambawi mo kong baka sa lahat ng ginawa niyang kabutihan sayo at sa mga pagsusungit mo sa kanya.Deserve niya naman iyon diba?”
Napaupo siya gaya ng pinsan at Napaisip.May point naman ito.
“Saan naman?”
“Sa mall.Kumain kayo,Manood ng sine o ano man”
“Sasama naman kaya siya?”
“Tanong mo sa kanya.But ipaalam mo muna siya kay tita,You know may work siya eh”
“Sige.Sa sabado.I’ll do that”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top